Chapter 10

2K 43 0
                                    

Patrick's POV

Nanunuyo ang lalamunan ko ng magising ako sa lakas ng hilikan sa loob ng kwarto ko.

But wait--------- hindi ko to kwarto, asan ako?

Sa pagkakaalam ko kulay blue yung kwarto ko at may design hindi tulad nitong puro puti. Tsaka bakit may humihilik ngayon?

Nahihirapan akong magsalita, namamaos ako.

Doon ko lang narealize na nasa hospital pala ako nung makita ko ang prutas sa side table.

"Pat?," narinig kong bumukas ang pinto at iniluwa nun si Tristan na may dalang Styrofoam cup, agad naman syang lumapit dun sa mga nakahilirang natutulog na anlalakas humilik at nagsisiksikan pa "Guys!!!! Gising kayo!! Hoy, ano ba? Bubuhusan ko kayo ng tubig jan, iihian ko kayo,"

"Mmmmm ano ba?, istorbo ka naman," narinig ko ang boses ni TJ.

Teka, andito si Tristan? Ibig sabihin dina sya galit sakin?

Tsaka ko pa napansing nandito silang walo lahat sa kwarto ko at natutulog, may tatlong sofa at isang center table, naglagay lang sila ng comforter sa sahig at duon natulog yung iba bwahahahahaha.

"Gising na si Patrick, ano ba? Sige iihian ko kayo, ito na," sabi nya at kinalas yung belt nya agad namang bumalikwas ng bangon ang lahat.

"Kadiri ka Tristan," sabi ni Mark na kinikusot pa yung mata nya.

"Ano ba yan ang bastos masyado, natutulog yung tao.," reklamo naman ni Justin.

"Ang sakit ng likod ko," reklamo naman ni Andrian.

"Ang likot ni TJ, di ako makatulog ng maayos, ang bakla kung saan-saan napapadpad kamay nya," reklamo ni Andrew.

"Bakit ba nanggigising ka jan eh madilim pa naman," sabi ni Angelo.

"Eh mga bingi pala kayo eh, sinabi nang gising na si Patrick," sabi ni Tristan.

"Ha? Bakit gising na?," sabi ni Mark na hanggang ngayon kinukusot parin ang mata.

Ayaw nya ba akong magising?
Tsaka bakit ba andito tong mga to?

"GISING NA SABI SI PATRICK!!," pasigaw na sabi ni Tristan.

"Talaga?," agad silang tumayong lahat at nag unahang lumapit sakin.

"May masakit ba sayo?,"

"Kamusta pakiramdam mo?,"

"Nagugutom ka ba?,"

"Nauuhaw?,"

"Anong gusto mo?,"

Oh diba daig pa nila ang mga babae sa ka OA han.

"Ok... Lang a-ako," namamaos at hirap na hirap ko na sabi.

"Ano ba kasing nangyari Pat? sabihin mo sinong may gawa sayo nito, reresbakan namin!," matapang na sabi ni Xandy.

"Mag-isa ka," sabi ni Angelo.

"Hoy, wala namang ganyanan walang iwanan diba?," nakangusong sabi ni Xandy.

"Ano ba kasing nangyari Pat?," tanong ni Mark.

Mukhang dina talaga sila galit sakin hahahaha.

Nagbuntong hininga muna ako bago nagsalita, di naman ako titigilan ng mga lokong to eh
"P-pauwi... Na ako nun, s-sobrang traffic, p-pinadali akong u-umuwi n-ni mommy, k-kaya... Nag s-shortcut ako,"

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now