CHAPTER 52

1.4K 31 24
                                    

DRAKE

He inhaled her scent to calm himself down. The beating of his heart is still rapid and harsh. He had a nightmare. Napanaginipan niyang iniwanan siya ni Shirley. At nang magising siya't hindi ito matagpuan sa kanyang tabi, lalo lamang siyang natakot at nag-panic. He almost ran outside their unit with bare feet if she hadn't stopped him.

"Kanina ka pa ba gising? Why didn't you wake me up, baby?" tanong niya.

Naamoy niya ang bango ng nilulutong pagkain. How he missed eating food cooked by Shirley. Ang luto ng mama niya at ang luto nito ang pinaka-paborito niya sa lahat.

"You need to rest. Buong magdamag ka yatang gising dahil sa paggamot mo sa pasa ko."

Sa pagbanggit no'n ay naalala niya ang nangyari kahapon. Inilayo niya ang sarili upang tignan ang pasa sa panga nito. Hindi iyon sobrang nangitim ngunit dahil sa napaka-puting balat ni Shirley ay mas lalo iyong naging halata.

Anger boiled inside him. Bigla ay parang gusto niya muling sugurin at saktan ang mga lalaking may gawa nito kay Shirley.

"Does it still hurt, baby?" malumanay niyang tanong kahit na unti-unti nang gumagapang sa sistema niya ang galit.

Shirley coughed at his question. Her cheeks turned bright pink as she looked away from him. "H-Hindi na."

Tinitigan niya ito at halos hindi dumaan sa kanya ang galit nang palitan ito ng ibang pakiramdam nang may mapagtanto. This woman will really kill him!

"Walang masakit? I mean..." sadya niyang pagbitin sa tanong.

Mas lalong namula si Shirley! She looked so adorable! Umiling ito at hindi na niya napigilan ang sariling ilubog ang mukha sa leeg nito. This is his favorite part of her. Well...every part of her body is his favorite.

"You're driving me crazy, baby. I love you so much, Shirley," at hindi siya mapapagod ulit-ulitin ang katotohanang iyon dito.

They ate breakfast as he continued treating her bruise. Pinagalitan pa siya ni Shirley dahil sa pagtuon niya doon ng pansin kaysa sa pagkain.

Well, she couldn't blame him why he wanted that bruise to disappear immediately. Dahil tuwing nakikita niya ang pasang iyon na dumungis sa makinis nitong balat ay bumabalik ang matinding galit sa kanyang sarili at pagsisisi.

"I should be blamed for this. Kung hindi ako nag-selos at nagalit sana—"

"Drake, tapos na iyan hindi ba? Wala nang rason para balik-balikan iyan. Magkasama na ulit tayo at iyan lang naman ang nangyari sa'kin."

He couldn't understand why it was easy for her to forgive. Hirap nga siyang ibigay ang pagpapatawad sa sarili niya dahil sa mga nangyari. The way he treated her before is just unforgivable.

"But I can't think of this lightly. Why are you even alone there? Bakit hindi pa dumadating ang papa mo?" hindi ba dapat ay naroon ito kasama ng bagong pamilya nito? O nandoon pa rin sa probinsiya? Hanggang kailan naman ang mga ito doon?

"And...Sebastian...w-why is he...not there...with you?" tanong niya. Sinusubukang huwag maapektuhan kahit na awtomatiko na ang selos na nararamdaman niya tuwing napapag-usapan ito.

"Umuwi na si Sebastian sa Palawan noong Linggo pa. Hindi rin siya sa bahay natulog." Oh, thank God! Pigil niya ang kanyang ngiti. Not because I'm happy with that information, though. Masaya lang talaga siya na kasama niya si Shirley.

Yeah, right.

"I asked him, though. Para hindi na siya gumastos pa. But he declined. Sabi niya ayaw niyang may maisip ang iba tungkol sa'min kung doon siya matutulog."

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now