Chapter 55

1.7K 39 2
                                    

Jace's POV

"Tama na yan tol, umuwi na tayo, lasing ka na eh," sabi ni Patrick kay Mark na kasalukuyang nagpapakalunod sa alak...

"Ano ba!? Mabuti nga malasing ako diba?," sabi ni Mark. Dipa naman sya lasing pero halatang nakainom na sya...

Ako naman ay nasa likod lang nila Patrick at Tristan...

"Tama na yan Mark, umuwi ka na, ihahatid ka nalang namin bro," sabi naman ni Tristan.

"Yaan nyo nalang kasi ako! Kaya ko na umuwing mag-isa," sabi ni Mark...

Tinabig ko yung dalawa at lumapit ako kay Mark... Hinawakan ko yung braso nya... Napaangat naman yung tingin nya sa akin..

"Tara na Mark, Iuuwi na kita," mahinahon ko na sabi...

"Jace," sambit nya sa pangalan ko, saka tumulo yung luha nya, "Pwede bang s-samahan mo ako... Di ko na kasi kayang ipakitang kaya ko pa,"

Tiningnan ko si Patrick at Tristan saka ako Umupo sa Tabi ni Mark saka umupo din silang dalawa sa harap namin..

"Ang sakit-sakit," sambit ni Mark habang tumutulo ang luha nya at nakakapit sya bahagya sa t-shirt nya na naga bandang dibdib nya, "Ano ba kasing mali sa akin?... Nag.. Nagmahal l-lang naman ako ahh.... Bakit kailangang ganito kasakit?,"

Nakatingin lang kami sa kanya..

"Si Trina, akala ko mahal nya ako yun pala ginamit nya lang ako... Tapos si Ashley, akala ko mamahalin nya ako, pero hindi parin pala!!,"

"Tama na Jim, Umuwi na tayo," sabi ko.. Saka ko sya inalalayan para makatayo.

Naunang umuwi si Tristan kaya kami nalang ni Patrick ang naghatid kay Jim pauwi sa kanila...

Iisa lang din yung kotse na sinakyan namin ni Patrick para bawas polusyon at tipid sa gasolina..

Ding Dong Ding Dong

Saka bumukas ang pinto.

"Oh My God! What Happened Mikael? Anong nangyari kay Mark?," nag-aalalang tanong ng Mommy ni Mark habang inaakay sa Mark papasok...

"Mark---baby? Ano bang nangyayari sayo anak?,"

Nag iisang anak si Mark kaya ganun nalang ang pagka over protective ng parents nya. Hirap kasing makabuo yung Parents ni Mark eh..

Sinamahan namin si Tita at tinulungan papasok sa Kwarto ni Mark.. Dios ko naman kasing lalaking to, kahit hindi mataba at sakto lang ang katawan, Napakabigat..

Nung maihiga na namin si Jim ay agad nagpakuha si Tita ng bimpo at agad inasikaso si Jim. Imbis magalit sya sa anak ay naiintindihan nya ito.

How I wish ganyan rin yung mommy ko. Yung iintindihin yung part ko...

"Maraming salamat Mikael ha sa paghatid kay Mark Jim, pasensya narin sa abala. And to you Patrick, Thank you rin." sabi ni Tita

"Walang anuman tita," sabi ko.

"You're Welcome po Tita," sabi ni Patrick.

Saka kami nagpaalam na umalis para makauwi narin. Hindi ako pumasok ng school for the afternoon session, at kapag nalaman yun ng Nanay ko! Patay!

"Nandito na tayo babe," narinig ko na sabi ni Patrick... Napatingin sya sa akin nung maramdaman nyang di ako kumilos...

"A-ano kayang feelings kapag may ganun kang klaseng nanay?," wala sa sariling sambit ko...

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now