Chapter 49

1.7K 32 1
                                    
Mark's POV

Kasalukuyan kaming andito sa Party. Hinahanap ko si Mika pero diko sya mahanap...

Kanina ko pa sya hinanap para sana tanungin kung nasaan si Ashley gusto ko sanang ibigay na yung trophy ko... Inspiration ko naman sya eh...

Nagulat ako nung may humila sa akin... Di naman ako takot sa ganito kaya nagpresenta pa akong sumunod ng di nya ako kinakaladkad. Di ako Lalaking Kaladkarin, wew!

Tumigil kami sa isang bakanting Classroom.

"Bakit mo ba ako d---- Ashley?,"

Para akong tumakbo ng 10 laps sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko nung mapagtanto kung sino ang humula sakin.

Kaharap ko ngayon yung babaeng mahal ko. Baka gusto nya lang akong masolo hahahaha! Pakipot pa tong Ashley Tan na ito? Tapos bibigay rin pala?

"Ano bang Trip mo sa buhay Mark? Pinagtitripan mo ba ako o ano?," nagulat ako nung magsalita sya at halatang inis na inis sya sa akin.

Bakit?

"D-diba sinabi ko naman sayong mahal kita, di pa ba enough yun para maging dahilan kung baki-----,"

"HINDI!! Hindi ko sinabing ligawan mo ako dahil Wala naman talaga akong GUSTO SAYO!!,"

Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig sa narinig... Dalawang buwan narin simula nung sinimulan ko na manligaw sa kanya... Alam ko na wala syang gusto sa akin pero umasa akong magugustuhan nya rin ako.

"Nagjojoke ka lang diba? Nagkakagusto kana sa akin diba? You're just kidding, right? Please tell me," parang nagmamakaawa ko na sabi..

Diko mapigilan ang emosyon ko. Di ko alam kung anong meron sa babaeng to, bakit ko sya minahal agad agad kahit diko pa sya kilala...

"Gumising kana Mark! Hindi ikaw ang gusto ko!! HINDI ANG TULAD MO YUNG TYPE KO!! HINDI ISANG TULAD MONG BADBOY YUNG BUBUO SA PANGARAP KO," galit nyang sabi na tinuro turo pa ako.

Parang nahati ang puso ko dahil sa mga salitang binitiwan nya.

"Tingnan mo nga ang sarili mo Mark!! Ilang taon ka ng nabubuhay sa mundo pero parang Bagong Silang ka parin!!," galit pa nyang dagdag. "Sinabi ko na sayo na hindi kita gusto simula pa lang! Itigil mo na ang kahibangan mo sakin! Dahil kahit kailan di kita Magugustuhan!!,"

"Sinabi ko na sayo na hindi kita gusto simula pa lang! Itigil mo na ang kahibangan mo sakin! Dahil kahit kailan di kita Magugustuhan!!,"

Nagpaulit-ulit yung sinabi nya sa aking pandinig.. Ang sakit! Para akong nililibing ng buhay dahil sa sinabi nya at parang di ako makahinga dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Nasasaktan ako tuwing nararamdaman ko na wala syang interes sakin... Pero mas masakit pala ngayon na sinasabi na mismo ng bibig nya at nararamdaman ko pa.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon