Chapter 14

2.1K 45 7
                                    

Angel's POV

Ilang araw matapos yung Acquaintance Party sa School nila Jace ay naging normal naman para sa akin ang mga araw.

Bahay, School, Restaurant, Bahay.

Maganda pala ang school nila ni Jace, mas maganda sa school namin... Kung ibabase mo sa buildings, medjo mas malaki lang ang school namin, pero yung mga studyante sa School nila? Iba, ibang-iba samin.

Malaya ang mga studyante nila, di gaya ng samin na limitado ang bawat galaw mo dahil laging may batas na nakatabi dito.

Sa school namin? Bawal magdala ng inumin (hard drinks) kapag party. Okay naman yun, kasi nga minor pa kami.

Disiplinado ang School namin, Sobra, tipong nakakasakal na.

Matapos ang klase namin sa araw na to ay dumiretso na kami sa Restaurant ni Ashley.

"Oy si Ashley, nag guest lang sa isang Acquaintance, nakahanap na ng forever," panunukso ni Kina. Kahit ilang araw na ang lumipas, di pa rin nawawala ang panunukso ni Kina kay Ashley.

"Che! 'Nong sinasabi mo jang bruha ka, forever-forever, sino naman?," kunot-noong tanong ni Ashley.

"Edi yung pinsan ni Jace, ayyyyiiiiieeeehhhh!!!," panunukso nito.

"Ang pangit naman na Joke na yan, hello!!! Ang boplax nun eh," sabi ni Ashley.

Papasa na sana sa standards ni Ashley yung lalaking yun eh, kaso may isang kulang------utak. Hahahaha.

Ashley loves smart man.
Yan mismo ang kauna-unahan sa listahan ng ideal guy nya na eksaktong--------- WALA ANG ISANG MARK JIM LEE.

He have the looks----sa kanilang syam na nakilala ko nung gabi, masasabi kong gwapo talaga sya. Lahat naman sila ay gwapo eh.
Maganda yung pangangatawan nya, kung di ako nagkakamali may abs yung lokong yun.

Pero si Ashley ang kaharap nya---- na hinding-hindi nya madadala sa pagpapagwapo nya.

Halos araw-araw naririnig ko tong dalawa na nagtatalo.

"Ikaw naman sayo yung Xander Dee hahahahahaha, yung maingay," panunukso ni Ashley.

"Atleast gwapo diba," sabi ni Kina na kinikilig pa.

Ito naman si Kina, napakadaling makuha sa panlabas na anyo. Mabilis syang kiligin, mabilis rin syang mafall. Sa aming apat, pangalawa sya sa lapitin ng aksidente at sinusundan ni Kamatayan.

At ang una? Ang kakampi ni kamatayan------ Si Jace. Ewan ko sa babaeng yun, ilang beses na nga yong nag 50/50 sa hospital pero buhay parin.. Siguro kinutsaba nya yung si Kamatayan hahahaha.

"Ang gwapo nung syam nuh? Kahit dalawa man lang sa kanila mapasakin ayos na ako," parang kinikilig na sabi ni Kina.

Landi.

"Che!! Napakalandi mong babae ka," sabi ni Ashley, "Baka nakakalimutan mong yung mga yun ang masasama ang ugali at may kanya-kanyang hangin sa utak,"

Minsan narin sinabi ni Jace na nakabangga nya na ang mga pangit na yun. Kaya nya rin sinabing sa kanilang, di kami masyadong magtiwala sa syam na yon.

Dumating ang time na magsasara na ang restaurant.

Pero may naka agaw ng pansin ko ng tumingin ako sa isang table------- isang lalaki.

Nilapitan ko ito para pauwiin aba, ginawa nyang tulugan ang restaurant ko?

"Sir," sambit ko.

Di sya kumibo. Peste, naging taga-gising ako.

"SIR!," medjo nilakasan ko ang bosed ko ngunit ginalaw lang nito ang ulo nito at namasdan ko ang mukha nya.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now