SP Part 29: Labanan ng Kagandahan

Start from the beginning
                                    

Binalot ng mag kaibang sinag ang buong paligid at wala na akong makita kundi ang purong liwanag na iyon. Ngunit maririnig mo pa rin ang sigawan at atake sa loob nito. Mukhang tuloy pa rin ang laban ng dalawa.

Ilang minuto ring tumagal ang ganoong pag sabog hanggang sa unti unting humupa ang naturang liwanag, kasabay nito ang pag hupa rin ng ingay sa loob nito.

Tila napako ako sa aking kinalalagyan habang naka titig sa lugar kung saan naganap ang kanilang epikong labanan..

Tuluyang humupa ang lahat at mula dito ay nakita kong nakatayo ang isa. Ang isa naman ay naka handusay sa lupa.

At ang nanalo sa kanila ay si Super Ganda na noon ay putol ang kanang kamay. Sa kanyang tabi naman ay ang katawan naka handusay na katawan ni Beki na sabog ang mukha, butas ang dibdib at putol ang mga hita.

Naging madugo ang labanan ng dalawa at isa lamang ang natira. Muling kumilos si Super Ganda at pinulot ang kanyang metal na kamay saka muling pinag dugtong ang kable nito.

Muli rin niyang dinampot ang kanyang malaking sandatang kanyon at itinutok ito sa aking direksyon. Mukhang tatapusin na niya ang labanan sa pagitan naming tatlo at nais rin niya patunayan na siya ang pinaka malakas sa lahat.

Tumayo ako sa aking kinalalagyan at napatingin sa labi ni Super Beki. Halos walang awa itong pinag pira piraso. "Mag kababata kayo diba? Paano mo nagawang paslangin ang dati mong kaibigan?" tanong ko

"Hindi ko siya naging kaibigan. Siya ang dahilan ng aking pag durusa! Isang malaking kasalanan at kamalian na harapin niya ako. Mag kaiba ang estado ng aming lakas kaya walang paraan para matalo niya ako. At ngayon tatapusin na rin kita!" ang sagot niya sabay kalabit sa kanyang sandata.

Nag liwanag ito ng husto kaya naman nag handa ako upang saluhin ang bala sa ikatlong pag kakataon. Inipon ko ang aking pinaka huling lakas bagamat nangangatog na aking tuhod. Pero bahala na..

Nag liwanag ang bunganga ang kanyon ni Ganda dahilan para matawa ito na animo baliw. "Tapos kana! Time to Shine!!" ang sigaw niya

Nag tatakbo ako sa kanyang kinalalagyan, bumalot ang asul na liwanag sa aking katawan, inihanda ko ang aking kamao upang sagupain ang kanyang atake..

Ngunit..

Biglang namatay ang ilaw sa sandata ni Ganda na kanyang ikinagulat. "Anong nangyari?!" ang sigaw niya sabay tingin sa bunganga ng kanyang sandata.

Lalo siyang nahiyaw sa galit noong makitang puno ng buhok na bakal ang bungabunga nito. Marahil ay ginawa iyon ni Beki upang hindi na niya ito magamit.

Lalong napikon si Ganda, itinapon niya ang kanyang sandata sa patay na katawan ni Beki.

Nag liwanag ang boobs ni Ganda at nag simulang tumira ito ng bala. "Bratatatatatatt!!!"

Sa pag kakataong ito ay hindi na ako natinag. Lumipad ako ng mabilis sa kanyang kinalalagyan at buong lakas na hinatay ko ito suntok sa mukha.

Sa sobrang lakas ng pag atake kong ito ay nawasak ang kanyang bakal na pisngi. Pinindot ko ang bola ng enerhiya at lumabas ang aking baril. Lumipad ako sa kanyang taas at nag karga ito ng asul na liwanag.

Napatingin siya sa akin at napasigaw sa galit.

Itinutok ko sa kanya ang aking baril at nag wika "I will drive away the darkness! TIME TO SHINE!!!" ang sigaw ko at sumabog sa kanyang katawan ang pwersa liwanag na dahilan ng pag kakaputol ng kanyang bakal na ulo at pag wasak ng kanyang katawan.

Bumaba ako sa lupa habang nakatingin sa kanyang durog na katawan at habang nasa ganoong posisyon ako ay may narinig akong nag salita sa aking likuran "One shot, one kill!" ang wika nito

Dito ay nakita ko ang alalay niyang si Lesley na naging tao na ulit mula sa pagiging malaking kanyon. Hawak niya ang kanyang sniper na baril at naka tutok ito sa akin.

Ini angat ko ang aking kamay na may hawak na baril at ipinutok ito sa kanyang mukha. "Watch your back!!!" ang sigaw ko pa..

Sabog si Lesley! Natumba ito at napa handusay sa tabi ni Super Beki.

Habang nasa ganoong posisyon ako ay may isa namang kaluskos ang aking narinig sa di kalayuan.

Itinutok ko ang aking baril doon..

Dito ay nakita ko ang announcer kanina na gumagapang na duguan habang inaabot ang kanyang mikropono.

Noong mahawakan niya ito ay nag salita ito ng ubod ng lakas..

"VICTORY!"

At saka muling namatay..

Tahimik..

Nag simulang mahawi ang dilim sa kalangitan.

Ako naman ay napatigtig lang sa bumubukang liwanag na nag mumula dito..

Maya maya nawasak ang aking kalasag at bumalik ako sa pagiging si Nai..

Tumumba ang aking katawan sa lupa at pumikit ang aking mga mata..

Itutuloy..

Super Panget (BXB 2018)Where stories live. Discover now