SP Part 6: Sa Bingit ng Sumpa

Start from the beginning
                                    

Tumayo rin si Rui. "Teka, ihahatid na kita sa school."

"HUWAG NA!" ang sigaw ko dahilan para magulat si mama "Ah e ang ibig kong sabihin ay huwag na dahil may mga taxi naman."

"Nai, mag pahatid kana sa kuya mo. Huwag matigas ang ulo." suway ni mama kaya naman wala akong nagawa kundi ang sumang ayon.

Iyon nga ang set up, pinag drive ako ni Rui papunta sa campus. Wala naman kaming kibuan dahil ang aking atensyon ay nasa labas lang ng bintana. Siya naman ay abala sa pakikinig ng rock song sa stereo ng kanyang sasakyan at kung pinsan ay sinasabayan pa niya ito.

"Galit ka pa rin ba sa akin? Nag s-sorry naman ako. Nabigla lang talaga ako kagabi kaya nagawa ko iyon."

Hindi ako kumibo..

"Susunduin ulit kita mamaya, wala naman akong klase. Nasa bahay lang ako buong mag hapon." ang wika pa niya pero wala siyang natanggap sa sagot mula sa akin.

Nag kibit balikat na lamang siya bagamat ramdam niya na galit pa rin ako sa kanya dahil lalong nangitim ang sinuntok niya sa aking mukha.

Agad akong natungo sa hallway at dito sinalubong ako nila Tex. "Anyare sa mukha mo? Saka bakit hindi bumaba yung kuya mo?" ang tanong nito

"Ginawa niya akong punching kagabi dahil nalaman niya na galing sa sementeryo yung bulaklak na ibinigay ko sa kadate niya."

"Ikaw naman kasi e, sabi ko na sa iyo na gusot ang gagawin mo pero itinuloy mo pa rin." tugon ni Tex

"Atleast nasira ko ang moment niya. Okay na sa akin iyon. Maka ganti man lang sa kasamaan niya sa akin."

"Naka hanap ka lang ng katapat sa katauhan ng kuya mo." pang aasar niya.

"Sisiguraduhin ko na maliligwak siya sakin! Hindi mag tatagal babaligtad ang mundo namin at siya naman ang itutumba ko." sagot ko naman.

Habang nasa ganoong pag lalakad kami sa hallway ay naka salubong namin ang ilang guro at lahat sila ay hinahanap ako na tila may problemang hindi mo mawari. "Master Nai, kanina ka pa namin hinahanap." entrada nila.

"Bakit naman? Anong mayroon?" tanong ko.

"May nag eenrol kasi doon sa admin office." ang wika ng isa

"Oh edi puntahan nyo at asikasuhin." tugon ko naman.

"Eh ang problema ay hindi siya ganoon ka presentable." ang wika nila na nag aalinlangan.

"Panget? Edi paalisin ninyo! Alam nyo naman na bawal ang panget dito sa campus!" tugon ko

"Hindi siya matinag at talagang desidido siyang dito mag enrol." tugon ng isang guro kaya naman ako na mismo ang humarap sa nag eenrol upang wasakin ang kanyang pangarap na maka pasok sa eskwelahan na exclusive lang para sa mga maganda at gwapo.

Pag dating sa administration office ay naabutan ko nga ang isang babaeng manang na naka upo sa sofa. Tama nga sila hindi kagandahan ang kanyang anyo at ang mukha ay nag nananak pa sa dami ng taghiwat.

"Ngii" ang bulong ko sa aking sarili na parang umakyat ang kilabot sa aking ulo dahil hindi ko gusto ang aking nakikita.

"Hindi pwedeng mag enrol dito. Marami namang ibang school. Doon ka nalang mag punta." bungad ko.

"Wag naman po sir. Pangarap ko po talaga na dito mag enrol. Kaya nag ipon ako ng pera para makapag aral." wika niya.

"Doon mo nalang dalhin sa ibang school ang pera mong inipon. Hindi ka talaga pwede dito dahil lalaitin ka lang at kukutyain, ibibilad sa araw at susunugin ng buhay." pananakot ko.

"Okay lang po sir, sanay naman akong kinukutya at pinag tatawanan. Pangarap ko lang talaga na mag aral dito. Please." ang pag papaawa niya.

"Eh hindi nga pwede! Hindi pwede ang panget dito. Yang mukha mo ay nag nanaknak pa, at yang pimples mo ay puro nana. Wag kana dito please lang sa iba ka nalang." ang wika ko naman habang napapa ngiwi sa pandidiri. Umaakyat talaga ang kilabot sa aking katawan, malamang ay hindi ako makatulog mamaya nito ng maayos.

"Sir, please naman po. Pangarap ko ito, huwag niyo naman ako biguin." ang wika niya sabay luhod sa aking harapan.

"Bakit kasi dito mo pa gusto? Sa iba mo nalang dalhin ang pangarap mo. Huwag ka nga lumuhod sa harapan ko, huwag mo akong hawakan. Gusto mo bang barilin nalang kita ng shot gun sa mukha para matapos na ang pag hihirap mo?" ang hirit ko.

Tawanan ang mga tao sa paligid.

Pero hindi natinag ang babaeng nag pupumilit sa kanyang nais. Hinawakan niya ang aking damit at labis na nag maka awa. "Sir please. Payagan niyo na ako. Parang awa niyo na."

"SINABI NANG HINDI PWEDE!! PANGET KAAA!!" ang sigaw ko sabay tulak sa kanyang katawan dahilan para masusob ito. "Kung hindi ka lalabas ay ipapakaladkad kita at ipapatapon sa plaza para sunugin ng buhay!!" dagdag ko pa.

Agad namang lumapit ang mga guwardiya at binitbit ang babaeng nag eenrol. Nag kahulog ang kanyang mga dokumento at ilang perang pambayad.

Maya maya ay napatingin siya sa akin at nag wika "DALAWA"

Napakunot ang aking noo at kasabay noon ang pag sikip ng aking dibdib. Nag init ang aking katawan at ang parang sinikmuraan ako na hindi mawari dahilan para mapaluhod ako.

Ibayong sakit ng katawan at kalamnan ang aking naramdaman habang hindi ako makahinga ng maayos. Nag pagulog gulong ako sa lupa ngunit ayaw umayos ng aking pakiramdam.

"DALAWANG PAG KAKAMALI!!" ang wika ng babae at mas lalo pang nanikip ang aking dibdib.

Nag kagulo na sa opisina at dito ay naramdaman kong binuhat nila ako para dalhin sa ospital.

Wala na akong natandaan pa..

Itutuloy..

Super Panget (BXB 2018)Where stories live. Discover now