CHAPTER 64

659 26 27
                                    

"Can you answer me properly, Erika? How did you know Shirley? Ang sinabi niya ay ngayon lang sila nagkakilala ni Fredrick! Paano kayo magkakilala?!" dumagundong muli ang tinig ng ina ni Drake. Bakas ang iritasyon sa mukha nito.

Ngumisi si Erika na tila ba hindi alintana ang galit na namumuo sa tiya. While she was petrified and it made her unable to move. Hinila siya ni Drake patungo sa likuran nito. Wala siyang nagawa kung hindi ang magpatangay.

"You were fooled, Tita! Like Drake and I, Shirley came from St. Thomas High. And she has quite a reputation in that school!"

"What?!" si Mrs. Lagdameo na halata pa rin ang hindi pagkapaniwala at pagkalito.

"Tumigil ka na, Erika! It's been years. Why do you have to bring it all up now?" si Drake.

Walang nagsasalita ninoman kanila Cedes at sa pamilya nito. Bakas sa anyo ni Belle ang pag-aalala samantalang ang ama ni Drake ay tahimik na nago-obserba. Hindi niya malaman kung ano'ng naglalaro sa isipan nito.

Hinarap siya ng ina ni Drake. Kahit pa pilit itinatago ng malaking bulto ng huli, nagtama ang tingin nila ng mama nito. Nahihiya siyang nagbaba ng tingin. "You lied to us, Shirley? Bakit kailangan mong gawin iyon?!"

"Oh, of course, tita. Maybe Shirley doesn't want you to ask about high school. She's done a lot of terrible things in the past. Oras na malaman mo ang lahat, nasisiguro kong ngayon mismo ay gugustuhin mong palayasin ang babaeng iyan!"

"Erika!" pinigil niya si Drake sa braso nang akmang hahakbang ito palapit sa pinsan.

"Drake...please..." mahina niyang sinabi sa kabila ng nanginginig na mga labi.

Ngunit mukhang wala sa plano ni Erika na tumigil. She doesn't expect her too. Drake's cousin loathes her so much for some reason. Siguradong susunggaban nito ang bawat pagkakataon para mailugmok siya.

"Shirley is a troublemaker and a notorious bully back in high school, tita Caridad. Mauubusan tayo ng oras kung iisa-isahin ko ang lahat ng pinaggagawa niya at ng patapong mga kaibigan niya sa estudyanteng mapagti-trip-an nila. Her grades were also constantly low kaya siya laging nasa pinaka-mababang section napupunta. Siya rin ang pinaka-sakit ng ulo ng mga teachers sa St. Thomas. The reason why she's not being kicked out despite all that is because her tito is the school principal. Napunta pa siya sa first section at naging kaklase namin dahil ulit sa impluwensiya ng tito niya!"

Umawang ang labi ng ina ni Drake habang pinakikinggan ang lahat ng iyon. She felt so ashamed of her past. Habang binabanggit ni Erika isa-isa ang mga iyon, bumabalik din sa kanya ang nakaraan. And she realized that no matter how hard she tried to become a better person, her mistakes will never be erased.

She hurt a lot of people. Dahil nang mga panahong iyon, iyon lamang ang paraang alam niya upang maibsan ang pagkamuhi at sakit na umaapaw sa kanyang sistema. Maybe, after all, she deserved all the hardships she's been through. Karma niya ang lahat ng iyon para sa masasamang bagay na nagawa niya noon.

"Erika—"

"You shut up, Fredrick, and let your cousin tell me everything!" putol ni Mrs. Lagdameo kay Drake nang pahihintuin muli si Erika.

Hinila niya rin ang mga braso ni Drake mula sa likod para pigilan. "L-Let her, Drake."

Bumagsak ang mga balikat ni Drake matapos ng isang marahas na singhap. "We're leaving—"

"Shirley is also the reason why Drake got in trouble before, tita! Remember when he got involved in a fight? Kauna-unahang beses iyon hindi ba?! Drake was never violent. At hindi niya rin ako inaaway noon until he met Shirley! It's all because of Shirley, Tita, Tito. Nahawa si Drake nito! Siya rin ang dahilan kung bakit naghiwalay si Allie at Drake! Nilandi ni Shirley si Drake!"

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now