SP Part 52: Walang Katapusang Dilim

Start from the beginning
                                    

Natawa si Sin. "Hindi. Susuportahan lamang niya iyong buhay bilang sanggol. Ang enerhiyang iyong ay nasa iyong katawan lamang. Ordinaryo lamang at huwag kang mag alala." ang tugon ni Sin

Ilang minuto rin ako sa ganoong posisyon hanggang sa muling umiyak ang sanggol. "Ang cute ko pala talaga noon." ang bulong ko sa aking sarili na naka ngiti

Huminto ng pag iyak ang sanggol na ako at pag katapos humarap ito kay Rui at sinabing "KUYA!"

Lalong umiyak si Rui at niyakap ang bata ng mahigpit dahilan para batukan ko ito. "Ump, huwag masyadong mahigpit at baka masakal ako." ang wika ko ngunit naka ngiti ako habang pinag mamasdan silang dalawa.

End of flashback (Scene from SP S2 Part 47: Mahalagang Pangako)

"Ngunit si Tex? Kaibigan ko siya! Bata palang ay mag kasama na kami! Bakit siya??" ang tanong ko naman upang malinawan ang lahat.

"Si Tex ay isang huwad na tao. Gawa sa pekeng laman, dugo at kaisipan. Matagal na tayong mag kakilala diba? At matagal na rin kitang kilala Nai. Kaya naman gustong gustong kita.. Alam mo ba na ikaw ang gusto kong maging katawan at hindi ang pekeng ito." ang wika niya

"Sa makatuwid, nanatili lamang siya sa iyong katawan dahil sa enerhiyang iyon na nasa iyong loob. Ngunit hindi niya ma take over ang iyong katawan dahil malakas rin ito at protektado ka ng asul na kapangyarihan kaya naman gumawa siya ng isang pekeng nilalang upang doon mamalagi. Isang anay ang nilalang na iyan!" ang pag lilinaw ni Sin.

"Tama ang nilalang na nasa loob mo Nai, hindi ko magawang pamahalaan ang iyong katawan dahil natatalo ng enerhiyang asul ang aking kapangyarihan kaya naman wala akong nagawa kundi ang umalis at bantayan ka. At ngayon ay gagawin ko ang lahat upang mabuhay sa iyong katawan. Kapag nakuha ko na iyan ay gugunawin ko ang mundo at wawakasan ang lahat ng taong naninirahan dito. Lilinisin ko ang mundo at mag sisimula tayo muli sa umpisa." ang wika ni Tex

"Walang umpisa dahil walang mag wawakas! Kung mayroon man ay ikaw iyon!" ang sigaw ko rin sabay sugod sa kanyang kinalalagyan.

Dumistansya ito sa akin "May lakas ka pa ba Nai? Mahina kana at ramdam kong nanginginig na ang iyong tuhod sa takot. Takot na takot na Nai, niloloko mo lamang ang sarili mo sa pag iisip na malakas ka." ang wika niya

Maya maya ay tila nga nakaramdam ako ng takot at napahinto ako sa aking pag kilos. "Nai, huwag kang makinig sa kanya. Ang bawat katagang lumalabas sa kanyang bibig ay isang lason sa isipan!" sigaw ni Sin

Napahinto ako sa pag kilos at naramdaman kong may kumalawit na bagay sa aking katawan dahilan para mag dugo ito. Maya maya may tumusok na bagay sa aking balikat at tumagos ito ng sa kabila..

Dito ko nakita na ang dulo ng kanyang pangalawit ay isa rin sibat kaya naman agad akong lumipad ang dumistansya sa kanya. Mukhang paubos na rin ang aking lakas dahil ang sigla at bilis ng aking katawan ay lumipas na. Kahit nasa lebel ako ng ad molibiria ay ramdam ko pa rin ang pagod. Said ang aking lakas sa pakikipag laban kay Pogi.

"Wala ka nang lakas Nai?" naka ngisi niyang tanong

Di ako sumagot, itinutok ko ang baril sa kanyang kinalalagyan at pinaputok ko ito.

Sunod sunod..

Umulan ng bala sa kanyang kilalagyan ngunit hindi man lang siyang tinamaan. Masyado itong malakas kung ihahambing sa akin na halos di na makatayo.

Maya maya ay isang malakas na suntok at tadyak ang lumanding sa aking katawan, binugbog ako ni Tex, hindi ko alam kung ano ang kanyang ginagawa ngunit ramdam ko ang pag tama ng kanyang kamao sa aking katawan. Mabilis siyang kumilos, sadyang mabilis ba o bumagal lamang ako dahil wala na akong kakayahang makita ito.

Sumadsad ang aking katawan sa lupa. Kasabay nito ang pag suka ko ng dugo..

"May sakit ka Nai, ilang araw na lamang ba ang itatagal mo?" ang tanong ni Tex.

Tumingin ako sa kanya ng matalim at pinahiran ang dugo sa aking bibig.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan!!" ang sigaw niya sabay tadyak sa aking ulo.

"Yumuko ka sa akin!" ang sigaw niya habang pauli ulit na iniyuyuko ang aking ulo gamit ang kanyang paa dahilan para masubsob ako sa lupa.

"Mamatay kana Nai, unti unting sinisira ng karamdaman ang iyong katawan at wala ka nang magagawa kundi ang yakapin ito." ang sigaw niya at dito ay muli nanaman akong nakaramdaman ng takot at pangamba. Kasabay nito ang pag tulo ng dugo sa aking ilong..

"Sige Nai, gustong gusto ko ang takot mo. Pinalalakas ako nito. Matakot ka pa! Malungkot at mangamba!!!" ang tumatawa niyang sigaw.

Maya maya muli niya akong tinusok ng sibat sa balikat at tinusok rin niya ang aking kamay dahilan para mapasigaw ako sa matinding sakit.

Bumabaha ang dugo sa aking kinalalagyan.

Nanatiling naka tarak ang sibat sa aking kamay at nakabaon ito sa lupa na parang ipinako sa krus

"Wala ka nang lakas Nai? Kung ganoon ay tapusin na natin ang eksenang ito. Mukhang ako ang nag tagumpay." ang wika niya at bigla nalang tumubo ang pakpak sa kanyang likuran. Kulay itim ito na tila pakpak ng anghel. "Umpisahan natin ang pag linis sa mundong ito. Huwag kang mag alala Nai, kapag wala na ang mundong ito ay kukuhanin ko sa libingan ng mga patay ang iyong katawan at ako na ang gagamit nito. Sa akin rin ang lakas mo." ang wika niya sabay lipad sa pinaka itaas ng kalangitan.

Bumukas ang kanyang bagwis at ng liwanag itong husto. Kasabay noon ang pag labas ng itim rin na enerhiya sa kanyang katawan. "Ang takot na nag mumula sa mga tao ang siyang nag bibigay lakas sa akin! Sige pa! Matakot kayo!!" ang tuwang tuwa niyang sigaw.

Gumuhit ang itim na liwanag sa bulong paligid at dito ay ang simulang mag dilim ng husto. Ang mga kidlat at kulog ay nag simulang bumagsak sa kalangitan at tumatama ang mga ito sa lupa dahilan para mag kasunog ang mga sirang gusali.

Sabay nito ang pag bitak ng lupa at ang malakas na pag yanig nito na parang inuuga ng husto. "Nai, masama ito. Nawawala sa balanse ang iyong mundo. Maaari itong tumama sa katabing planeta at sumabog kapag hindi napigilan. Palakas ng palakas ang kalaban dahil ang lahat ng buong mundo ay binabalot na ang takot. At iyon ang nag papalakas sa kanya." ang sigaw ni Sin ngunit malabo na rin ang kanyang tinig.

Tumuloy ang matinding pag bitak ng lupa. Tila ba nanonood ako ng pelikulang hawig sa 2012 kung saan literal na nagugunaw ang buong mundo.

Lalo lamang akong natakot para sa mga taong mahal ko sa buhay. Tila yata malaking kabiguan ang aking parating sinasapit.

"Nag kamali ka ba?" ang tanong ko kay Sin

"Tungkol saan?" ang sagot niya

"Sa pag pili sa akin." ang tanong ko

"Hindi. Ikaw ang pumili sa sarili mo Nai, wala akong pinag sisisihan doon. Nawalan ako ng pamilya, ng kaibigan at planeta. Ngunit natagpuan kita at nakatagpo ako ng bagong tirahan sa planetang ito. Wala akong pag sisisi." ang masaya niyang salita.

"Mag kaibigan tayo diba?" ang tanong ko

"Oo Nai, ikaw ang aking pamilya." sagot niya

"Gusto ko sanang humingin ng Pabor. Lisanin mo na ang aking katawan at tumakas kana bago pa magunaw ang aming mundo. Paki usap." bulong ko

"Hindi Nai, tatapusin natin itong dalawa. Kahit 1 porciento nalang ang natitirang pag asa ay mayroon pa rin kahit katiting. Minsan ang tunay na milagro ay nagaganap kapag wala nang pag asa ang lahat." ang wika niya at nasa ganoong posisyon ako noong maramdaman kong hinuhugot ni Rui ang sibat na nakatarak sa aking dalawang kamay.

"Nai! Gumising kaaaa!" ang sigaw nito

Ang walang katapusan dilim ay nag simula na. At ngayon ang mundo ay unti unti nang nasisira.

Halos hindi ko na alam ang gagawin ko, wala na rin akong lakas upang makagalaw ng maayos. Sa dami ng pinsalang aking itanamo ay imposible nang makapag ligtas ako ng buhay ng iba.

Patuloy pa rin ang pag kasira ng paligid. At kawalan ng pag asa ang lumukob sa aking buong pag katao..

Itutuloy..

Super Panget (BXB 2018)Where stories live. Discover now