Chapter 51

1.7K 30 1
                                    

Jace's POV

"Anong gagawin natin dito sa Grocery Store?," tanong ko sa kanya.

"Mag-aaral Jace, mag-aaral! Busit! Malamang mamimili!," sagot nya sakin.

"Ok," tipid ko na sagot.

Kumuha naman sya ng Cart.

"Anong unang bibilhin natin?," nakangiti nyang sabi.

"Mag go grocery tayo?," tanong ko.

"Yes, mag gogrocery tayo, paglulto kita bukas," nakangiti nya na namang sabi. "Tsaka wala na kong stocks sa condo ko,"

"Ay, prehas pala tayo," sabi ko.

Agad na kaming nagsimula sa pag gogrocery. Nauna kami sa mga Canned goods, yun kasi yung mga madaling lutuin eh. Mga instant foods yung una naming pinamili.

"Sa mga Karne naman tayo babe," sabi nya.

Bumili naman kami ng Karne at ng iba pang kailangan.

Nung mabili na namin lahat ng kailangan ay pinauna ko na sya sa counter dahil may bibilhin pa ako. Kumuha muna ako ng basket!

My Drugs hehehehe!!

Patrick's POV

Medjo mahaba-haba rin yung pila sa counter. Nakakainis wala pa si Jace, san ba kasi magsusuot yung babaeng yun.

Andami rin ng pinamili namin na grocery.

Lumipas ang ilang minuto ay wala parin si Jace. Baka hinold-up na yung babaeng yun.

Ako yung Last na pumila sa counter. Pangatlo ako.

"Patrick!!," narinig ko yung boses na tinawag ang pangalan ko.

Si Jace...

Agad akong lumingon. Nakita ko yung bitbit nyang basket... At napangiwi ako kung anong laman nun.

PURO CHOCOLATE! SERIOUSLY!!

Toublerone....

Adik lang sa chocolate?

"Bakit ang dami mong chocolate?," kunot-noo ko na tanong.

"Kasi hindi konti," pamimilosopo nya, "Bakit ang Tagal? Ang bagal ng Cashier!," reklamo nya.

"Kasi Hindi mabilis," sinamaan nya ako ng tingin dahil sa pag ganti ko.

"Maghintay ka dito!," sabi ni Jace saka sya naglakad papunta dun sa Cashier, "ATE!! PWEDE PABILIS?,"

Nanlaki naman yung mata nung Cashier nung makita sya...

At bigla nalang bumilis yung pagtatrabaho nung Cashier.

Woah! Try ko kaya yang ganyan sa susunod?

"Tara na," sabi ni Jace sabay hila sa akin matapos kami sa counter... Bit-bit ko yung Grocery na SOBRANG BIGAT, at bitbit nya yung mga Chocolate nya.

"Next stop?," tanong ko.

"Condo," sagot nya.

Wala na akong nagawa, dahil kung makikipagbangayan pa ako, sya pa rin mananalo.

Pagkarating sa Condo. Sinamahan ko sya sa loob ng condo nya. Napagkasunduan namin na sa condo nya na lang ilalagay lahat ng pinamili namin kasi LAGI naman akong nasa condo nya, at lagi akong dito kumakain.

Sinundan ko sya sa kwarto nya. Bitbit nya yung chocolates nya.

May refrigerator sya sa kwarto nya at meron din sa kusina.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now