SP Part 46: Sa Bingit ng Panganib

Start from the beginning
                                    

"Nai, parating na siya!" ang wika ni Sin sabay tulak sa aking katawan para makalayo ako at makaiwas.

Iwinasiwas ni Tex ang kanyang malaking sandata at sinangga ito ni Sin gamit ang bola ng enerhiya sa kanyang kamay.

Lalong nangiti si Tex at muli ito nag tatakbo patungo sa akin kaya naman inihagis ni Sin ang kanyang hawak na bola ng enerhiya sa aking kilalagyan at noong masalo ko ito ay naging espada. "Paano ka nag karoon nito? Akala ko ay wala na tayong kapangyarihan?" tanong ko

"Oo nga! Wala tayong kakayahang maging si Super Panget dahil nasa kanya ang ating kapangyarihan. Ang bola ng enerhiyang iyan ay teknolohiya nakalimutan mo na ba? Iyan ang sandata namin sa super planet kaya kahit walang kapangyarihan ay magagamit natin ito." sagot ni Sin habang ako naman ay patuloy na sinasangga ang bawat pag atake ng kalaban.

Bumilis ang pag kilos ni Tex at sa pag kakataong ito ay nakalawit niya ang aking hita dahilan para madapa ako at mawala sa balanse.

Agad kong hinawakan ang bola ng enerhiya at ginawa ko itong baril. Nag liwanag ang bibig nito at mabilis kong pinasabog sa kanyang katawan..

Nakaiwas si Tex..

Nangiti siya ulit at pinag masdan ang talim ng kanyang pangalawit na mayroon dugo na mula sa aking hita. Kinuha niya ito gamit ang kanyang daliri at dinilaan niya.

Natuwa siya sa lasa ng aking dugo habang patuloy na dinidilaan ang talim ng kanyang sandata. "Masarap ang dugo mo. Punong puno ng pangamba at inggit. Oo nga pala, anong pakiramdam ng walang magulang Nai? Wala kang kinagisnang magulang dahil pinamigay ka nila at ang masakit ay niloko ka pa sa bandang huli. Bakit hindi mo aminin sa iyong sarili ay naiinggit ka kay Rui dahil gwapo siya, matalino at mahal ng iyong mga magulang natural dahil siya ang tunay na anak at ikaw ay isang sampid na putok sa buho lamang. Nalulungkot ako para sa iyo Nai." ang wika niya at muli nag tatakbo patungo sa akin.

Umiwas ako at nag pagulong gulong hanggang sa makalayo at makadistansya sa kanya "Noong gabing inatake tayo ng mga mandaragit sa bundok. Ano ang totoo doon?" ang wika ko at dito ay nag balik sa aking isipan ang pag hila sa kanya ng mga halimaw sa dilim

Flash back

Isang malakas na sigaw ang aking narinig matapos kong makita si Tex na hinahatak ng mga mandaragit patungo sa dilim. "Tex!!!!" ang sigaw ko. Ibayong takot at pag alala ang lumukob sa aking pag katao. "Manong Ed, kayo ang bahala sa mga babae! Hayun ang kalsada!" ang wika ko.

"Hijo, saan ka pupunta?" ang tanong niya

"Ililigtas ko si Tex! Babalik ako agad!" ang sagot ko sabay takbo pabalik ng kakahuyan.

Sa una ay mabagal na takbo lang aking ginawa hanggang bumilis na ito na parang hangin at maya maya nagawa ko nang lumipad sa ere.

Kahit madilim ay malinaw kong nakikita ang lahat. Hindi lamang apat ang mandaragit sa buong bundok dahil marami pa sa iba't ibang panig nito, nag hahanap ng mga biktima.

"Ayun si Tex!" ang sigaw ko sa aking isipan noon makita ko itong patuloy na hinihalod ng mga mandaragit sa gitna kakahayuan. Kaya naman agad akong sumibat ng lipad patungo sa kanila.

Pag bagsak ko sa lupa at isang malakas na suntok ang aking hinataw sa mandaragit na may bitbit kay Tex. Tumilapon ang kaaway at kasabay noon ang pag kakaroon ng malay ng biktima.

End of flashback (Scene from S1 Part 13 Mandaragit)

"Iyon ba? Planado kong lahat iyon. Nagustuhan mo ba Nai?" ang wika niya habang naka ngisi. "Ang mga halimaw na iyon ay ang aking mga alagad. Nais mo ba silang makita?" ang tanong nito at mula sa kanyang likuran ay lumabas ang mga mandaragit. Nasa limang halimaw ito na iba't iba ang laki at anyo. Isa lang ang pareho, dahil lahat ay sadyang mapanganib.

Super Panget (BXB 2018)Where stories live. Discover now