Chapter 19

1.9K 40 2
                                    

Patrick's POV

Masakit yung katawan ko pero okay lang, kailangan ko na pumasok kahit kulang ako sa tulog.
Matapos akong lunasan kagabi sa hospital ay umuwi na kami, si mommy? Natakot na sa kaligtasan ko.

Mula rin nung makauwi kami ay di na nawala sa isip ko yung taong nagligtas saakin.

Para syang Half Demon Half Angel, di ko lang alam kung bakit.

Hanggang ngayon pala-isipan parin sakin kung anong ibig sabihin nung mga simbolo at numero sa baraha nya.

Matapos ko na maligo ay bumaba na ako, buti nalang at dumating agad yung nakaitim na taong yun kung hindi ay baka isang linggo na naman ako sa hospital.

"Anak? Masakit pa ba yung mga sugat at pasa mo?," sabi ni mommy.

"Medyo lang mommy," sabi ko, "Gusto ko talagang makilala yung taong nagligtas sakin, dalawang beses na nyang ginawa yun mom," sabi ko.

Inalalayan nya naman akong maupo at pinagsilbihan para makakain.

"Before kang mag-isip kung sino yung nagligtas sayo anak, ang pagtuonan natin ng pansin ay yung taong nag utos para pagtangkaan ang buhay mo, you're not safe," sabi pa ni mommy.

Oo nga, dahil dun sa taong nagligtas sa akin nawala na sa isip ko ang taong nag utos na gumawa sakin nito.

"Siguro nga mommy, buti nalang at dumating yung taong yun para iligtas ako,"

Mabilis akong natapos sa pagkain, at dahil nag aalala sila mommy, pinahatid nila ako sa driver ko.

Di sana nila ako papasukin pero nagpumilit ako.

Nung makarating kami sa parking lot at pagkababa ko lumapit agad yung mga tropa ko including Tristan and Mark, ibig sabihin di na sila galit sa akin.

Nalaman nila ang nangyari kagabi dahil, isa-isa silang tinawagan nila mommy nung napansin nilang wala ako sa bahay.

"Patrick! Mabuti naman at pasa at kunting galos lang natamo mo," sabi ni Mark.

"Kailangan na nating alamin kung sino ang nasa likod nito, Mark, may nakita ka nabang pwedeng gumawa nito?," tanong ni Tristan.

"Iba yung pinaimbistiga ko, mas magaling yun kesa sakin," sabi ni Mark.

"Naghire ka ng professional secret agent tol?," tanong ni Tristan sa kanya.

"Hindi nuh, dagdag gastos pa yun, pasalamat nga tayo at pumayag sya, sabi nya sa akin mga lalaki daw na may galit talaga kay Patrick," sabi ni Mark.

Sino naman kaya yung hiningan nya ng tulong para mag imbestiga sa akin?

"Sige pag usapan natin yan," sabi ni Justin.

"At di na tayo pumasok sa morning classes natin," sabi naman ni TJ.

At ayon nga, sa Dorm lang o tambayan namin kami nagtambay.

Pagkarating namin sa dorm ay umupo na kami palibot sa mesa.

"Ano na tol?," tanong ni Justin kay Mark.

"Naaalala nyo si Demi Colin? Yung nakaaway natin na college dati? Yung nagalit kasi yung syota nya may gusto kay Pat? Yung napuruhan natin," sabi Mark.

Kaagad naman napaisip ang lahat.

"O-oo nga, yung mukhang taong tabon? Hahahaha," sabi ni TJ.

Abnormal tong lalaking tong si TJ sa lahat ng maalala yun pang bansag namin sa lalaking yun hahahaha!!

"Bakit sya nasali sa usapan? Sya ba yung nag utos na ipapatay si Pat?," tanong ni Xandy.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now