Chapter 68

1.5K 31 0
                                    

Jace's POV

Para akong wala sa sarili habang nagdadadrive, para akong nakalutang, para akong patay... Ang sakit...

Nanghihina ako, parang hindi ako makahinga ng maayos, diko alam kung bakit ganito...

Papunta ako sa bahay, kailangan ko ng masasandalan, kailangan ko si Daddy...

Kanina pa tumutulo yung luha ko.

Pinahiran ko muna yung luha ko bago pumasok, hindi ako pwedeng makita ng iba na umiiyak...

"Magandang umaga Young Master,"

"Sila daddy?,"

"Nasa kwarto po nila Lady Dyinsey, nandun rin po si Master Michael,"

Kaagad akong tumungo sa kwarto nila...

Parang may humihila sa akin para hindi tumuloy sa kinaroroonan nila daddy... Bakit?

Hindi soundproof yung kwarto nila... Malapit na ako sa pinto nung napatigil ako sa narinig...

"Mom, please... Paghandain nyo muna ako.. Ayaw ko na lumayo sya sa'tin," narinig ko na sabi ni Michael...

"ANJAN NA NGA SI ATE STACEY, ALAM NYA NA ANG BUONG PAGKATAO NI JACE,"

napatakip ako sa bibig... Buo kong pagkatao? S-sino si Stacey?

"No!!! AKIN LANG ANG ANAK KO!! HINDI AKO PAPAYAG NA MAKUH A SYA NI STACEY!!," Parang umiiyak na sabi ni Dad...

Sino ba kasing Stacey yan?

"Mahalin mo yung bunso natin Dyinsey, bakit ba ganun nalang kadali sayong hayaan na makuha sya ng iba?," nagsusumamong sabi ni daddy...

Makuha ng iba?

"MIKE!! GUMISING KA NA! MINAHAL KO NAMAN SYA PERO HINDI KO KAYA... KASI HABANG NAKIKITA KO YUNG BATANG YAN, NAAALALA KO LAGI NA NAPILITAN KA LANG MAGPAKASAL SAKIN AT YUNG TOTOONG MAHAL MO AY SI STACEY, NA HINDI MO NA PWEDENG ANGKININ,"

Teka naguguluhan ako...

Napasapo ako sa ulo ko..

Hindi ko alam kung bakit... Anong nangyayari... Sino ba talaga ako?

"KARAPATAN NYANG MALAMAN ANG LAHAT... NA MATAGAL MO NA SYANG TINATAGO KAY STACEY, NA HINDI KO SYA ANAK, BUNGA SYA NG PAGTATAKSIL NYO NI ATE....," para akong nanlambot dahil  sa narinig... "Mike, Michael, tanggapin nalang natin... May kahati tayo kay Jace... Hindi ko sya anak... Anjan na si Stacey.....,"

BLAGGG!!!

"Kaya pala hindi mo ako kayang mahalin... Kasi hindi mo naman pala ako dinala ng syam na buwan sa tyan mo... Anak pala ako ng karibal mo..," walang emosyon na sabi ko... Bakit ganun? Bakit sunod-sunod naman yata ang sakit...

"Mika???," gulat na gulat na sabi nila...

"Ngayon alam ko na," tumatango ko na sabi habang umiiyak..

Naglakad ako paalis...

Kung sino pa yung taong inaasahan ko na masasandalan ko... Sya pa yung naglihim sakin...

Ang sakit... Ang sakit-sakit... Sobra..

"Jace! Anak let me explain,"

"Explain what dad? Nakakapagod ng makinig sa kasinungalingan!!," umiiyak na sabi ko, "15 years dad, 15 years ng buhay ko puro kasinungalingan, bakit nyo ba ako niloloko? San ba ako nagkamali?,"

"M-mikae----,"

"Ohhhh... Hindi nga pala ako yung nagkamali...," bigla akong natawa ng sarkastiko, "Kasi ako mismo yung pagkakamali..," inis ko na pinunasan yung luha...

Never Be The Last /The 5th Royal Blooded's Story/ (Completed)Where stories live. Discover now