SP Part 53: Kislap ng Pag mamahal

Start from the beginning
                                    

"Umalis na kayo, isama mo sila mama, sila Kohei. Please kuyaa." pag susumamo ko

Umiling siya at hinawakan ang aking pisngi. "Dito lang ako sa tabi mo, kung magunaw man ang mundo ay magiging masaya akong pumanaw ng kasama ka. Kahit sa kabilang buhay ay hindi ko hahayaang mag isa ka. Nandito lang ako.." ang wika niya habang nang gigilid ang luha.

"Sorry kuya.. Patawarin niyo ako lahat dahil mahina ako. Hindi ako kasing lakas ng iba.. Hindi ako perpektong super hero katulad ng nababasa natin sa komiks o yung napapanood natin sa pelikula." ang umiiyak kong sagot

"Hindi ka nga perpekto at iyon ang pinaka magandang bagay sa iyo Nai. Sanggol ka palang ay alam ko nang magiging bayani ka, nakita kita noon at alam kong ikaw ang tumulong sa akin. Iyon ang dahilan kung bakit mahal na mahal kita, nangako ako sa iyo na aalagaan kita at mamahalin ng buong puso.

Oo nga't nasasabi mong hindi ka perpekto. Pero para sa akin ikaw ang pinaka magaling, pinaka malakas, pinaka mahusay na super hero sa buong mundo. Hindi ka nabigo dahil marami kaming nag mamahal sa iyo. Huwag mong isiping maniha ka dahil hindi totoo iyon." ang umiiyak na wika ni Kuya Rui

Maya maya ay hinawakan niya ang aking kamay na duguan at hinamas niya ito. Pumatak ang kanyang luha sa aking sugat at inilagay niya ang aking duguang kamay sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso..

Humihikbi si Kuya Rui..

"Itong puso ko ay naniniwala sa iyo. Damhin mo ang pag mamahal ko hanggang sa huli. Pakiramdaman mo ang pintig nito na sinasabing "hindi ka nag iisa" dahil nandito ako. Mahal na mahal kita at kahit sa pinaka huling sandal ay hayaan mong iparamdam ko sa iyo ito." ang umiiyak niya salitang nanginginig ang balikat sa sobrang pag hikbi sabay yakap sa akin ng mahigpit..

At kasabay nito ang isang kantang nag mumula kung saan..

Patuloy pa rin sa bukas ang lupa at pag kawasak ng paligid. Nanatili pa rin kami sa ganoong posisyon, magkasama habang unti unting inaabot ng pag bitak ang aming kinlalagyan..

When I'm With You

Saw you walk into the room
Thought I'd try to talk to you
Babe am I ever glad you wanted me to
It's been two years to the day
Half the time I've been away
I know I'm not there enough but that's gonna change
Cause I'm coming back
To show you that I'm keeping the promise I made

When I'm with you I'll make every second count
Cause I miss you
Whenever you're not around
When I kiss you
I'll still get butterflies years from now
I'll make every second count when I'm with you

Ikinulong niya ako sa ako sa kanyang bisig at habang nasa ganoong posisyon ako ay unti unting nag balik sa aking alaala ang masasayang pag sasama namin ni Kuya Rui, noong bata pa ako ay parati niya akong pinag tatanggol. Umalis siya ngunit parati kong niyayakap ng patahimik ang kanyang larawan.

Ang larawan ni Kuya Rui.. Ang taong iniidolo ko, minamahal at pinag aalayan ng lahat. Tuwing gigising ako sa umaga ay gumaganda ng gising ko dahil mukha niya agad ang aking nasisilayan. At iyon ang pinaka magandang tanawin sa lahat, sa buong mundo.

Yeah we've had our ups and down
But we've always worked them out
Babe am I ever glad we've got this far now
Still I'm lying here tonight
Wishing I was by your side
Cause when I'm not there enough
Nothing feels right
So I'm coming back to show you that
I'll love you the rest of my life

When I'm with you
I'll make every second count
Cause I miss you
When ever you're not around
When I kiss you I'll still get butterflies years from now
I'll make every second count
When I'm with you
Whatever it takes I'm not gonna break the promise I made
When I'm with you
I'll make every second count
Cause I miss you

Super Panget (BXB 2018)Where stories live. Discover now