Chapter 37

1.7K 30 2
                                    

Jace's POV

"Ms. Clinton ready ka na ba? Striker ka mamaya pumwesto ah," nagthumbs up lang ako kay coach.

"Sige start na kayo ng jogging nyo," sabi ni coach.

5:30 palang gumising na kami para magjogging, ako ang gumising sa kanila dahil ako ang may gustong magjogging kami. Puro reklamo pa yung ilan lalo na yung mga lalaki. Pati ang basketball players pinagising ko rin.

"Ilang round dito sa oval?," tanong ni Mark na alam ko na tamad na tamad.

"Mga sampo siguro ay-----,"

"WHAT? SAMPO? PAPATAYIN MO BA KAMI?," Reklamo ng mga lalaki.

"Then kung ayaw nyo edi wag, 15 rounds nal----,"

"Ay hindi, mas okay na yung 10, madali lang yun diba guys."

"Tama,"

Napairap nalang ako sa kanila at nagsimula na kaming magjogging.

Gusto ko talagang magjogging before ng game namin, nabubuhay ang lakas ko eh.

★★★★★

"Grabe! Nakakapagod!," reklamo ni Xandy na labas dila na humahangos sabay bagsak sa sarili.

Napangisi naman ako. Yung girls naman parang normal lang liban nalang sa pawisan sila. Sanayan lang to.

Kailangan talaga ng jogging lagi para di madaling humangos at mapagod sa game.

Uminom ako ng tatlong baso ng tubig para mas lumabas yung pawis ko.

Habang umiinom ay nakita ko na papasok si Daddy (Future boyfriend ako eh) at Michael.

"Hello Princess," bati agad sakin ni Daddy at niyakap ako. "Mmm, smells good kahit pawis,"

Niyakap rin ako ni Michael, "Amoy araw,"

Nakatanggap naman sya ng batok sakin.

"So how's your first night dito nak? Did you sleep well?," tanong ni Daddy, "Baka nagpapalipas ka na sa pagkain," kung ganito sana ka caring si Mommy sakin, maybe masaya na ako ngayon.

O.A as always.

"Fine," tipid na sagot ko.

"What time ang game nyo Mika?," tanong ni Michael.

"8 morning,"

Patrick's POV

Pagod na pagod ako dahil sa jogging pero ewan ko ba, masaya ako ngayon.

Nandito ang Daddy at kuya ni Jace, and take note, Jace's Daddy called her 'Princess' so girly, right?

"What time ang game nyo Mika?," tanong ng kuya nya habang kami ay nanunood lang at

"8 morning," bakit ang tipid sumagot nito?

"Galingan mo!," wow, yung tono nya parang nanakot. Magkapatid nga sila, parang laging nagbabanta.

"Pag nagchampion kayo, dadagdagan ko ang allowance mo ng 50%,"

WTF? ₱10,000 na ang allowance nya tapos dadag 50% seryoso? Mayaman ba talaga sila?

Inangat lang ni Jace ang kilay nya at bumalik sa pagpupunas ng pawis nya.

"Pag na MVP ka, bibilhan kita ng bagong sasakyan," dagdag ng kuya nya.

"Tss, may sasakyan ako at kontento ako sa allowance ko," sabi ni Jace. Kung ako nasa posisyon nya? Siguro gabi-gabi ako magdadasal na sana ay magchampion at ma MVP ako.

"Pero kapag natalo kayo, titigil ka ng soccer at lilipat ka ng martial arts o basketball," sabi ng kuya nya na pati ako'y kinabahan. So it's a challenge pala? Well alam na siguro ng kuya nya na mahal na mahal nya ang football at di nya hahayaang mangyaring matalo sila.

Nakita ko kung pano sumilay ang ngiti ni Jace, yung maliliit na dimples nya na napakacute tingnan, sarap kurutin gamit ang nailcutter hahaha.

"You're crazy," tanging nasabi ni Jace at pumasok sa Cr. Narinig ko naman natawa bahagya ang kuya nya.

"Girls, maghanda na kayo, kumain na kayo at saka magbihis para pumunta sa Feild mas magandang mapanood natin ang game ng ibang players," sabi ni coach Fred na kakadating lang.

Kung gano ka matcho si Coach Fred ganun naman kataba si Coach Tens Aguilar or Intenso Aguilar, hahaha. Tawa nalang para sa pangalan ni Coach Tens.

This is it mapapanood ko na yung game nya ng masinsinan. I'll support her sa gusto nyang gawin.

Agad naman akong nakaramdam na parang may humila sa akin.

Si Justin..

Ano na namang kailangan nito? Agad-agad nanghihila, DI AKO LALAKING KALADKARIN.

Pumunta kami sa likod ng classroom.

"Bakit mo ko dinala rito? Umamin ka nga? Nababakla ka na ba?," kuno-noong sabi ko.

"Loko, kukumustahin ko lang yung sweet revenge mo? Mukhang napapalapit na kayo ah? Wag na wag mong hayaang mahulog ka sa kanya Pat," sabi niya at nag iwas ng tingin, "mas masakit yun panigurado," mahinang tuloy nya. Ewan ko lang kung imagination ko lang ba? Para kasing malungkot ang mga mata ni Justin nung banggitin ang huling apat na salita?

Weird.

And speaking of Sweet Revenge, nanlaki ang mata ko dahil sa katutuhanang nawala yun sa isip ko. Bakit ko nga ba nakalimutan yun?

I forgot about that Sweet Revenge na syang naging dahilan kung bakit naging close kami ng isang HAMBOG na si Jace Pangit. Seriously? Bakit ba nawala sa isip ko yun?

Nababaliw na ba ako?

Nakarating kami sa Feild, sinalubong agad kami ng sigawan at ang nangunguna dun ay ang mga kaiban ni Jace, bitbit ang dalawang tarpaulin,

yung isa ang nakalagay ay Picture ni Jace, Stolen Shot habang sumisipa ng bola at nagdadive para saluin ang bola at may nakalagay na "GO CAPTAIN MIKAEL JENNY JACE SMITH CLINTON"

Wow, supportive ahh.

Yung isa naman ay picture ng buong team Girls at may nakalagay na "GO ACE ACADEMY'S FOOTBALL GIRLS TEAM"

"Sa pinsan ko, super supportive, kulang nalang magdistibute ng fliers para suportahan si Mika, tapos ako kahapon di nya man lang pinanood, unfair mo Ashley," narinig ko na asik ni Mark. Bumubulong-bulong lang ito na parang nagrereklamo at nagtatampo.

"Hoy? Nung problema mo jan Mark? Parang kang bubuyog, bulong ng bulong," saway ko sa kanya.

"Eh nakakainis yung babaeng yun, may gusto ata yun sa pinsan ko eh, unfair sya, sa pinsan ko over ang support nya, pero sakin walang support, di nga nanuod eh," halata ang inis na sabi nito.

Natawa ako ng bahagya, I know. This 'Brainless' Guys is Really in love, masaklap mukhang ONE SIDED LOVE.

Umupo ako sa bench na dapat sa players. Syempre SUPPORTIVE FUTURE BOY-------- let me rephrase it SUPPORTIVE FAKE FUTURE BOYFRIEND.

Damn it!! Bakit di ako nasisiyahan sa iniisip ko? Nababaliw na ba ako? Nahahawaan ako ni Jace sa kabaliwan nya Hays!!

~To be Contuinue

[AN/: Uh-oh, bakit kaya nakalimutan ni Patrick ang MAIN REASON kung bakit ay NILALAPIT nya ang sarili kay Jace? Ano sa tingin nyo?]

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now