Chapter 34

1.7K 38 3
                                    

Jace's POV

"Jenny," nagulat ako bigla nung may humigit sa braso ko nung paalis na ako sa parking lot.

(O_O)

Nagulat ako pero di ko na pinahalata.

"Bitiwan mo ako Cy, Anong ginagawa mo dito?," cold ko na sabi sa kanya.

"I'm here to study too beb, sabi ko nga diba? I'm going to win your heart back and no one can stop me, kahit pa yung Patrick mo!," nakangisi nyang sabi.

Napabuntong hininga ako at tiningnan sya ng walang gana.

"Nababaliw ka na," natatawa ko na sabi.

"Well, magkamatayan na Jenny, Babawiin kita!," parang nagbabanta nyang sabi.

Knowing this guy in front of me right now. Sanay syang nakukuha ang lahat ng gusto, but not this time dahil pagod na ako.

"Hindi mo na ako kailangang bawiin
Dahil dimo yun magagawa. magkamatayan? Tss, di mo kaya yun," sabi ko kaya mas nanggigil sya at hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

"I can kill them sa isang iglap Jenny, Kilala mo ako!! Kaya ko na makipagpatayan makuha lang ang gusto ko!! Ang akin ay akin lang!!," sabi nya na pinagdidiian ang mga salita, nanatili namang walang emosyon at walang gana akong nakatingin sa kanya.

Mahirap---- pero kailangan ko na gawin... Ito ang pinakamahirap, ang magtago ng TUNAY na nararamdaman sa taong KILALANG KILALA KA, at minsan mo ng iniyakan at minsan ng naging iyong kahinaan.

"Niloko, pinagpalit, binitiwan at iniwan mo na ako Cy!! Dun palang nawala na yung KARAPATAN mo sakin," nakangising sabi ko agad namang sumilay ang sakit at lungkot sa mga mata nya, "Kung kilala kita, malamang MAS KILALA mo ako, Tuso ako Cyjeh baka nakakalimutan mo, mga kaibigan ko sila, mga importante sila sa akin," dagdag na sabi ko at tinaliman ang pagkakatingin sa kanya, "At minsan ka nang naging importante sa akin, alam mo ang kaya ko na gawin, handa akong pumatay at mamatay para sa mga pinoprotektahan ko," sabi ko at saka umalis.

Agad akong pumunta sa rooftop para pakalmahin ang sarili ko.

Pagkarating ko sa rooftop ay saka ko inilabas yung emosyong kanina ko pa pinipigilan.

Sunod-sunod na pumatak ang luha ko pero diko iyon pinupunasan, pagod na akong magpunas dahil tumutulo parin ang luha ko sa parehong dahilan.

Parang yung samin lang, pagod na akong magpatawad kung uulit-ulitin lang rin naman.

Hindi naman yung nagawa nila ni Kiana ang unang kasalan nya, ilang beses na kaming nag away dahil sa pagiging babaero nya ang pinakamasakit dun ay yung bestfriend ko na ang pinuntirya nya.

Nakaupo lang ako sa lapag at nakasandal sa dingding habang nakatingin sa langit na sobrang payapa habang patuloy ang pag agos ng mga luha ko na ngayong mga panahon na to nalalabas ulit.

"Sya na naman ba ang dahilan kung bakit ka umiiyak?," napabalikwas ako nung may narinig akong boses.

Patrick

Tiningnan ko sya at may ibinigay na syang panyo sa akin.

Tinanggap ko yun tsaka sya umupo sa tabi ko.

"Mahal na mahal mo talaga sya nuh? Bakit hindi mo nalang patawarin?," sabi niya na nag iwas ng tingin.

Napatingin ako sa Harap at napabuntong hininga. "Isipin mo tong panyo Pat," agad naman sya napatingin sa panyo.

"Pano ko yan iisipin eh punong puno na ng IKAW yung isip ko,"

Natawa ako bigla dahil sa kakornyhan nya, tong lalaking talaga nato. Nawala tuloy yung banat ko hahaha!! Panira ng drama tong lokong to.

"Abnormal ka! Hahaha,"

"Oh see, napatawa narin kita," masayang sabi nya, "Atleast diko na naman pupunasan ang luha mo, gusto ko, pag nagpunas ako ng luha mo, yung ako dapat ang dahilan ng pag iyak mo," nakangiti nyang sabi.

Binatukan ko naman sya---loko tong lalaking to.

"Aray ko naman, bayolente!," asik nya.

"So ano? Paiiyakin mo pa ako para makapagpunas ka ng luha ko?," natatawa ko na sabi.

"Ha? Tears of Joy, yun yung pupunasan ko, dahil hindi kita paiiyakin sa sakit, paiiyakin kita sa sara----Aray!!,"

"Ikaw talaga pinapairal mo na naman yang pagiging malibog mo," sabi ko sa kanya, ganyan talaga sya malibog, mahangin, ewan.

"Anong malibog sa paiiyakin kita sa sarap? Sarap ng pagmamahal ko, hindi sarap ng junior----Aray!! Nakakadalawa kana!!," reklamo nya.

Hahahaha!! Nakakatawa yung reaksyon nya. Yung inosente nyang mukha na kabaliktaran ng isip nya---hays! Jin Patrick Kim, diko inakalang tulad mo ang makakasama ko sa ganitong panahon na kailangan ko ng masasandalan.

Tristan's POV

Doble ang sakit ang nararamdaman ko ngayon habang nakatanaw sa babaeng mahal ko na kinomfort at pinapatawa ng bestfriend ko.

Jace

I was about to give a towel kay Jace para gamitin nya pamunas ng luha nya, pero di pa man ako nakakalapit ay tinanggap nya na ang panyo ni Patrick.

Kamakailan lang nung nalaman ko na gusto ko si Jace, gusto ko na ipagtapat sa kanya yun, pero nauunahan ako ng takot...

Takot na baka masira yung pagkakaibigan namin.

Maybe I'm called 'torpe' pero masisisi nyo ba ako? Halatang walang gusto si Jace sa akin. Habang tinitingnan ko sila ni Pat ay doon ko nakikita ang totoo nyang ngiti at saya.

Masakit man na aminin at sabihin pero kailangan ko yung tanggapin.

Malaki ang chance ni Patrick kay Jace, simula pa lang alam ko na na may connection sila at di ko matukoy kung ano.

Dati nung magkaaway pa silang dalawa, nakikita ko si Jace na tumutingin o sumusulyap kay Pat, ganun rin si Pat kay Jace.

As a Bestfriend ng both side, kailangan ko na supurtahan ang nararamdaman nila.

Yes--- I love her but loving is not about being selfish, it's all about sacrificing and making your love ones happy.

"Hoy! Tara na ano pang ginagawa mo jan!!," narinig ko ang boses ni Mark na nasa baba na nakatayo sa hagdanan.

Muli akong napasulyap sa dalawa na nagtatawanan, saka ako bumaba ng rooftop para simulan ang pagpasok sa klase namin.

Mahal ko sila pareho, Mahal ko si Pat bilang kapatid, mahal ko si Jace higit sa pagiging bestfriend, pareho silang mahalaga sa akin... Wala naman sigurong masama kung magpakamanhid nalang ako at suportaan sila, Martyr na kung Martyr pero  yun lang ang paraan para di mawala ang isa man sa kanila sa akin.

Mabuti na ang masaktan, alam ko na di sasaya ng lubusan ang babaeng pinakamamahal ko sa piling ko dahil iba naman ang nais nito at dalawang posibleng tao lang yun.

Yung sinasabi nyamg ex nya na si...

Cyjeh

O ang taong kasama nya ngayon

Patrick

~To be Continue

[AN/: Mas maikli po ang UD na to kaysa sa ibang chapters guys, so sa tingin nyo? Tuluyan na kayang susuko si Tristan? Abangan..]

VOTE

COMMENT

FOLLOW ME

SHARE

GOD BLESS!

mwuah❤


Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now