Chapter 8

2K 45 3
                                    

Patrick's POV

Matapos ng klase namin pumunta na kami sa parking lot. Nag-uusap kaming anim, di talaga kami pinapansin nung tatlo, bumukod silang tatlo samin.

Napatigil kami sa pag uusap nung makita namin yung tatlo kausap yung pangit na babaeng Jace, nagtatawanan silang apat, nakakainis!!

"Di kaba sasama samin Mika?," narinig kong tanong ni Mark sa kanya.

Bakit san ba sila pupunta?

"Ahh, di na muna Jim, sa condo ako uuwi ngayon, inaantok ako," sagot naman ng pangit na yun.

"Ayy, sayang naman, mag- aarcade pa naman kami, magaling ka magshoot diba? Hihingin namin dapat tickets mo pag nagkataon hahahahahahahaha!!!," biro ni Tristan.

"Inaantok talaga ako, bawi nalang ako next time, unfair naman diba, di ako sumama kela Yumi tapos sasama ako sa inyo," sabi naman ni pangit.

Alam ko namang pakipot lang yan, and her main intention is ang agawin yung mga kaibigan ko, nakuha nya na yung tatlo eh.

I HATE HER!!

Ng malampasan nila kami ay saka ako nagpakawala ng malalim na buntong hininga at natanaw ko silang sumakay sa kanya-kanyang kotse, naunang lumabas yung kotse ni Jace pangit at mabilis itong pinatakbo, tsss abnormal talaga yang babaeng yan. Sumunod naman yung tatlo.

Ng di namin natanaw ang kotse nila ay saka ako nakasimangot na tumingin sa mga kasama ko.

Tinapik ako ni Andrian "Magiging okay rin ang lahat, babalik rin sila satin,"

"Oo nga, di tayo matitiis ng mga yun lalo na ikaw Pat, kindergarten pa kayo, magkaibigan na kayo diba," sabi ni TJ.

Hayssss!!!

"Nay!!! Umamin nga kayo sakin ha, nababakla na ba kayo? Ang drama mo, that's too gay," sabi pa ni Justin.

Binatukan ko naman sya.

"Kahit kailan ka talaga," sabi ko.

"Tara na nga, wag na muna tayong magskateboard ngayon, nakakawalang gana eh," sabi ni TJ.

"Mabuti pa nga kasi inaantok ako ngayon," sabi ni Angelo.

"Palagi ka naman inaantok," sabi ni Andrian.

Sumakay na kami sa kanya-kanya naming kotse. Nagdrive na ako pauwi medjo madilim-dilim na kasi eh.

Madami ng sasakyan kaya traffic na talaga. Gusto ko na talagang umuwi sa bahay.

Pinatog-tog ko muna yung music player sa sasakyan ko.

Tumugtog naman yung
I'M YOURS by Jason Mraz

Ang tagal!!!

*beep* *beep*

Narinig ko tumunog sa cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino.

[  ] Triv Calling

Ayos mukhang maganda ang ibabalita nito hahaha.

"Hello Triv, ano na?," tanong ko.

//ahhh, Sir Patrick, pinapadali po kayo ng mommy nyo, ngayon na umuwi na kayo.//

"Ha? Bakit raw?," kunot-noong tanong ko.

//May dapat daw kayong pag usapan//

"Ha? Eh ang traffic nga dito eh, pauwi nako,"

//wala po bang shortcut jan sir?,//

Oo nga nuh? May shortcut pala dito.

"Ahh sige-sige na magsoshortcut nalang ako," sabi ko at in-end call ko na.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now