Chapter 16

2.1K 43 0
                                    

Jace's POV

Monday na naman!!

"Good morning baby Mika ko," bati sakin ni kuya kaya nagulat akong bumangon nung napagtantong nakaupo pala sya malapit sa kama ko.

Bakit hindi ko napansin yon?

"Kay aga-aga nambobolabog ka, mukhang mamalasin buong araw ko ngayon," sabi ko.

"Nakalimutan mo na ba? Bati na tayo, pasalamat ka di ako natulog ng ilang araw dito," sabi nya na nakangisi. "Bakit ka naman mamalasin buong araw?,"

"Eh dinaig pa sa pusang itim at sa isang taong may balat sa pwet yung nakita ko," sabi ko na seryosong nakakunot-noo.

"Sino? May nakikita ka bang multo?," sabi nya na tinitingnan pa ang paligid ng kwarto ko.

"Ikaw!," sabi ko.

Agad naman nyang kinuha yung cellphone ko malapit sa side table at akmang ibabato sakin yun.

"Sige subukan mo, yang mukha mo mababasag ko," pagbabanta ko kaya napanguso sya at ibinalik ang cellphone ko.

Namiss kong asarin ang lokong to.

"Alam mo ba kung gano ka kaswerteng isang Michael Jester Smith Clinton ang naging kuya mo?," naiinis na sabi nya na may gigil pa sa bawat salita.

Napakibit balikat naman ako at walang gana ko syang tinignan.

"Hindi, gano nga ba?," nalaglag ang panga nya matapos kong sabihin yun.

"Grabi ka sakin, ang sama mo, isang gwapong Michae------,"

"Sinong nagsabing gwapo ka?," sabi ko na taas kilay pa.

"Marami, mga kaklase ko, katropa, katra-----,"

"Tss.. Sinungaling," sabi ko at agad naman nyang dinampot ang unan sa sofa at ibinato sakin.

"Ano ba itong kwarto mo, panlalaki," sabi nya na tinitingnan ang kabuoang kwarto ko at nakangiwi.

"Hiningi ko ba opinyon mo?," tanong ko.

"Hindi, kasi dalaga kana bunso, dapat pandalaga narin yung kwarto, " sabi nya.

"Bakit? Nagreregla rin ba ang kwarto?," pabalang kong tanong sa kanya.

"Syempre, Hindi,"

"Eh di hindi ko pagpapakailaman ang kwarto ko," sabi ko.

"Pero nakakaturn-off naman, pano pag nagboyfriend ka ulit tapos makita tong kwarto mo? Edi saktong hiniwalayan ka, mas mukhang panlalaki pa yung kwarto mo kesa sa kwarto ng boyfriend mo," sabi ni kuya.

"Daming kaartehan," sabi ko at pumasok sa banyo.

Bakit lagi nalang akong pinapakialaman ng unggoy na yon?

Dati, yung kwarto ko na skateboard ang design, ngayon naman na binago ko, reklamo na naman sya, anong gusto nya? Barbie ilagay ko dito? Kalukuhan.

Pagkalabas ko sa banyo ay wala na ang loko, kaya kinuha ko na ang bag ko at agad bumaba.

"Good morning Young Master," bati nung nakasalubong kong katulong na naglilinis ng hagdan, ke aga aga linis agad.

Tumango lang ako.

"G-Good morning p-po," nauutal na bati nung anak ng katulong na dito narin tumira, sa pagkakaalam ko takot to sakin hahahaha!!

Sa labas ng Mansion nato, merong dalawang maliliit na bahay malamang nasa loob rin ng gate, di naman sobrang liit talaga, sakto lang, andon natutulog ang mga katulong, sa isa ang mga babae at sa isa ay mga lalaki. Di naman iba sa pamilya namin ang mga tauhan namin. Magaling kaming makisama na pamilya sa kanila, minsan lang talaga nasisigawan ko sila.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now