Chapter 30

1.9K 41 2
                                    

Jace's POV

1 week, 1 week pa lang ng concentration namin ay latang-lata na ang katawan ko, umitim rin ng bahagya yung balat ko dahil outdoor nga ang soccer. Nakakapagod pero masaya.

Sa 1 week na lumipas palagi ko na kasama si Tristan at Patrick, ewan ko sa dalawang yun, parang nagkaroon ako ng dalawang bestfriend.

Well masaya naman silang kasama lalo na si Patrick parang abnormal hahaha!!

"Sige na Jace sumama kana mamaya minsan lang naman eh," kanina pa to nagyayaya sa akin si Patrick na sumama akong magskateboarding mamaya.

Relax kami ngayon, sabado, aba himala at binigyan kami ng break.

"Naku wag mo ng isama yang pinsan ko kasi may phobia yan sa skateboard Patrick," sabi ni Mark.

Alam ni Mark yung tungkol samin ni Cyjeh pero di nya pa ito nakikilala sa personal o nakikita kahit litrato man lang.

"Anong phobia? Bakit nirape ka ng skateboard kaya ka nagkaphobia?," natawa naman ako sa sinabi ni Patrick.

Di naman pala talaga sya mayabang lagi, minsan lang tinutupak ng pagiging bagyo nya, kadalasan childish sya at feeling innocent, ang malala kapag nalulungkot ako ay nagbabakla-baklaan sya para mapansin ko sya.

"Loko! Basta di ako marunong magskateboard," sabi ko sabay iwas ng tingin.

"Bakit hindi? Tuturuan kita!! Tuturuan kitang itulak hahahahaha!!," abnormal.

Natawa naman ang lahat, dahil narin sa sports training ay napalapit ako sa grupo nila at minsan ko na nakakasama sila Chris, pero may times na nanunood sila ng training.

"Sige na Jace please! Kahit manood ka lang basta andon ka kompleto na ako," parang nagmamakaawang sabi ni Pat.

"Bakit? Putol-putol kaba ngayon? Buo ka naman ah," walang emosyon ko na sabi.

"Please Jace, Date nar--------,"

"No Way!! Walang date mamaya Pat, wala, diba hindi ka papayag Jace, diba?," awat ni Tristan.

"Anong hindi? Hindi ako matitiis ni Jace, sasama yan, papayag yan sa Date namin!," ayan na naman ang dalawa bangayan pa more.

"Hoy! tumigil nga kayo jan at baka magkatuluyan kayong dalawan
Pat at Tris," saway ni Angelo na halatang naiirita dahil naistorbo ang tulog nya.

"Sige sasama ako mamaya pero hindi date yun," sabi ko.

Sabay namang napa YES!! ang dalawa, tss abnormal.

Nasa condo ko kami ngayon, ngayon lang umingay ng ganito ang condo ko, dati kasi, sila dad, Michael, Ash, Angel at Kina lang ang nakakapasok dito at hindi ko sila pinapayagang mag ingay.

Mas gumulo ang dati nang magulo na mundo ko, pero diko maitatanggi na masaya ako. Diko na masyadong naaalala yung sakit na dinulot ni Cyjeh dahil sa kanila.

"Jace nagugutom na ako," reklamo ni Mark, tanghalian na rin kasi, kanina pang 5 A.M. ang mga to rito sa condo ko, oh diba? Nakulang ang tulog ko Tss!!

"Magdusa ka jan!," sabi ko.

Ding! Dong! Ding! Dong! Ding! Dong!

Agad kaming napatingin sa pinto dahil sa sunod-sunod na doorbell, grabe ah parang sisirain na ang doorbell ko.

"Uy baka pagkain na yan!!," masayang sabi ni Mark sabay takbo papuntang pinto at binuksan ito.

Nanunuod lang kami.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now