Chapter 2: Skateboard

3.3K 72 3
                                    

Jace's POV

Nagdrive na ako ng mabilis pauwi sa bahay.

Inaantok na talaga ako eh, boring kasi ng klase eh.

Nagyaya pa sanang gumala si Chris pero ni isa sa amin ay walang sumama hahaha!!

Pagkarating ko sa bahay agad humilira ang mga katulong at sabay sabay na bumati.

"Good Afternoon, Young Master,"

Young Master talaga ang ipinatawag ko sa kanila sakin kasi ayaw ko ng 'lady', ang pangit kaya nun.

Young Master, para astig.

"Asan si Manang Tere?," tanong ko sa kanila.

"Andito ako, Mika," sagot nya.

Si Manang Tere ang nag alaga sakin simula pa pagkabata, kaya naman close kami, naiintindihan nya kasi ako, mas close pa kami ni manang kaysa ni Mommy, si mommy kasi sobrang Bossy nya, strikta, basta palagi akong kinukontra. Minsan nga naiisip ko kung anak nya ba talaga ako eh.

"Ahh manang, gisingin nyo  ako mamayang 6:30, matutulog lang ako, may lakad kasi ako mamaya eh," sabi ko sa kanya

"Oh sige, di kaba kakain?" Tanong nya.

Napatigil ako sa paglalakad papuntang hagdan.

"Hindi na," sabi ko na di tumitingin sa kanya, "ah teka, mamaya wag kayong magpasama ng iba sa kwarto ko, ayaw ko ng may pumapasok na iba sa kwarto ko," sabi ko.

Umakyat na ako sa kwarto ko, tatlong palapag meron ang mansion namin. Nasa ikatlong palapag naman yung kwarto ko. Ang layo nuh??

Ang kwarto ko naman ay singlaki ng dalawang classroom na pinagsama. Pagkapasok mo sa Pinto ay isang daan lang ang bubungad sayo, lalakad ka lang ng tatlong hakbang.
May makikita kang magkaharap ng pinto, sa kaliwa at sa kanan.

Yung nasa kaliwa yung Bedroom ko. Sa bedroom ko ay ang design ay SOCCER, yun kasi ang hilig ko na sports.
Yung kulay ng tiles kakulay ng soccer ball, yung lampshade soccer ball yung hugis at kulay nya, yung bedsheet ko naman at kumot ay may print na parang soccer field at yung mga unan ko ay kaparehas ng kulay ng soccer ball. Yung Flatscreen TV, Refregirator, sofa at ibang bagay sa kwarto ko ay ganun talaga ang design, Soccer.

Pumasok na ako sa kwarto ko at agad akong sumalampak sa kama ko.

Yung sa kabilang pinto naman, yung nasa kanan ang kalahating parte ng kwarto ko.

May Higaan rin doon, Soundproof yung part nayon kaya inihiwalay tong bedroom ko, andon ang mini Music room at Mini Library ko.

Makatulog na nga lang.

Zzzzzzzzzzzzzz

★★★★★

"Mika, gumising kana, mika," may narinig akong boses, "Mika, 7 pm na kanina pa kita ginigising, Mika,"

Idinilat ko yung mata ko.

Si manang Tere pala.

"7 pm na kanina pa kita ginigising, bumangon kana jan," sabi nya at lumabas na ng kwarto.

Patay!!

Napalunok ako ng marinig ko na magring ang cellphone ko.

[  ] Angel "matakaw" calling

Patay!!

Sinagot ko na lang.

//Hoy Clinton? Asan kana ba? 5years na kaming naghihintay dito, Basag na ang cellphone ko kakadial sayo// sigaw nya sa kabilang linya.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin