SP Part 29: Labanan ng Kagandahan

Magsimula sa umpisa
                                    

Napausad paatras ang kanyang paa dahil halos lumubog na ito sa lupa..

Ilang sandali rin siya sa ganoong pag pigil hanggang sa nakuha na niya ang kontrol. Iniaangat niya sa itaas ang higante bala at sinipa sa ibang direksyon at doon ito sumabog.

Nag liwanag ang paligid..

Yumayanig..

Ngunit hindi pa doon ng tatapos ang lahat. Lumipad pa si Ganda at ibinukas ang kanyang metal na bagwis. Kahit may pinsala na ito ay nagawa pa niyang paunlanan ng bala ang kalaban. Libo libong bala kada segundo. Walang humpay at walang patawad. Paki wari ko ba ay nanonood ako ng isang holiwood movie sa aking nasasaksihan.

Hindi ininda ni Beki ang tama ng baril sa kanyang buong katawan. Nag tatakbo ito patungo sa kanyang katunggali at saka lumundag ng mataas sa hangganang maabot ang kaaway.

Nag abot silang dalawa at dito ay pinaulanan na ang suntok ni Beki ang kalaban. Halos wala na silang paki alam kung masira na ang buong paligid. Natural ay nakalalamang parin si Super Beki sa pisikal na lakas dahil kahit pag bali balitarin ang mundo ay lalaki pa rin siya na may malalakas na kamao. Ngunit gayun pa man ay hindi mag papatalo itong kalaban niya dahil sige pa rin ang pag ulan ng bala sa paligid at direkta itong tumatama sa kanyang kalaban.

Sumabog ang paligid at kapwa sila napa atras sa isa't isa. Pagod na pagod at parehong sugatan.

"Ang isa sa kanila ay kailangan mamatay. Ang tatlong super enemy ay mag kakaaway rin. Hindi sila maaaring mag abot abot, kundi ay malaking gulo. Ang dalawang iyan ay may kakayahan nang wakasan ng iyong mundo." ang wika ni Sin.

"Ano ang dapat kong gawin?" tanong ko.

"Dalawang bagay ang dapat mong gawin. Sumali sa away nila at tapusin sila ng sabay. O mag paka talino ka, mag hintay at wakasan ang natitira. Ngunit sasabihin ko sa iyo na ngayon pa lang ay may nakamasid ring isa pa mula sa malayo. Nag hihintay na matapos ang labanang ito sa pagitan ninyong tatlo." ang wika sagot niya kaya naman napatingin ako sa kalangitan at dito nga ay may kulay pulang sinag na ang gumuhit. Mabilis na halos kisap mata lamang.

"Dumating na si Super Pogi. Mukhang mula dito ay magiging mahirap na ang lahat!"

"Kaya kinakailangan ay matapos na ang dalawang ito!" ang tugon ko sabay tingin sa dalawang mag kalaban.

Mag kalayo sila ng distansya at mukhang sa pag kakataong ito ay ibubuhos na nila ang kanilang lahat ng lakas isang atake. Kapwa nag liwanag ang kanilang katawan.

Ang kay Beki ay kulay Berde at ang kay Ganda naman ay kulay Dilaw..

Itinutok ni Ganda ang kanyang sandata sa direksyon ni Beki at sa pag kakataong ito ay kakaiba ang kulay ng bunganga ng kanyang armas kulay itim na ito at puno puno ng enerhiya.

Sa kabilang banda ay mas lalo pang lumaki ang katawan ni Super Beki! Mas malaki pa kaysa sa dati.

Tahimik..

Nag simula silang gumalaw na animo suspended animation sa aking paningin..

Tumakbo si Beki patungo kay Ganda. Ang kanyang bawat yapak ay lumilikha ng pag yanig at mag angat ng lupa. Ang kanyang katunggali naman ay naka tayo lamang sa kanyang kinalalagyan at nag sisimulang mag karga ng lakas.

Maya maya sumabog ang sandata ni Super Ganda na sinalubong ng katunggaling si Super Beki.

Nag salubungan ang dalawang mag kaibang kulay ng liwanag. Isang dilaw at isang berde. Walang nakaka alam kung sino ang mananaig.

Halos masira na ang buong siyudad. Ang kanilang pinag lalabanan ay halos abo na rin at malalim na ang pag kakahukay ng lupa.

Lumakas ang pwersa ng hangin at gayon rin ang pag bagsak ng lahat sa paligid..

Super Panget (BXB 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon