Chapter 31

1.8K 35 2
                                    

Jace's POV

Matapos ang nangyari sa parking lot ay bumalik nako sa condo ko at di nalang inisip yung sinabi ni Tristan.

Nung makabalik ako sa condo, isa-isang nagpaalam ang lahat na uuwi na maliban kay Patrick na nasa tapat lang din ang condo nya.

May condo nga si Unggoy, 'Destiny' raw dahil nagkataong parehas kami ng building, nak ng pucha!!

Kami nalang dalawa, sa 1 week namin na walang war ay naging close kami, sabi ko nga kanina parang bestfriend ko narin sya.

"Jace!!!!," nanggugulat na sabi nya.

"Oh?," tanong ko.

Lumapit naman sya sa akin at niyakap ako, ganyan sya maglambing pero diko na binibigyan ng malisya, babae parin ako, madaling umasa.

"OH MY GOD!,"

Agad kaming napatingin sa pinto.

Mommy?

Lolo?

Daddy?

Anong ginagawa nila dito?

(O_O)

"Mikael, anong ginagawa ng boyfriend mo rito?," tanong ni Daddy.

Yes! Akala nila boyfriend ko tong si Patrick.

Nagulat ako nung lumapit sakin si Mommy at Sinampal ako.

"Ang landi mong babae ka!! DIOS KO!! KAY BATA BATA NYO PA!! IKAW MIKAEL!! WALA KA NA BA TALAGANG KAHIHIYAN SA PAMILYANG TO?," sigaw ni mommy.

"W-wala po kaming ginagawang masama----," naputol ang sasabihin ni Patrick.

"Tumahimik ka jan lalaki!! IKAW MIKAEL!! WALA KA NA NGANG KAHIHIYAN WALA KA PANG GALANG SAMIN?  PANO KUNG MADISGRASYA KAYO? ANG BATA-BATA MO PA!! HIGHSCHOOL KA PA LANG!!!," sigaw ni mommy.

Kalma Jace!!
Inhale Exhale

"Pabayaan mong mag explain ang apo ko Dyinsey!," malumanay na sabi ni Lolo.

(O_O)

Apo ko? Mag explain? HIMALA!! magpapamisa naba ako?

Dahil dito tuluyang uminit ang ulo ko.

Anong scene na naman to? Papaasahin na naman ako? Tsss!!

"WALA AKONG DAPAT IEXPLAIN!! KASI DI NYO NAMAN AKO MAIINTINDIHAN EH!! WALA DIBA? DI NYO AKO PAPANIWALAAN!! KAYA MABUTI PA UMALIS NALANG KAYO!! WALA NAMAN KAYONG PAKIALAM SAKIN LIBAN KAY DADDY DIBA?," sigaw ko sa kanila.

Sandali silang napatingin sa akin at umalis rin.

Tsaka ako nanghihinang umupo sa sofa.

Lumapit naman agad si Patrick sa akin at niyakap ako.

"It's okay," sabi nya.

"Ganun ang pamilya ko," pasimulang kwento ko, "Lumaki ako na Daddy ko lang ang may pakialam sa akin, lagi naman syang wala," sabi ko na pinipigilan ang luha. "Since Elementary lagi na akong tinatawag ni Lolo at Mommy na malaking kahihiyan, Disappointment sa pamilya namin, kahit wala akong ginagawang masama,"

Napatawa ako ng mapait para mapigilan ang pamumuo ng luha ko.

"Ang masakit? Yung time na iniligaw ako ni mommy, diko alam kung san ako pupunta, wala akong mapuntahan, nakidnapped ako, ganun sya kawalang pakialam sa akin," sabi ko habang inaalala yung mga nangyari sakin.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now