Chapter 41

1.8K 41 0
                                    

Third Person's POV

"Rīdā!," bati nung bagong dating galing Japan.

(Translation: Leader)

"Blue! You're back! Welcome!!," nakangiting sabi ni Dark Angel.

Vanished Blue, is one of the Co-leaders of Black Royalty Gang..

Agad silang nagyakap.

"So kumusta ang Japan, Blue? Kumusta si Ama?," nakangiting tanong ni Dark.

"Walang pagbabago, Dāku. Malakas parin si Ama, pero nababanggit nya nang bitawan na ang kanyang tungkulin at responsibilidad," paglalahad ni Blue.

(Translation: Dāku means Dark)

Ang ama na tinutukoy nila ay ang Emperador o pinuno ng emperyo nila, Royal Blooded sila kaya Ama ang tawag nila dahil para silang mga anak nito. Isa sa kanila ang magiging tagapagmana.

"Hindi ko pa yata kaya ang mamahala sa emperyo hahaha! Kaya ipapaubaya ko nalang yun sa inyo," natatawang sabi ni Dark Angel.

"Ngunit ikaw ay isang Royal Blooded, isa sa atin ang magiging pinuno balang araw, yun ang Patakaran ng ating emperyo," sabi ni Blue.

"Tss! Malakas lang ako, pero hindi ko kayo kayang pamunuan, si Lolo nga di nanininwala sa kakayahan ko eh, ang mga taong kasapi pa kaya?," natatawa at sarkastikong sabi ni Dark.

"Kung babalik ka sa ating emperyo para bisitahin iyon, malalaman mo ang mangyayari sa hinaharap," sabi ni Blue.

"Hays!! Ano pa bang ginagawa natin dito? Aalis muna ako, papanuorin ko muna ang laro ni Patrick!," sabi ni Dark ay napangiti sya sa likod ng kanyang maskara.

"Patrick? Sino sya?," tanong ni Blue sa kanya. Tumalikod lang si Dark sa kanya kaya binigyan nya ng Nagtatanong na tingin si Light at Chard.

"Ang lalaking pinalit nya kay ex hahahah!! Ewan inlab na ata yan hahaha!!,"

Agad sumunod si Blue kay Dark.

"Teka lang!! Hintayin mo ako, I want to see that Patrick! Bakit parang patay na patay ka sa kanya?," tanong ni Blue.

Sumakay lang si Darl sa motor at nagbackride naman si Blue, habang nagmamaneho ay di naiwasang magtanong ni Blue.

"Anong nagustuhan mo sa kanya? Malakas ba sya? Gaya ni Ex mo?,"

Naramdaman nya namang nagbuntong hininga yung taong nasa harap nya saka nagsalita.

"Kasi kapag kasama ko sya, masaya ako, kasi parang meron syang isang bagay na wala sa iba," simpleng sabi ni Dark.

"Mahal mo na ata ah?," natatawang sabi ni Dark.

"Komplikado, He was left by her ex girlfriend, Inuna ng Girlfriend nya ang pangarap nitong maging isang sikat na model, sa pagkakaalam ko, mahal nya parin." sabi ni Dark, "kung pagpapatuloy ko yung nararamdaman ko, baka ako na naman talo, kaya yaan ko na muna,"

"Hirap naman nun," sabi ni Blue.

Nakarating na sila sa Gate ng school kung saan maglalaro ang lalaking kinahuhumalingan nya. Nasa entrance pa lang nakangiti na sya.

"Ahh maam, s-sino po kayo? B-bawal po pumasok ang trespassers," harang nung guard.

Humagalpak naman si Blue ng tawa.

"Dark hahaha!! Trespasser daw tayo? Hahahahahaha!!,"

Hayss!! Tong lalaking to talaga tumatawa ng walang dahilan.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now