Chapter 42

1.7K 35 1
                                    

Patrick's POV

Masyadong magulo ang utak ko, di ko parin maintindihan hanggang ngayon kung bakit may Pasa sya sa mukha nya.

Nag e alien language silang magpinsan at dahil nga alien, diko maintindihan.

"Ang kulit! Sabi ng wag mo ng gamutin di naman masakit," sabi ni Jace habang iniiwas ang mukha nya sa Ice na dinadampi ni Mark sa pasa nya.

"Anong hindi masakit? Hoy Mika, sa  Ilang taon ko ng nabubuhay sa mundo. Kung di dumating Si Ashley di ako titino... Kaya naranasan ko na yang bangas sa mukha mo!!," panunumbat naman ni Mark sa kanya.

"Asus," sabi nalang ni Jace na walang gana, "bumabanat ka na naman jan, di ka nga halos pinapansin nun,"

Napatawa kami sa pangrerealtalk ni Jace.

Ang sama ng babaeng to napaka direct to the point.

Sinamaan sya ng tingin ni Mark.

"You're So mean Mikael, Wala ba akong right to Fall In love with someone who is intelligent? Tsaka, wala akong alam sa mundo okay? Iba ang Inosente sa boplax," sumbat na naman ni Mark, at parang nanggigil sa pagdiin ng yelo sa pasa ni Jace. Si Jace naman ay panay ang iwas.

"Hoy Jim!! 'Aral' muna bago 'landi'," mataray na sabi ni Jace at pinagdiinan pa ang dalawang salita, "Tsaka ayaw ko na gutumin mo Si Ash pagnagkataon, baka mabalatan kita ng buhay,"

Brutal.

Isa sa napansin ko sa kanilang dalawa, kung magpalitan ng salita napakabrutal, kung di mo sila kilala malamang maniniwala ka sa mga banta nila sa isa't isa, nakakakilabot kasi eh.

"Ahsus! Ano ba kasing naisip mo at pumunta ka pa dun para makipag-away lang?," pag iba ng topic ni Mark.

"Tsss," asik ni Jace at kumagat sa Toblerone nya, kanina pa sya kagat ng kagat nyan eh, di pa rin ubos.

"Tawagan ko kaya si Tito at Michael Mika-------,"

Di nya natapos sasabihin nya nung binato ni Jace ng lalagyan o bote ng alcohol yung mesa na kung san nakapatong ang cellphone ni Mark.

BLAGGG!!

TOGSSS

BOGSH

Sapol, nahulog ang cellphone.

Ayon basag ang cp ni Mark. Kaya ito tumakbo palapit sa cp nya at para sya nagluksa bigla sa Cp nyang nagkalat na ang ibang parte dahil bumagsak iyon.

"B-bakit mo binato?," tanong ni Mark na halata ang inis.

"Eh sa, ang kulit mo eh!," sabi ni Jace saka tumayo at pumasok sa CR.

"ANG CELLPHONE KO!!! HUHUHUHUHU!!!,"

Di ko alam kung bakit masaya akong kasama ko sya ngayon, nakikita ko sya buong araw, mula umaga hanggang gabi. Basta masaya lang ako.

Ang Challenge nga pala...

★KINABUKASAN★

Wala silang laro ni Jace, pati kami wala rin.

Nasa room lang kami, yung iba naglakwatsa dahil nga free, yung basketball girls at soccer boys naman ay nanood ng laro dahil may game sila ngayon.

Nakaupo lang si Jace sa lapag kung saan nakalapag yung sleeping bag nya. Kung gano kalambot ng kama namin sa bahay, ngayon sa lapag kami natutulog at sleeping bags lang yung hinihigaan. Masaya naman para kaming nagsleep over hahaha!!

Kami lang natira dito sa room. Yung iba kasi Naghanap ng chix at yung ibang meron na nagdidate.

Nakatingin lang ako sa kanya.

Yung pasa nya? Di na masyadong halata dahil nilagyan ng foundation kanina nung mga mababait nyang kaibigan, yung putok naman sa labi nya ay parang di na namamaga, ang bilis naman ata....

Ako nga ilang araw pa yun bago mawala ang pamamaga eh.

"Did you know that staring someone is rude,"

Nabigla ako sa pagsalita nya.

"Sinong nagsabing tinitigan kita?," tanong ko sa kanya saka kunot noo.

"Sus, wag na magdeny------,"

*pica* *pica* *picachu* *pica* *pica* *picachu*

"Hello?... Oh yes I'm fine! Don't Worry... Wala kaming game ngayon, bukas pa, 8 A.m. sa umaga at 3 p.m. sa hapon..... Oh sige asahan ko yan, text ko nalang venue,"

Saka nya binaba ang cellphone.

"SINO YUN?," nagulat sya sa pagtaas ng boses ko, maski ako diko alam kung bakit ako nagsalita.

Oh FVCK!!

"None of Your business," sabi nya.

"What The F!! Sabihin mo na saakin!!,"

"Ayoko nga," parang nanunukso nyang sabi.

"Sabihin mo na kasi sabi,"

"Fine!! Si Cyjeh yung tumawag!!,"

At parang may napunit sa puso ko. Bakit ganun?

Bigla ko nalang syang tinayo ng pilit at hinatak palabas saka ko sinarhan ang pinto.

Nag iinit ang ulo ko ngayon dahil sa narinig.

Cyjeh? Nagkabalikan na sila?

Jace's POV

"Bitawan mo nga ako Patrick!," kanina pa ako nagpupumiglas sa pagkakahawak nya sa braso ko.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao, bwisit tong lalaking to!!

Sinakay nya ako sa kotse nya at nagmaneho.

"San mo ako dadalhin? San tayo pupunta? Ano ba!!!," sigaw ko sa kanya.

Sya naman ay madiin na nakalapat ang mga labi nya at seryoso sa pagdadrive.

Nakarating kami sa diko alam kung anong lugar, never pa kaming naka adventure magbabarkada rito.

Medjo malayo-layo sya sa school.

Nasa itaas kami ng bundok to be exact. Ang ganda at ang tahimik ng paligid.

Hinatak nya ako sa malapit sa puno dahil ang init talaga. Dun kami sumilong.

Sa harap namin ay yung kulay asok na dagat ang matatanaw, yun bali ang center of attraction. Sa kaliwa naman at kanan ay iyong mga building, nagtataasan at naglalakihang building.

"B-bakit mo ako dinala rito?," tanong ko sa kanya.

"Jace, sabi mo di mo na mahal si Cy, nagkabalikan na ba kayo?,"

Natawa ako bigla sa sinabi nya at sa mukha nya, nakakaawang tignan.

"Anong pakialam mo?," pang aasar ko.

Biglang lumakas yung tibok ng puso ko nung hinawakan nya ang kamay ko....

"Galit ako!," mariin nyang sabi.

"Eh ano kung galit ka?!!," mas nainis yung mukha nya sa pagiging di ko seryoso.

Pero may mas ikinabigla pa ako..

Kinabig nya ang batok ko saka ako hinalikan ng mahina pero ramdam mo ang nais nyang iparating....

Hindi kaya..... May nararamdaman sya sa akin?

~To be Continue

[A/N: oh no! Aminan naba ng feelings to?]

Vote, Comment at kung pwede, pakishare ng story ko sa mga wattad lovers na mga kaibigan nyo, Thank you!

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now