Chapter 50

1.8K 33 0
                                    

Jace's POV

"Babe!!!," andito na naman si Patrick.

Simula nung nagtapat sya sa akin ay wala ng araw na di nya ako ginugulo.

Andito ako sa bahay at kakagising ko pa lang, at GINISING talaga ako dahil nandito si Patrick...

Linggo ngayon...

"Anong ginagawa mo dito?," tanong ko sa kanya.

"Binibisita kita, diba obvious? Nililigiwan nga kita diba!!," sabi nya.

"Malay ko ba, baka si Kuya Michael yung nililigawan mo hahahahaha!!,"

Napakunot naman ang nuo nya.

"Magbihis ka Babe, lalabas tayo," sabi nya.

"Inuutusan mo ako?," sabi ko sabay turo sa sarili ko.

"Gusto mo ako pang magbihis sayo?," seryusong sabi nya saka ako kinilabutan...

Bwisit ang lalaking to! Bagyo na nga bakla pa tsaka Manyak!!

"Oo na!! Kakain lang ako, kumain ka na?," tanong ko sa kanya.

"Mmm, ooooyyyyy!! Concern sya sa akin," panunukso nya.

"Tss, Asa," sabi ko at inirapan ko sya saka ako pumasok sa Dining area.

Bwisit na lalaking to, di na nadadala ng pagsusungit ko. Dapat kasi di ko na inamin na may gusto ako sa kanya eh! Wrong Move! Kainis!

"Babe," naglalambing ang boses nya sabay yakap sa akin mula likod, agad ko namang hinampas yung kamay nya.

"Pag may nakakita sa atin dito mapapatay talaga kita Patrick! Makikita mo," pagbabanta ko.

"Ehhh bakit parang Kinikilig ka? Oyyyyy," pang aasar nya.

"Tss, asa," sabi ko saka ako nagsandok ng pagkain. Buti naman at may pagkain na, wla akong mapapagalitan na kasambahay ngayon.

Umupo naman sya sa tabi ko at nagsimulang kumain.

"May kasalanan ka pa sa akin Lindol ka!!," narinig ko na sabi nya kaya napalingon ako at binigyan sya ng nagtatanong na tingin.

"Mmm, pinagtaksilan mo ako nung Friday palagi mong kasama yung John Lloyd Richard na mukha namang extra na natokhang!!,"

Naiinis nyang sabi... Ano raw? Tinawag nyang ganon si JLR?

Gwapo kaya si JLR!!

"Hoy grabi ka, gwapo kaya si JLR! Mas gwapo pa sya kay John Lloyd at Richard, matapang pa tsaka magaling sa Martial Arts!," pagmamalaki ko... Halos di na maipinta ang mukha nya sa sobrang panlulumo. Hahahaha!!

"Ahh basta mas gwapo ako kaysa dun, bahala na kung magaling syang makipagsuntukan, ang mahalaga mahal kita," sabi nya kaya napatawa ako... Ang Cute pala ng Patrick na to? Para syang bata, sarap tirisan hahahaha!!, "anong tinatawa tasa mo jan?," tanong nya at tinuro ako gamit ang tinidor nya.

"Wala, kumain kana lang jan, ikaw na nga tong nakikikain lang, ikaw pa tong maingay," reklmo ko sa kanya.

"Maingay? Ako? Maingay? Hindi kaya, masyadong tahimik lang tong bahay nyo," reklamo naman nya.

Tumahimik nalang ako para tumahimik narin sya...

"Young Master, pinapasabi po ni Young Master Michael na hindi daw sya makakauwi mamaya," sabi nung katulong na kakapasok lang.

"Yaan mo sya, si Daddy? nasan?," tanong ko.

"S-si maam Dyinsey po------,"

"Si Daddy yung tinanong ko, hindi si Dyinsey!," naiinis na tanong ko. Nakakainis eh, si Dad yung tinanong ko tas binanggit nya yung babaeng yun.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon