Chapter 7

2.3K 44 1
                                    

Patrick's POV

Morning!

Matapos kong maligo ay agad akong bumaba, hanggang ngayon bad mood parin ako dahil sa nangyari kagabi.

Nakakainis!!

Pinahiya nya ako, ano yun? Hahayaan ko lang sya? Ipapahiya ko rin sya at mas higit pa dun.

"Good Morning Pat," bati ni mommy sakin nung nakita nya ako sa hagdanan.

"Morning mom," walang ganang sagot ko at lumapit na sa dining table para kumain.

"Mukhang di maganda ang gising ng bunso ko ah?," naglalambing na sabi ni mommy.

Talagang hindi! Bwisit talaga yung babaeng yun humanda sya sakin.

"Medjo lang mom," sabi ko at pekeng ngiti.

Kasi naman yung babaeng yun ilang beses na akong pinahiya, una sa canteen, pangalawa sa classroom pangatlo yung kagabi!! Haysss!!! Bakit pa kasi nagtransfer yung bwisit nayon..

Kailangan ko na ng information tungkol sa kanya, kung mayaman sila ipapabagsak ko yung negosyo nila at ipapabili ko kay daddy lahat ng properties nila.

Ito naman kasing si Triv napakawalang kwenta hanggang ngayon wala paring statement tungkol sa pangit na babaeng yun!!

Pumunta na ako sa garahe para kunin ang kotse ko matapos ko magpaalam kay mommy.

Pumunta na ako sa school, pagkarating ko sa school imbis tilian ang sumalubong sakin puro pa bulungan.

"Oo nga pre, sabi nila natalo raw si Patrick ng isang babae sa basketball,"
"Yun nga rin rinig ko eh,"
"For the first time may nakatalo sakanya na nag aaral sa school nato,"
"Oo nga tapos babae pa hahaha,"
"Asan na ang yabang ng Patrick nayan,"

Nagpintig ang tenga ko ng marinig ko na ako yung pinag uusapan ng mga lalaki, yung mga babae naman ay kinikilig parin sakin.

Pero yung mga inggitirong lalaki halos ipagcelebrate na yung pagkahiya ko kagabi.

Sinong nagpakalat ng balitang yun?

Baka yung pangit na namang yun. Humanda ka sakin, sinira mo pangalan ko sa school na to!!

Agad akong pumunta sa classroom namin at saktong nadatnan ko syang tumatawa-tawa pa, siguro ako yung pinagtatawanan nya.

"Oy Pat anjan kana pala,"
"Morning tol,"

Diko pinansin ang pagbati ng mga katropa ko agad akong pumunta sa kinaroroonan ng babaeng yun.

Hinawakan ko ang braso nya at pilit kong ipinaharap sakin tsaka ko sya kinwelyuhan napansin ko na nagulat yung mga kasama nya, alam ko ring pati na yung tropa ko at iba pang taong nakakakita.

"GANYAN KABA TALAGA HA? GUSTO MO IKAW LANG PALAGING BIDA? GUSTO MONG MASIRA ANG PANGALAN KO SA SCHOOL NATO??!!," nangangalaiting sabi ko sa kanya.

"Bitawan mo ako," cold yung pagkakasabi nya pero nakikilabutan ako. Pero di ako nagpadala.

"ANO SUMAGOT KA!!! BAKIT NALAMAN NG LAHAT YUNG NANGYARI KAGABI SIGURO PINAGKALAT MO NUH? NA TINALO MO AKO SA BASKETBALL KAHIT CHAMBA LANG NAMAN YUN!!!!!," tuloy-tuloy kong sabi sa kanya na pasigaw.

"Bitawan mo ako," muling sambit nya at nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok. "Bitawan mo ako, huling utos ko sayo, Bitawan mo ako,"

"SAGUTIN MO AKO!!! ANO BANG PAKAY MO? BAKIT KA NAGTRANSFER DITO?! KASI GUSTO MONG MAPANSIN KA NG BIG 9? PASIKAT KA PALA EH," sabi ko at hindi parin binibitawan yung damit nya. Nakatingin ako sa mata nya at sya naman ay ganun rin pero hindi tulad ng mata ko na puno ng galit, yung mata nya parang walang pakialam.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now