Chapter 48

1.6K 30 0
                                    

Patrick's POV

"Congratulations Athlets!! We did it! We are Still the Overall Champion for this Interschool Sports Competition! At dahil dun! Magbibigay na tayo ng parangal!!," Sabi ni Dean at naghiyawan na naman ang lahat ng mga estudyante at Players.

"The Gold Medalists!! Swimming Event.......,"

Nagpatuloy lang sa pagtawag si Dean sa mga pangalan ng mga athletes na nararapat makatanggap ng parangal.

Kasalukuyan kaming nasa Awarding ng School namin. Tapos na ang awarding ng Overall kung saan idiniklarang Overall Champion parin ang Ace Academy.

"For the Men's Soccer team, Champion! Mark Jim Lee, Xander Dee Park, Anthony Drew Almodovar........,"

Diko na narinig masyado ang sinasabi ni Dean, pano yung mga kababaihan parang di na mapalagay sa kakasigaw ng pangalan nila Mark.

"And their Captain ball Troy James Sanchez and also their Coach, Sir Fred Aguilar, Congratulations!," agad naman silang sinabitan ng mga medalya at sabay silang nagbow pagkatapos... "At syempre hindi magpapahuli ang ating MVP sa taong ito... Congratulations, Mr. Mark Jim Lee,"

"Wooohhhhhh!!!!,"
"I love you Mark!!,"
"Say Yes Mark!,"
"Marry Me,"
"I love you Mark Jim Lee!,"
"BOYFRIEND KO YAN,"
"MY HUBBY!!!,"
"WOHHHHH,"

Ilan lang yan sa samot-saring pinagsisigawan ng lahat ng mga kababaihan. Nagspeech muna si Mark.

"Magandang Umaga---este Gabi pala sa inyong lahat! Ahh Expected na pong ako ang MVP, so maraming salamat sa inyong lahat! Sana maulit pa ito hahaha, so yun lang! Ahh itong Trophy ko nga pala, ididisplay ko lang to sa bahay namin.... Pero dahil nagkaheart attack ako, Para to sa babaeng Mahal ko,"

Pinaspeech pa si Coach Fred.

Agad namang parang kiniliti sa Kilig ang mga babae at nananaginip na sila ang yinutukoy ni Mark.

Alam ko namang si Ashley yung kinababaliwan nya ngayon eh.

Mamaya pa tinawag narin ang team nila Jace... Hirap pa syang Maglakad kaya inalalayan sya ng John Lloyd Richard o mas kilalang JLR sabi ni Mark. Nabububwusit ako sa JLR na yan, di ako makadiskarte kay Jace! Bwisit!

"And Also their Captain ball Mikael Jenny Jace Clinton na nainjured pa, with their coach Mr Fred Aguilar they are the Women's Soccer Team, Gold Medalists," agad agad na silang nagbow matapos matanggap ang medal at trophy nila... Picture-picture saglit the nagsalita na naman ulit si Dean, "and for the MVP!!! Congratulations......,"

Nagsisigaqan ang lahat ng pangalan ni Jace.... Wow sikat ahh.

"Tama kayo, Ms. Clinton, Congratulations, ang haba ng pangalan nyo kaya Ms. Clinton na lang," natawa naman ang iba ng bahagya... Totoo naman kasing ang haba ng pangalan nya...

"Ahm, 1st of all I would like to say thank you to coach Fred for accepting me sa team at sa pagtitiwala nya sa akin at ginawa nya pa akong Captain ball...," tumingin sya kay Coach at ngumiti, "Sa mga teammates ko na palaging iniintindi ako at di nagrereklamo sa mga pinapagawa ko bilang training sa kanila," tumingin naman sya sa mga teamates nya, "To my Friends na halos tumambling na para icheer ako, kahit yung apat parang tinatraydor na ang school nila dahil sakin sila nagchecheer. At syempre sa inyong lahat," tatalikod na sana si Jace pero agad nagsigawan ang lahat.

"Jace!! Sinong inspirasyon mo?,"
"Si Patrick ba?,"
"Para kanino yang Pagkapanalo mo?,"

Ngumiti naman si Jace at agad kinuha ang Mic.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now