SP Part 48: Super Pogi

Start from the beginning
                                    

"Sabi ko naman sa iyo, pinaka sira ulo si Super Pogi sa lahat. Mag ingat ka dahil parating na siya." ang wika ni Sin at dito ay nakita kong lumipad si Troy patungo s akin. Lumabas sa kanyang kamay ang kulay pulang bola ng enerhiya katulad ng sa akin at maya maya ay naging isang espada rin ito.

Ginamit ko rin ang aking sandata at ginawa itong espada upang sanggahin ang kanyang mabilis na atake. Parehong pareho ang aming sandata mag kaiba lamang ng kulay. Ang akin ay nag liliwanag na asul ang sa kanya naman ay kulay pula.

Espadahan, hampasan at iwasan ang aming ginawa..

Mag aabot ang aming espada, maya maya ay pareho didistansya sa isa't isa. Sugod, iwas, sugod, iwas. Patas na patas ang aming lakas.

Maya maya ay kapwa kami dumistansya sa isat isa at pareho ring lumiwanag ang aming mga hawak na bola ng enerhiya. Lumabas sa aking kamay ang asul na baril at itinutok ito sa kanya.

Lumabas naman sa kanyang kamay ang isang malaki pana at palaso na kulay pula. "Akala mo ikaw lang ang marksman fighter?" ang naka ngisi niyang salita sabay unat sa awrang pisi ng kanyang pana..

Itinutok ko sa kanya ang aking baril at dito ay pinaputok ko ito.

Nag abot ang bala at palaso sa gitna..

Lumikha ito ng malakas na liwanag at sumabog..

Yumanig sa paligid..

"Old model iyang gamit mo Panget. Ito ang latest model." ang wika niya sabay tutok ulit ng palaso sa aking kinalalagyan.

Binitiwan niya ito at dito ay isang palaso lang ang lumipad pasibat sa akin ngunit dumoble ito, at dumoble pa hanggang sa maging apat na.

Mabilis akong lumipad para umiwas at sa kada sibat ng kanyang pulang palaso ay sumasabog ito ng malakas dahilan para magiba ang lahat ng madaanan kabilang na ang mga natitirang gusali at ang ibang sira ay mas lalo pang naabo.

"Mas latest nga yung model ng sandata niya!" ang sigaw ko habang naka tago.

"Nauna lamang na ilabas ang sa atin ng ilang buwan. Wala namang masama doon!" ang sagot rin niya.

"Mas latest iyon kaya mas malakas!" ang reklamo ko pa habang naka kubli sa mga sirang gusali. "Teka ano bang alam mo dyan kay Pogi? Wala bang tips? Weak point? Ano?" ang pangungulit ko

"Basta ang alam ko lang ay pogi sya at ayaw niya nasusugatan ang kanyang mukha. Ang kanyang pez ang pinaka mahalagang yaman sa kalawakan."

"Seryoso?" ang tanong ko

"Oo e." ang sagot din niya

Maya maya biglang sumabog ang sirang gusali kung saan ako naka kubli. Patuloy sa pag ulan ng palaso, walang pinag kaiba kay Super Ganda na walang ginawa kundi ang mag pa ulan ng bala.

Sa ganitong pag kakataon ay wala naman akong nagawa kundi ang makipag barilan sa kanya. Ang kanyang pulang palaso laban sa asul na bala. Nag aabot ang dalawang liwanag at gumuguhit ito sa madilim na kalangitan.

Ilang minuto kami sa ganoong pag papalitan ng atake hanggang sa muli pumalit ang espada sa aming mga kamay. Nag abot kami sa gitna mag ka krus ang aming mga armas at kapag nag kakalayo naman kami ay nagiging baril at pana saka namin papaulanan ang isa't isa.

"Wala ba itong ultimate? Alam mo na, kasi diba yung kanya ay umuulan ng palaso. Bakit yung sa atin isang bala lang?" ang tanong ko naman

"Ah meron, ultimate ba? Siyempre meron!" ang pag mamalaki niya

"Meron pala? Pambihira ka naman bakit ngayon mo lang sinabi. Muntik na akong mapatay ni Beki at ni Ganda ahh!" pag rereklamo ko

"Nag tatanong ka ba? Wala naman diba?"

Super Panget (BXB 2018)Where stories live. Discover now