EPILOGUE

1.5K 38 27
                                    

DRAKE

"Bakit bumaba ang average mo sa grading na ito, Drake? From 98 to 96? What happened?" ang mama niya habang kunot-noong winawagayway sa kanyang harapan ang kanyang class card.

He thought that his mother would just let that pass. Dalawang puntos lang naman iyon at hindi naman naapektuhan ang kanyang class standing. He's still the top of his class. Ang sumunod sa kanya ay limang puntos na mas mababa. But for his mother it's like a mortal sin. It's either he maintain his high grades or aim for higher. Iyon lamang ang magiging katanggap-tanggap para dito.

It's hard when your parents are both achievers. Sa murang edad ay dama na niya ang pressure sa kanyang mga balikat na higitan o pantayan man lang ang narating ng mga ito. Kung sana'y tulad ng nakababata niyang kapatid na si Belle ay kaya niyang isawalang-bahala ang expectations na maging pinaka-magaling, mas madali siguro ang kanyang buhay. But he's the first born in the family and was expected to inherit the construction company that his father worked hard for. It's not enough that he's good, he must be the best.

"Siguradong dahil sa pagba-basketball mo ito, e. Malamang kinakain ang dapat oras mo ng pag-aaral dahil sa practice. Wala ka namang mapapala sa basketball na 'yan, Drake! Hindi iyan makakatulong sa'yo balang-araw!" patuloy na litanya ng kanyang ina.

Nakaramdam siya ng kaba dahil doon. He likes basketball as much as his studies. Ibang klaseng thrill at saya ang nararamdaman niya kapag nasa loob ng court at naglalaro. Thrill na hindi niya natatagpuan kapag naka-upo sa study table kaharap ang kanyang mga libro.

"Babawi na lang ako sa susunod na grading, ma. Pangako," he assured his mother.

"Siguruhin mo lang, Fredrick. Dahil oras na mas bumaba pa rito ang marka mo ako na mismo ang kakausap sa coach mo para alisin ka na sa basketball team." Pagkasabi no'n ay tumalikod na ito at lumabas sa kanyang kuwarto.

So for the next grading he did his best. Totoo rin naman ang sinabi ng kanyang ina. Naging abala siya practice dahilan para mabawasan ang oras niya sa pag-aaral. Ngunit sa takot niyang totohanin nito ang banta sa kanya ay mas d-in-oble niya ang oras ng pag-aaral sa gabi kahit pa pagod pagkatapos ng practice para sa laro. Hindi niya kayang pakawalan ang pagba-basketball.

Bukod doon ay ayaw niya ring nakikitang nadi-disappoint sa kanya ang mga magulang. Kaya hangga't maaari ay gagawin niya ang lahat ng makakapagpasaya sa mga ito. Like any other child, he wants his parents to be happy and proud of him.

"Congratulations, Mrs. Lagdameo. Si Drake na naman po ang top 1 ng kanyang batch sa taong ito. May mga special awards din po ang ipaparangal sa kanya sa recognition day. You really have a very smart son," naka-ngiting sinabi ng kanyang adviser sa kanyang mama noong mag-meeting.

His mother smiled proudly. Masaya siyang makita ang reaksiyon nito. Istrikta man ang kanyang ina sa kanya ay hindi maikakaila kung gaano niya ito kamahal at pinapahalagahan.

"Thank you, ma'am."

Nang harapin ng adviser ang iba pang magulang doon ay saka siya binalingan ng kanyang mama. Kontento ito'ng tumango-tango habang pinagmamasdan ang kanyang class card.

"You really did it, son. Sana hindi na muli pang bumaba ang grades mo lalo na't magfo-fourth year ka na at malapit nang magtapos."

He nodded. "I'll always do my best, ma."

"You should. At siguro naman naiintindihan mo kung bakit mahigpit ako sa pag-aaral mo, Drake? It's for you. So people will never look down on you. Kahit pa mahirap ka, kung matalino ka at maabilidad, madali mong makukuha ang respeto mula sa ibang tao," anito. "Lalo na kung ikaw na ang papalit sa puwesto ng iyong papa at magpapatakbo ng kompanya. It's inevitable that there are people who will question your abilities. You have to gain their trust. Tanging ang edukasyon at kakayahan mo ang susi para pagkatiwalaan ka nila, Drake."

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon