CHAPTER 31

1.3K 46 18
                                    

Nagpasalamat na lang siya na ang paghaharap nilang iyon ni Drake ang naging huli para sa linggong iyon. Mukhang naging sobrang busy nga talaga nito. O baka tulad niya ay sadya na lang umiiwas dahil wala na ito sa mga lugar kung saan madalas niya ito'ng makita. Kahit sa daan niya patungo sa classroom niya sa Engineering building ay hindi niya na rin ito mahagilap.

Not that she wanted to see him, though. Napansin niya lang dahil nga nasanay na siya na madalas silang magkita kung saan-saan.

Papasok siya sa klase niya kay Donny nang mapansin ang mga lalaking kaibigan ni Drake sa usual na tambayan ng mga ito. Saglit na nahagip niya ng tingin sina Brace, Christopher at Tope habang tila may inaabangan sa entrance ng building.

Saglit na tila huminto ang puso niya sa isiping baka naroon din si Drake pero wala. Even Mercedes and the other girl in their group aren't there. Nagmadali na siya sa paglalakad bago pa man dumating ang lalaking iyon doon. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakalapit sa elevator nang harangan siya nila Tope...

"Hi, Shirley," naka-ngiting bati ni Tope sa kanya. His chinky eyes became smaller.

Tinugunan niya ang ngiting iyon. Ngayong alam niyang wala si Drake dito at baka abala iyon sa kung ano'ng bagay ay bahagyang kumalma ang kanyang puso. "Hello," bati niya kay Tope at sa mga kasamahan nito. "May kailangan kayo?"

"Ah, si Tope lang," ani Brace sa kanya. Lumilitaw ang maganda at malalim na dimples dahil sa pag-ngiti. Tinapik nito sa balikat si Tope na bigla ay naramdaman niya ang pagka-tensiyon.

"Shirley...kasi..." nangingisi ito'ng nag-iwas ng tingin sa kanya.

Tinabingi niya ang kanyang ulo sa paghihintay ng nais nitong sabihin. Sina Christopher Pesayco at Brace ay lihim na nagtatawanan sa likod ni Tope. Para bang pinagtatawanan nito ang halatang nahihiya na si Tope.

"B-Birthday ko kasi sa...Sabado. I-Invite sana kita. M-Magba-basketball muna tapos may handaan sa bahay. Kung...kung okay lang sa'yo?" nakikitaan niya ng sobrang taas na pag-asa ang ekspresyon ni Tope habang tinitignan siya at hinihintay ang kanyang sagot.

Sa isip niya ay alam niya na ang dapat na sabihin. Siyempre, hindi! Umiiwas nga siya kay Drake 'di ba? Pero paano niya ba tatanggihan ito ngayon? "N-Nako, may klase ako sa Sabado!"

"Ha? 'Di ba kalat na sa bulletin board na No Classes sa Saturday? May isang araw na seminar na dadaluhan ng lahat ng professors ng Castillan," ani Brace.

Linsiyak na buhay 'yan, oo nga pala! "May...gagawin nga pala ako! Nako, sayang. Kung hindi lang sana Sabado." Kinagat niya ang likuran ng kanyang labi dahil sa pagsisinungaling.

"Puwede naman ilipat na lang sa Linggo? Kailan ka ba puwede?" tanong muli ni Tope.

"I-Ililipat mo ang date para lang makapunta ako?" hindi niya mapigilang itanong dahil sa pagkabigla.

Bumagsak ang mga balikat ni Tope dahil doon. Muli ay para ito'ng nahiya na salubungin ang mga mata niya.

"Thursday pa lang naman ngayon Shirley. Baka naman magagawan mo ng paraan. Linggo din kinabukasan no'n kaya marami ka pang oras. Regalo mo na dito sa kaibigan namin," ani Christopher sabay akbay kay Tope na hindi na umimik.

Kung hindi lang maaaring makita ang reaksiyon niya ay baka napangiwi na siya! Kaibigan ni Drake ito! Paniguradong magpupunta din ang lalaking iyon sa handaang iyon at magkikita na naman sila! Paano ba 'to?

"Sige okay lang, Shirley. Baka nga busy ka talaga. Naiintindihan ko. Hindi naman ako puwedeng mamilit. Punta ka na sa klase mo. Pasensiya na sa abala namin sa'yo," mayamaya ay sabi ni Tope sa kanya. Ngumi-ngiti ito pero halata namang pilit. Ang mga mata pa nito ay nakikitaan niya ng purong disappointment.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon