BANG!

Sabay baril sa isang audience sa kanyang harapan..

Ay Mamatay!" ang galak na galak na wika niya.

Bumulugta ang manonood na kayang binaril ngunit walang paki alam ang mga tao dito. Nag palakpakan sila at nag bunyi sa mga sinabi ni Troy.

"Sa aking pag hahari, ipinag babawal ko ang pagiging tanga, kahit ang mukhang tanga ay bawal na rin!" ang wika pa ni Troy sabay baril sa dalawang tao sa kanyang tabi na mukhang tangang pumapalakpak.

"Bawal rin ang gwapo! Kailangan ako lang ang gwapo! Ang lahat ng gwapo ay papatayin at susunugin ng buhay! Kahit feeling pogi ay bawal na rin!" ang wika niya at muli nanamang binaril ang isang manonood na naka kubli sa entablado. "Nag tatago ka? Akala mo ba ay gwapo ka? Pak shet!" ang wika pa niya

Palakpakan ang mga baliw na manonood..

"Ang lahat ng mga panget ay papatayin rin! Pinaka ayoko ang panget dahil nandidiri ako sa kanila. Ang mahuling panget ay mamatay!" ang wika niya sabay baril sa kanyang alalay na hindi kagwapuhan.

"Amen! Amen!!" ang wika ng mga tao

Umupo si Troy at lumakad naman sa entablado ang kanyang isa pang alalay. "Awitin ang awit sa pag aalay." ang wika nito

Dito ay pumila ang mga tao patungo sa kanya. Hawak ang kani kanilang mga alay katulad ng alahas, pera, prutas at kung ano ano pa. Para itong isang Diyos na niluluhuran at sinasamba sa hindi manlamang kadahilanan. Ipinakita rin sa telebisyon kung paano sumamba ang mga tao sa kani kanilang mga bahay na parang nationwide na misa ang nagaganap.

Pogi! Pogi! Pogi!

Ang sigaw ng mga tao na animo nag rarally!

Reporter: Saan nga ba hahantong ang mga tagpong ito kung saan si Troy na ang itinuturing na Diyos ng buong sambayanan. Ito na ba ang simula ng bagong pag asa? Si Troy na nga ba ang hinihintay na bagong bayaning mag sasalba sa ating mundo laban sa mga dayuhang mananakop? Aabangan natin iyan sa mga susunod na update. Ako po si Susie Mae Lawit. Nag uulat! Pogi! Pogi! Pogi! Break it down yo!" ang dagdag pa ng reporter at naki gulo na rin siya sa mga taong sumasamba.

*Turn off TV

Makalipas ang ilang araw ay pan samantalang bumuti ang aking pakiramdam. Kaya naman nag desisyon sina mama na ilipat na ako ng mas magandang ospital kung saan may sapat na supply para masuportahan ang aking pangangailangan.

Pansamantala rin akong nag paalam kina Kulas at sa aking mga naging kaibigan. Alam ko naman na mag kikita pa kami ulit dahil lahat sila ay binigyan ng work nina Rui bilang pasasalamat.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Rui habang naka yakap akbay sa akin sa loob ng sasakyan.

Tumango ako at inihilig ko ang aking ulo sa kanyang balikat..

"Kohei, wala bang music dyan? Ganda ng moment eh." wika ni Rui dahilan para matawa si Kohei na noon ay abala sa pag ddrive.

"Sandali po master, mag hahanap ako." tugon niya sabay pindot sa stereo ng sasakyan.

Puro ugong ang aming narinig..

"Puruhin si Panginoong Troy! Purihin!"

"Si Troy na nga ba ang hinihintay ng sambayanan?"

"Pogi pogi! Pogi! Pogi!"

Nilipat ulit niya ang station..

Sa bawat istasyon na pag lipatan ni Kohei ay puro ganoon ang aming naririnig. "Master, wala ibang nasasaganap ang signal kundi ang tungkol kay Troy!" ang wika nito habang patuloy na iniikot ang stereo.

Nag patuloy kami sa pag takbo hanggang maya maya ay naging mabagal na ang daloy ng aming pag usad. "Master, trapik na po." ang wika ni Kohei

"Humanap ka ng ibang ruta." utos ni Rui

"Master naipit na po tayo sa trapik. Hindi na tayo maaaring mag U turn o bumalik pa." paliwanag nito.

Agad na binuksan ni Rui ang bintana at sumilip sa labas. Dito ay napansin namin na maraming tao sa paligid. "Dito ka lang Nai, huwag kang lalabas dahil mainit." ang utos nito sabay labas sa sasakyan.

Ako naman ay naka tanaw lang sa kabilang bintana at pinag mamasdan ang mga taong lumalakad patungo kung saan.

"Nai!! Bitiwan niyo ko!!" ang sigaw ni Rui na aking narinig kaya naman agad akong lumabas ng sasakyan.

Dito ay nakita ko si Rui na hawak hawak ng mga lalaki at kinakaladkad ito sa lupa na parang isang karneng baboy. "Kuyaaaa!" ang sigaw ko sabay habol sa kanya.

Nag tatakbo ako at hinabol sila.

Maya maya ay may naramdaman akong humawak sa aking braso at hinila ako palayo. "Eto pa isa!" ang wika ng lalaki at doon ay hinila rin nila ako patungo kung saan.

"Bitiwan nyo ako!!" ang sigaw ko

"Huwag kana pumalag bata!" ang wika ng mga ito sabay hampas sa aking ulo.

Napaluhod ako at napa ubo ng dugo, kasabay noon ang pag hilahod sa akin palapit sa mga taong nag kakagulo.

"Dalhin ang mga alay na iyan kay Panginoong Troy!" ang wika ng mga tao.

Dito ay nakita ko sina Kuya at ang iba pang kalalakihan na naka kulong sa isang malaking hawla na parang mga ibon. Kasabay noon ang pag labas ni Troy sa entablado suot ang magarbong kasuotan.

Itutuloy..

Super Panget (BXB 2018)Where stories live. Discover now