Chapter 9

2K 49 1
                                    

Jace's POV

Morning FRIDAY!!

Yes!! Friday na...

♪♪Lalalalalala♪♪

Hehehe ang saya pag walang pasok diba? At bukas yun hahaha!

Matapos ko na maligo ay agad na akong bumaba, kahit parang pagod na pagod yung katawan ko at gusto ko pang matulog.

Nadatnan ko na naman si kuya.

"Ano? Wag nyong sabihin sa kanya, mommy," naring ko ang boses nya, mahinahon man pero maawtoridad. "Please mom, I'm begging you, ayaw ko na magalit sya sakin, satin, gusto mo bang layuan nya tayo? Kasi nilihim natin ang lahat sa kanya," nakikiusap na sabi nya.

Ano bang pinag uusapan nila ni mommy? Ano bang pinagsasabi nila.

Hays rule ng bahay nato, 'wag makinig sa usapan ng may usapan'

"Please mommy, I'm begging you, I'm sure di rin papayag si Daddy------- Mika," napatigil sya sa pagsasalita nang makita nya akong papasok.

Bakit ba? Nagugulat sya? Chineck ko naman ang mukha ko kanina, mukhang tao pa naman.

"K-kanina kapa ba jan?," tanong nya.
"May narinig ka ba?,"

Tinaasan ko sya ng kilay.

"May hindi ba ako dapat marinig Michael?," tanong ko sa kanya.

"W-wala naman,"

"Okay, hindi naman ako nakinig sa usapan nyo, di ako interesado.," sabi ko.

"H-halika na, kain na tayo,"

Ewan ko anong nangyari sa kanya, parang nauutal sya na parang ewan.

"Bakit ka nga pala late umuwi kagabi dito sa bahay?," tanong nya.

"Sa Condo ako dumiretso kasi inaantok ako, ayon natulog ako," sabi ko.

"Ahhh, so how's school?," tanong nya sakin.

"Fine, kahit di gaya ng dati," parang naboboring kong sabi.

"Mmm, wala ka bang ginawang kalukuhan sa school? Nung tryout? Anong nangyari natanggap ka ba?," tanong nya.

Ang daming tanong ito hate ko.

"Fine," yun lang sabi ko.

"Anong Fine? Yung kalukuhan mo sa school yung fine?," naiinis na tanong nya.

"Yung try-out fine, yung kalukuhan wala," sabi ko at hinigop yun Milo ko.

Milo everyday!!!
\(-_-)/

"Good, ayokong magloko ka, make mommy proud of you, magpakabait ka para masiyahan sya sayo,"

Agad akong napatigil nung naramdaman kong parang kinurot yung puso ko nung maalala ko si mommy.

"Kahit naman anong gawin ko, mali para sakanya," mahinang bulong ko. Di naman nya narinig yun.

"I'm sure pag nalaman nyang nagtino kana magiging masaya yun," nakangiting sabi nya.

Agad naman akong tumayo... Di ko kayang pag usapan sya.

"Alam mo nung dumating ka sa buhay namin puro pasakit lang nadulot mo, kahihiyan ka sa pamilyang to. My God Mikael, kaya malayo ang loob ng lolo mo sayo because you're such a disappointment,"

Muling kong narinig yung mga salita nyang masasakit.

"Hey where are you going?," takang tanong ni Michael.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Место, где живут истории. Откройте их для себя