Chapter 23

2K 45 4
                                    

Patrick's POV

Kinabukasan.

"Ito na po Sir Patrick, di po ako sigurado kung kompleto yan pero sila po ang mga kilalang mayayaman sa lugar natin," sabi ni Triv sabay abot ng isang Brown Envelop. "Sa lahat ng Listahan jan, tatlong pamilya lang po ang may anak na babae na malapit-lapit sa edad nyo,"

Pinakuha ko sya ng mga listahan ng mayayamang pamilya sa lugar namin, sabi kasi ni Dark Angel galing sya sa mayamang pamilya, baka makilala ko na sya.

"Salamat Triv, yung tungkol nga pala kay Jace Clinton? Kamusta na yon?," tanong ko.

Agad naman syang namutla nung sinambit ko ang pangalan nung pangit na babaeng yun.

"S-sir, hindi po talaga basta-bastang babae yun Sir," sabi niya na parang pinagpapawisan.

What?

"A-anong ibig mong sabihin?," tanong ko na naka kunot-noo.

"May nalaman akong tungkol sa kanya, She's once kidnapped during her 9-10 years of age. Nakita ko sa Presinto. Ayon rin sa mga nakausap ko na yung mga taong mismong kumidnap sa kanya....," napatigil sya at napalunok ng sunod-sunod.

"Anong sabi?," tanong ko sa kanya, pabitin eh.

"Sir, nakatakas si Jace Clinton sa kanila gamit ang sariling lakas nito. May kakaiba daw syang kakayahan," sabi ni Triv na lumulunok ng sunod-sunod.

"Anong kakaiba? Super powers? Kalukuhan," natatawa ko na sabi.

"Ayy mahilig ka po sa Fantasy Sir? Ibig kong sabihin, napatumba nya raw yung mga kumidnap sa kanya sa tig iisang tadjak lang Sir," namutla na sya ng tuluyan. "Sir tubig po," sabi nya na parang nahihirapang huminga.

Pambihira, parang bakla tong si Triv.

Inabutan ko sya agad ng tubig at binigyan ng pamaypay.

"Ano na? Siguraduhin mong totoo yan ah," sabi ko sa kanya.

Pag nagkataong nalaman ko na pinagloloko ako ng abnormal na to, ewan ko na lang.

"Ito pa po, Pinsan sya ng Best Friend nyong Si Mark Jim Lee, kaya Sir kung ako sayo, sya nalang tanungi-------," di nya na natapos ang sasabihin nya nung binatukan ko sya.

Loko-loko.

"Magpapatulong ba ako sayo kung may napala ako kay Mark?," inis na sabi ko.

Matapos ang ilang minutong pag uusap naming dalawa ay pumasok na ako sa Gate ng School.

Wag lang magpakita sa akin yung Jace na yun, baka anong magawa ko sa kanya.

At sa kinamalas-malasang pagkakataon, nakita ko syang naglalakad papuntang locker, na sakto namang doon ako papunta.

"Jace!!!," sigaw ko sa kanya at saka nya hinarap yung malakas na sampal galing sakin.

Napakunot naman ang noo nya at humarap sa akin.

"ANO BANG PROBLEMA MO?!," sigaw nya sa akin.

Aba yung gwapong Jin Patrick Kim sinigawan ng isang hampas lupang tulad nya?

"Alam mo bang pinagalitan ako ng mommy at daddy ko kahapon dahil sayo?," sabi ko sa kanya na gigil na gigil.

"Hindi ko alam malamang," sabi nya at tinalikuran ako.

Agad ko namang hinila yung braso nya at hinigpitan ng pagkakahawak.

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now