CHAPTER 4

728 31 5
                                    

Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ay tinupad ni Baste ang pangako nito sa kanya. Ngunit nag-surfing na muna sila. Tinuruan siya nito sa kung paano bumalanse sa ibabaw ng board at sumakay sa mga alon.

Kaso hindi niya iyon makuha at palagi siyang nawa-wipe out. Lumilipad kasi ang isip niya sa ibang bagay. Sa sinabi ni Baste sa kanya kanina habang kumakain sila doon sa restaurant. Nagi-guilty ito dahil sa tingin nito ay inagawan siya ng magulang?

She can't help but smile inwardly. Gaya ng sabi niya dito kahapon ay hindi siya nagagalit nang dahil doon. Nang dahil lang sa mas pinili ni Rachel na maging nanay dito kaysa sa kanya. Iyon ang katotohanan.

It was Rachel's choice. Lahat ito ay piniling mangyari ng kanyang ina kaya wala ito'ng kinalaman doon. Nakakatuwang isipin na nagi-guilty ito sa ganoong bagay. Si Baste na inakala niyang sensitive at walang pakealam sa paligid ay hindi naman pala talaga manhid.

Nang sumapit na ang hapon ay saka sila nag-ATV. Iyon ang pinaka-paborito niya sa lahat ng ginawa niya maghapon. Si Baste nga lang ang nagmaneho dahil hindi pa siya marunong. Naka-ilang beses na ikot sila sa resort dahil sa request niya.

Tatawa-tawa siya nang maibalik na ang ATV. Malapit na mag-sunset.

"Ang saya naman no'n! Gawin ulit natin iyon ha!" pangungulit niya dito habang naglalakad sila. Hindi niya alam kung may pupuntahan pa sila o pauwi na. Mukhang nalibot naman na nila ang buong lugar. Masakit na nga ang kanyang paa.

"Huwag mo'ng sabihin na araw-araw tayong sasakay doon?"

"Bakit? Bawal ba?" nag-aalala niyang tanong.

"No. I mean, hindi ka ba magsasawa?" nangingisi nitong sabi.

"Ang saya kaya! Ha? Let's do it again!"

"Fine!" nailing ito pagkatapos pumayag.

Nagtungo sila sa tabing-dagat. Naupo si Baste sa isa sa mga sun loungers doon at tumingin sa kanya, "Pahinga muna tayo bago umuwi."

Tumango siya at nagtungo sa kabilang sun lounger na naroon. Binuksan na ang torches sa tabing-dagat dahil sa unti-unting pagdidilim ng langit. Wala na masyadong nagaganap sa dagat at ang mga tao ay nakatambay na lamang sa buhanginan para siguro magpahinga tulad nila ni Baste.

Hinaplos niya ang bracelet na suot. Ngayong wala na silang pinagkaka-abalahan ay lumipad na naman sa Maynila ang isip niya. She stopped holding her bracelet when she realized something.

"Ano'ng date ba bukas Baste?" tanong niya dito. Hindi inaalis ang tingin sa bracelet.

"April 1."

Drake's birthday. They were both April babies. April 5 naman ang birthday niya. Her heart constricted in pain. She can't even greet him a 'Happy Birthday'. Kung sabagay. Hindi din naman siya sigurado kung tatanggapin nito iyon.

Pinilig niya ang ulo. Stop it, Shirley. You're not helping yourself.

"Paano mo nalaman na 'Love' ang ibig sabihin ng nandito sa bracelet?" tanong niya ditong muli.

"I'm a tattoo artist. Ang Chinese character na iyan ang madalas na ipa-tattoo sa'kin ng mga guests kaya alam ko'ng 'Love' ang ibig sabihin niyan."

Nawala sa isip niya ang kanina'y problema at napalingon dito. This is news! "T-Talaga? Tattoo artist ka?"

Tumango ito. "Iyon ang trabaho ko dito maliban sa mga gig ko sa restobar. Pagkatapos kong pumasok sa school, iyon ang pinagkaka-abalahan ko."

Namangha siya sa kaalamang ito! He's an artist! "Can I see your tattoo shop then? Kung saan ka nagta-trabaho?"

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora