Chapter 67

1.6K 31 1
                                    

(Malapit na pong matapos to guys, kapit lang)

Patrick's POV

Makalipas ng ilang araw na pagtitraining ni Jace kasama ako at mga barkada nyang mga siga.. Free time namin ngayon. Maagang umalis si Jace di ko alam kung san sya pumunta..

I took a quick shower dahil may plano akong tapusin na deal... Maybe I should tell Justin that the deal is off, I want it to be officially real...

Mahal na mahal ko na yung lindol na yun...

Dumiretso ako sa pagdadrive nung makapasok ako sa kotse ko...

Sa ilang araw na kasama ko si Jace at yung mga barkada nya sa training parang naging kaugali ko na sila. Mad driver, yung nag eenjoy ako kahit kapit na kapit na si kamatayan sakin dahil sa bilis ko magpatakbo...

"Good Morning Sir," bati nung guard. May condo rin si Justin, sa ugali nung ungas na yun hindi yun lalala kung alam ng parents nya yung kalukuhan nya...

Pero ang pinakamagandang kalukuhan na nagawa nya ay yung tungkol sa Challenge... See, gagantihan ko lang tapos minahal ko na...

Dumiretso ako sa condo ni Justin, sa tatlong katok ko pa lang binuksan nya na...

"Oh ikaw pala Patrick, tamang-tama, may sasabihin ako sayo.... Tara pasok,"

Pumasok ako at umupo sa isang single sofa...

"By the way, anong pinunta mo pala rito?," tanong nya...

"We need to talk," tipid na sagot ko...

"Tamang-tama! This is the right time para sa SWEETEST REVENGE mo tol," nakangising sabi nya...

Napabuntong hininga ako bago tumingin sa kanya ng seryoso...

"The deal is off, I'm out," sabi ko..

"WHAT? NO WAY!!!," pasigaw na sabi nya...

Bakit sya sumisigaw?

"I said I'm out, ayoko na Justin, let's stop that 'nonsense revenge'," pagdidiin ko na sabi..

"You can't say no Patrick! Deal is Deal... Here are the keys, this is for Motocross and this is for the Ferrari," sabi nya at inilapag yung susi...

Sinamaan ko sya ng tingin.

"Yun lang ba sa tingin mo ang halaga ni Jace para sakin?," galit na tanong ko... "Hindi sya para sa isang kotse at motor lang Justin!!!,"

"Oh look who is talking here! You accepted the deal.. You'll make her fall and love and then leave her in exchange sa kotse at motor ko," halatang inis na rin na sabi nya...

Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming dalawa...

Kinwelyuhan ko sya dahil umakyat yung dugo ko sa ulo ko...

"The deal is off, sayo na yang bwisit na motor at kotse mo, akin si Jace!!,"

Umalis ako at nagsimulang maglakad palabas na pilit pinapakalma ang sarili ko...

Nilingon ko sya ng bahagya, nakangiti sya sa Cellphone nya...

"Go on Pat, bago mahuli ang lahat, teka, parang huli na nga eh, pano ba yan mukhang sakin na uuwi ang prinsesa mo," sarcastikong sabi nya...

BLAGGG!!

Sinuntok ko sya sa sobrang gigil...

"Takbo Patrick, baka luha nalang nya ang maabutan mo hahahaha!!," *evil laugh*

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now