SP Part 45: Ang Teknolohiya ni Gun

Start from the beginning
                                    

Napatango ako..

"Tama ka. Ang lalaki sa larawan ay walang iba kundi ikaw. Kaya matagal ko nang alam na ikaw at si Super Panget ay iisa." ang naka ngiti niya wika

"Bakit ba kasi naging hobby ko pa ang lumipad sa itaas ng mundo at tumambay doon. Buking tuloy!" ang sigaw ko sa aking sarili na tila nakaramdam ng pag kahiya.

"Ayos ka lang ba Nai? Dont worry, safe ang secret mo sa akin. Noong makita ko ang larawan mo ay nag panic ako na baka makita ito ng ibang satellite kaya naman agad kong blinock ang kanilang system. Sa susunod ay huwag kang lilipad sa itaas ng daigdaig ng hindi ka naka anyong Panget dahil tiyak na mabubuking ka." ang wika niya sabay tapik sa akin balikat.

"Hindi kaba natatakot sa akin? Dahil kakaiba ako?" tanong ko

"Bakit ako matatakot? Napaproud pa nga ako na ang isang super hero ay kaibigan ko at close kaming dalawa. Diba? Diba? Papicture naman tayo minsan ng naka Super Panget ka at ididisplay ko sa mesuem." natatawa niyang wika sabay akbay sa akin.

"Oy, baka nag kakalandian na kayong dalawa diyan. Gun, layuan mo ang baby ko. Lagot ka sakin!" ang wika ni Rui habang pilit na bumabangon.

"Ano ka ba, huwag kana nga bumangon dyan. Ang lalim ng mga sugat mo eh." ang wika ni mama habang ginagamot ang sugat nito.

Natawa lang kami at dito ay nilapitan ko si Rui na noon ay nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay at pinisil pisil ito. "Kamusta ang pakiramdam mo?"

"Maayos naman ako kuya. Ikaw kamusta ang pakiramdam mo?" ang tanong ko rin

"Maayos ako basta maayos ka rin. Alam mo naman na ikaw ang lakas ko." ang tugon niya

Ngumiti ako at tumabi sa kanya. "Bawal na kayo lumabas, pinapatay ang mga pogi eh." ang biro ko

"Mahirap pala talagang maging pogi. Naalala ko noong dumating yung beking alien, mahilig siya sa pogi at gagawin pa kaming asawa. Ngayon naman ay dumating itong Troy na galit sa pogi dahil my makakalaban daw siya. Ang gusto yata ng gago ay siya ang pinaka gwapo sa buong mundo." ang tugon ni Rui

"Pero buti nalang dumating si Kuya Gun at Kohei." wika ko

"Salamat Tol, salamat rin sa iyo Kohei. Ang akala ko ay katapusan ko na kanina" tugon ni Kuya

"Wala po iyon master, ang mahalaga ay buhay tayong lahat." naka ngiting sagot ni Kohei.

"Sa tingin ko ay seryoso na talaga ang nangyayari sa siyudad. Tingnan nyo ito." ang pag lihis ni Gun sa usapan sabay bukas ng telebisyon kung saan nag rereport si Liza Mae Lawit punong puno ito ng dugo sa damit na parang nag shower siya ng pulang tubig.

Reporter: Mga kababayan, hindi namin alam kung anong ang nangyari, basta nakita nalang namin na entabladong tinutungtungan ni Troy ay nag karoon ng maraming galamay at dito ay pinag sisisip ng mga naturang galamay na iyon ang mga dugo ng mga tao sa paligid.

Nag mistulang swimming pool ng dugo ang buong siyudad kaya naman natauhan ang mga tao at nag takbuhan. Mabuti nalang at naka ligtas ako dahil for sure na wala na kayong magandang news caster! Ako po si Liza Mae Lawit ang inyong survivor na reporter!"

Iniiscan ni Gun ang kanyang mga monitor at pilit niya hinanap ang lokasyon kung saan naroroon si Troy at kung bakit nag mistulang baha ng dugo sa buong paligid. Pakiwari ko tuloy ay nasa loob kami ng pelikulang "war of the world" kung saan ang mga alien ay kumukuha ng dugo ng mga tao upang gawing fertilizer na ipandidilig sa lupa.

Makalipas ang ilang minuto scan ay nakita na nga namin ang kinalalagyan ni Troy. Ang kanyang entablado ay naging kakaiba ang anyo, para itong makitang insekto na may kakaibang galamay na kumuha ng dugo ng tao at ipinapaligo sa katawan ni Troy na noon ay sarap na sarap.

Super Panget (BXB 2018)Where stories live. Discover now