SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib

Începe de la început
                                    

Nag tatakbo patungo sa amin ang mga halimaw habang si Tex naman ay nakatayo lang sa di kalayuan. "Nga pala Nai, kamusta ang kuya mo? Balita ko ay mahal na mahal ka niya." ang tanong ni Tex

"Huwag mo siyang idamay dito!" ang sigaw ko

"Alam mo ba na ang lahat ng nag mamahal sa iyo ay kinamumuhian ko? Ang kanilang pag mamahal ang nag papahina sa akin kaya't dapat silang mawala!" ang wika ni Tex sabay kumpas sa kanyang kamay.

Nag liwanag ang lagusan malapit sa kanyang kinalalagyan at naka ngisi itong lumapit doon. "Hayaan kong wakasan ko ang buhay ng mga taong nag mamahal sa iyo. Sa ngayon ay mag laro muna kayo ng aking mga alagad."

Nag takbuhan patungo sa amin ang mga halimaw habang ako naman ay nakatingin lang sa kalaban. Nag balik sa aking isipan ang pangitain kung saan naka luhod si Kuya Rui at pinugutan ito ng ulo ng isang misteryosong lalaki na may pangalawit. "Si Rui! Mapapahamak siya!!" ang sigaw ko sabay takbo patungo kay Tex

"Nai ako ang bahala dito! Sundan mo na siya!" ang sigaw ni Sin kaya naman nag mamadali rin akong lumundag sa lagusan kung saan pumasok si Tex.

Halos hindi ko maitago ang ibayong kaba habang pilit na hinahabol ang kalaban sa loob ng lagusan.

Pansamantalang nilukuban ng kadiliman ang aking pag katao at noong mag liwanag ang paligid ay natagpuan ko ang aking sarili na naka nakatayo sa gilid ng gusali kung saan may nag kakagulong tao

Hindi na ako nag aksaya ng pag kakataon, agad akong nag tatakbo at hinabol si Tex na noon ay patungo sa iisang direksyon.

Takbong walang patid ang aking ginawa. Naki siksik ako sa mga taong nag kakagulo at wala na akong paki alam kung madapurak ako o maipit. Ang mahalaga ay mahabol ko ang kalaban.

Takbo..

Hingal..

Malakipas ang ilang sandali ay kusang huminto ang aking tuhod at dito ay nakita ko si Rui na naka tayo malapit sa isang sirang gusali. "Kuyaaaa!" ang sigaw ko

"Nai! Kanina pa kita hinahanap. Bigla ka na lamang nag laho doon sa secret base ni Gun, saan ka ba nang galing?" tanong nito sabay hakbang palapit sa akin.

At habang nasa ganoong pag lakad ito ay laking gulat ko noong sumulpot si Tex sa kanyang likuran at mabilis na inumang ang pangalawit sa kanyang katawan.

"Huwaaagg!! Kuyaaa sa likod mooo!" ang sigaw ko habang nag kakandarapa sa pag takbo.

Lumingon si Rui sa kanyang likuran at napasalampak nalang ito sa lupa sa matinding pag kabigla. Nag kasugat ang kanyang dibdib na nasagian ng talim ng pangalawit.

Samantalang ako naman ay mabilis na lumundag sa kinaroroonan ni Tex at iniumang ko ang espada sa kanyang harapan. "Layuan mo si Kuya dahil papatayin kita sa oras na isayad mo ang daliri mo sa kanya." ang gigil kong banta.

Itinulak niya ako at dumistansya siya sa akin..

Humarang ako upang protektahan si Rui na noon ay nag durugo ang dibdib sa matinding pinsala. "Sa kalagayan mong iyan ay wala kang laban sa akin Nai." ang wika niya sabay lapit sa aking kinatatayuan.

"Lumayo ka sa akin." ang bulong ko

"Bakit ako lalayo? Sa akin ka lang Nai. Ang iyong katawan ay mapapa saakin. Bakit hindi mo nalang tanggapin ang katotohanan na ako at ikaw ay iisa, galing ako sa iyo, sa iyo ako nag mula kaya sa iyo rin ako babalik. Bakit hindi mo animin kay Rui na inggit na inggit ka sa kanya, na kinamumuhian mo siya dahil siya ang tunay na anak at ikaw ay isang talunang sampid? Pag kakataon mo na para gumanti sa lahat. Ang tanging kailangan mo lang gawin ay tanggapin ako sa iyong pag katao. Nai, para tayo sa isa't isa. Nabubuhay ako para sa iyo kaya't sa akin ka lang." ang wika nito habang naka lingkis sa aking katawan na animo malanding sawa.

Maya maya bigla na lamang ay tumamang bato sa ulo ni Tex habang nasa ganoon siyang pag palupot sa akin. "Lumayo ka kay Nai!" ang wika ni Rui

Nangiti ang kalaban at humarap ito kay Rui. "Ang lahat ng nag mamahal kay Nai ay papatayin ko." ang naka ngiti niya ng salita.

Nag simula siyang tumalikod sa akin at humakbang palapit kay Rui..

Hinawakan ko ang kanyang braso dahilan para mahinto ito. "Sandali." ang salita ko

Humarap siya sa akin at ngumisi, "napag isipan mo na ba? handa ka na bang isuko ang iyong pag katao sa akin? Simple lang naman, ikaw ay dadalhin ko sa aking dimensyon, doon kana mabubuhay habang ang iyong katawan ay pag haharian ko. Iyon ang nararapat diba?" ang tanong niya

"Hindi. Wala akong isusuko sa iyo." ang bulong ko sabay tutok ng baril sa kanyang mukha.

Pinaputok ko ito..

BANG!!

Tumilapon ang kanyang katawan sa lupa kaya naman agad akong nag tatakbo patungo sa kanya. "Ibalik mo sa akin ang kapangyarihan ko!!!" ang sigaw ko sabay sakay sa kanya.

Nag buno kaming dalawa...

At kasabay noon ang pag bubukas ang lagusan sa aming kinatatayuan.

Muli kaming napasok nito, ngunit patuloy pa rin kami sa pag bubuno. Maka ilang beses na tumama ang aking kamao sa kanyang mukha at ganoon rin siya habang paikot ikot kami sa loob ng dimensyong lagusan.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay siya naman pag sulpot ni Sin sa akin likuran. "Anong ginagawa mo dito?" ang tanong ko sa kanya

"Sinundan ko kayong dalawa dahil alam kong kailangan mo ng tulong ko." sagot niya

"Kailangan nating mabawi ang aking kapangyarihan sa kanya!" ang sigaw ko sabay sakal kay Tex

"Ako lamang ang may kakayahang bumawi ng aking kapangyarihan. Ako lamang ang makakagawa noon!" ang sigaw rin niya at doon ay nag liwanag ang kanyang kamay at mabilis na itinarak ito sa dibdib ni Tex.

Hinawakan ko naman ang mag kabilang braso si Tex upang hindi siya makagalaw kahit nag wawala na ito at nababalot ng itim na liwanag ang kanyang katawan. Halos mag liyab ang aking katawan sa init ng kanyang pwersa ngunit isinumpa ko sa aking sarili na hindi ako bibitiw, mag kamatayan na!!

Patuloy kaming tatlo sa pag bubuno...

Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon noong iangat ni Sin ang kanyang kamay mula sa dibdib ng kalaban at dito ay hawak niya ang isang bolang asul na nag liliwanag. "Ibalik mo sa akin iyan!" ang sigaw ni Tex

Isipa siya ni Sin at mabilis lumayo "Nek nek mo!" ang wika nito at mabilis niya idinikit ang bolang asul sa aking dibdib." Hindi ko maaaring ibalik sa aking katawan ang aking kapangyarihan kaya muli ko utong ibabalik sa iyo Nai." ang dagdag pa niya at doon nag liwanag ang aking dibdib at kasabay nito ang pag labas ng inukit na tatak ng SP.

Kasabay noon ang pag kawala ng katawan ni Sin sa aking paningin. Nag bukas ang lagusan at natagpuan ko ang aking katawan na bumabagsak mula sa itaas..

Nawala rin ang katawan ni Tex at ngayon ay mag isa na lamang akong nahuhulog palabas sa naturang lagusan sa ibang panahon.

Itutuloy..

Super Panget (BXB 2018)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum