Chapter Twenty Five

Start from the beginning
                                    

"I knew it. C'mon, I can be your shoulder right now." Nakaramdam ako ng gulat sa sinabi niya pero sakit pa rin na dulot ni Greg ang nangingibabaw sa dibdib ko.

Nasasaktan ako dahil mahal ko na rin siya.

"Pwede mo akong iiyakan, pwede mong ilabas ang sakit diyan sa dibdib mo sa harap ko." Sabi niya at tsaka niya ako biglang niyakap.

Doon ako napaiyak sa dibdib niya. Wala akong nagawa kung hindi ang yumakap sa kanya at umiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Dati naman hindi ako nagkakaganito kapag may bagong girlfriend si Greg pero bakit ngayon iba na? Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa isang tao?

"Shh, sasapakin natin 'yung nagpaiyak sa'yo." Sabi pa ni Andrew.

Doon ay iniyak ko lang sa kanya ang sakit na nararamdaman ko. Unang beses kong masaktan at dahil sa gagong 'yon. Mapapatay ko talaga siya kapag nakita ko siya!

"Nabasa tuloy 'yung polo shirt mo." Sabi ko sa kanya pagkatapos kong umiyak sa kanya ng ilang minuto.

"Ayos lang, sasamahan mo naman ako mag-dinner di ba?" Sabi niya ng nakangiti.

"Oo na, nagpapa-cute ka pa diyan." Sabi ko sa kanya.

"Hindi naman na ako nagpapacute, sabi kasi ng Papa ko cute na raw ako." Sabi pa niya sabay ngiti.

"Asus, pa-cute ka pa. Pero tama naman ang Papa mo, cute ka naman." Sabi ko sabay ngiti. Ngumiti rin siya kaya lumabas ang pantay at puti niyang mga ngipin.

"I like your smile." He said.

"Bola, sige na. Saan mo ba ako ililibre?" Tanong ko sa kanya.

He smiled showing his dimples before he speak. "Sa paborito ko."

****

"S-Sigurado ka? Kumakain ka ng dinuguan?" Tanong ko sa kanya. Hindi kasi ako makapaniwala na karinderya ang paborito niyang kainan.

Ngumiti ulit siya kaya lumabas na naman ang lubog na lubog niyang dimples.

"Oo, favorite ko 'to eh tsaka chicken adobo." Sabi niya. Namangha naman ako sa kanya at kahit papaano ay nawala 'yung sakit na kanina ay nararamdaman ko. Nakakaaliw kasi siya kausap at hindi siya nawawalan ng kwento. Fluent din siya sa tagalog dahil iyon ang lenggwahe nila kapag nasa bahay lang sila at sinanay talaga siya ng ina niya na magtagalog dahil Filipino raw siya at karapatan niya iyon.

"Ang sarap kaya ng dinuguan. Ikaw ba? You don't like?" He asked. I shook my head and I smiled.

"Gusto ko rin ang dinuguan pero iba ka kasi. Anak mayaman ka pero ikaw 'to at paborito iyan." Sabi ko sa kanya.

"What's the matter? Masarap eh. Pinakain sa akin 'to ni Pops dati tapos nahuli ako ni Mama kaya ayun, pinagbawalan ako. But I am a hard headed boy so I always eat this when I am craving." He said.

"Ilang taon ka na bang nanirahan sa ibang bansa?" Tanong ko sa kanya. Tinolang manok ang inorder ko at siya naman ay dinuguan, sinigang na baboy, bopiz at isang tapa. Ang takaw niya!

"I was only seven years old when we migrated in New Jersey, tapos ngayon lang ako nakauwi dito sa Pilipinas. I am twenty years old, single at gwapo. Apply ka?"

"Hindi na, may mahal na akong iba eh." Bigla akong natigilan sa sinabi ko.

May mahal na ako at si Greg iyon.

"I see."

Pinagpatuloy lang namin ang pagkain namin at naaliw ako sa kanya. Masayang kausap si Andrew, marami siyang kwento sa buhay. Kung paano siya mabasted ng unang crush niya, kung paano siya natutong mag basketball at kung anu-ano pa. Nakalimutan ko kahit papaano si Greg dahil sa kanya.

His Possessive Ways (Published Under Summit Media) Where stories live. Discover now