Chapter 59

1.7K 36 0
                                    

Patrick's POV

"Hello Mark?," tawag ko kay Mark.

//oh? Napatawag ka? Gabi na ah//

"Can you help me find Jace?," tanong ko sa kanya...

//Oh I'm sorry bro, Gustuhin ko man kaso nasa family dinner ako eh//

"Ahh sige, salamat nalang," sabi ko at binaba na ang tawag...

Nagpatuloy ako sa pagdadrive ng sasakyan...

Napatigil ako sa pagdadrive nung makita ko ang isang pamilyar na naman na imahe... Nakaupo sya sa isang itim na motor, hawak ang cellphone nya...

Dark Angel.. 

"Dark Angel!," tawag ko... Agad naman syang tumingin sa akin..

Napansin ko na liblib pala itong lugar na to, wala masyadong bahay at tao. Gabi narin kasi.

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ahh?," nakangiting sabi ko...

Pero biglang lumampas yung tingin nya, hindi sya sa akin nakatingin ngunit sa likod ko at doon ako nagsimulangkabahan nung marinig ko ang putok ng baril...

Pero imbis bala ang maramdaman ko ay malapad ang nasa likod ko at may mabigat na nakapatong sa akin...

"Shit!," narinig ko na mura nya at may hinugot syang baril sa pants nya..

At itinutok iyon sa taong bumaril sa amin...

Napansin ko na nanginginig yung taong bumaril sa amin na parang hindi sigurado kung sino ang babarilin nya...

"Baba ang baril!," sigaw ni Dark..."Isa!,"

Binaba nung tao yung baril nya at kumaripas ng takbo... Bakit yun natakot?

Kinuha ni Dark yung baril nung lalaki at ibinigay sa akin..

"Aanhin ko to?," tanong ko. First time ko humawak ng totoong baril.

"Pamprotekta sayo," sabi nya at sunod nyang dinukot sa bulsa nya ang isang itim na panyo na may nakasulat na,
D★RK ★NGEL
  Black Royalty

Sinuot nya yun sa na parang mask, saka nya tinanggal yung mask na suot nya talaga kanina...

"Isuot mo,"

"Bakit ko isusuot? Baka may virus-----,"

"Gusto mo bang madamay ang pamilya mo?," inis nya na sabi...

Isinuot ko na lang yung mask nya at infairness mabango sya...

"Tara!," sabi nya...

"Hello? Code 645... Code 645!! On the way,"

645? Saan ko nga ba narinig yun? Pamilyar sa akin eh!

Binaling nya sakin yung paningin nya..

"Kahit anong mangyari, wag kang papatay, kahit anong mangyari di ka aalis sa tabi ko," sabi niya... At napatango nalang ako...

Kinakabahan ako. Diko alam kung anong nangyayari, sobrang bilis ng pangyayari...

Sumuot kami sa isang mapunong lugar. Para kaming mga sundalo na sumasabak sa gyera...

Ano bang nangyayari?

Maya-maya pa'y nakarinig kami ng putukan ng baril kaya agad kaming pumunta ron. Nadatnan namin ang ilang mga nakaitim na tao... Agad itong inisa-isa ni Dark. Tahimik ngunit mabilis ang kilos nya, hindi man lang nakakasigaw yung mga inatake nya....

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now