Chapter 22

1.9K 41 2
                                    

Michael's POV

From Mikael:
   Kel, san ka? Puntahan moko ngayon, need kta.
7:59

Agad akong napatalon sa tuwa nung sa wakas ay nagparamdam na ang kapatid ko dahil nag alala talaga ako.

"Dad!!," pasigaw na tawag ko.

"Oh Michael Jester bakit?," tanong nya sakin na hanggang ngayon ay hawak parin ang cellphone nya naghihintay ng Text ng mga tauhan namin na naghanap kay Mika.

"Nagtext na sa akin si Mika," nakangiting sabi ko.

"Talaga? Nasaan daw sya? Ok lang ba sya? Kumusta yung kapatid mo?," sunod-sunod na tanong ni Dad na halatang nag aalala.

Nireplyan ko si Mika at agad rin itong nagreply.... Sa Condo nya. Pero kanina wala sya sa Condo nya? San sya kanina?

"Dad sasama ka ba?," tanong ko kay daddy.

"Wag na Michael, pauwiin mo na lang ang kapatid mo dito, kung may nangyari sa kanya tawagan mo na lang ako," sabi ni Daddy.

"Bakit ba ganyan nalang kayo mag-alala kay Mikael? Mike? Buhay pa yun, masamang damo nga diba? Nag aalala kayo? Sabihin nyo sa kanya ang totoo," sarkastikong sabi ni Mommy.

Tsss.

"Because she is my daughter, higit sa papel na hinahawakan ko, dugo ko ang dumadaloy sa kanya," simpleng sabi ni Daddy. "At walang sino man ang dapat magsabi sa kanya ng totoo maliban nalang kung kinakailangan na talaga,"

"Crap it Dyinsey, She's my Granddaughter, let them find her. Kahit pasaway ang batang yun ay kadugo ko parin sya, at sa katutuhanang, sya lang ang nag iisa ko na 'tunay' na apo,"

Napangiti ako sa sinabi ni lolo. Pinapakita nya kay Mika ang striktong parte nya pero kapag wala si Mika ay ito parin ang iniisip nya.

Pero Si Mommy, maski wala o anjan si Mika? Galit sya.

"Lo, Dad, Mom, alis na ako pupuntahan ko si Mika," sabi ko.

Agad akong nagdrive papunta sa Condo ni Mika.

Pumasok na ako agad ng condo nya, alam ko kasi ang Password.

Nakita ko sya sa maliit nyang Bar Island.

Umiinom.

"Hey Brother! Good thing you're here, come and Join me," sabi nya.

Hindi pa sya lasing pero alam ko na marami na syang nainom.

Hard Drinker sya, Simula nung tumuntong sya sa Grade 6 natuto na syang mag inom para mabawasan yung sakit na dulot ng nanay namin.

Agad akong lumapit at kumuha ng isang baso. Nagsalin ako ng alak at ininom yun.

Agad gumuhit ang mapait na lasa at matapang na amoy ng alak sa bibig at lalamunan ko.

Mukhang ako pa ata ang mauunang malasing nito.

"San ka kanina? Kanina ka pa namin hinahanap ni Daddy," sabi ko, "Pati si Jim at yung bestfriend mo daw na Tristan tumulong rin,"

"Wala, nag isip-isip lang ako kanina. Michael tatanungin kita," sabi nya na tumingin sa mata ko. "Mahirap ba talaga akong mahalin?," pagpatuloy nya sa tanong nya at saka tumulo yung luha sa mata nya.

"Mika----,"

"Kasi yung nanay natin na mismong nagdala sakin ng siyam na buwan sa sinapupunan nya, yung nagbigay ng hininga sakin nung nasa loob pa lang nya ako, di nga ako kayang mahalin diba?,"

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now