CHAPTER 30

1.4K 50 14
                                    

HAPPY JAILENE DAY!

------------------------------------------------------------------------------------

Ginamit niya ang likuran ng kanyang palad para punasan ang kanyang luha. Ilang taong dumaraan ang napapalingon sa kanyang direksiyon dahil sa hikbing hindi niya mapigilan. Sinikap niya na lang na huwag salubungin ang naaawang mga tingin ng mga ito sa kanya para ayusin ang kanyang sarili.

Letse! Her tears just won't stop from falling! Kahit ilang punas at palis ang gawin niya sa mga ito ay patuloy iyong bumabagsak. Kahit ilang beses niyang ulitin sa sarili na dapat lamang sa kanya ang ginawa ni Drake at wala siyang karapatang makadama ng kahit na ano ay patuloy niya lang nararamdaman ang sakit sa kanyang puso.

He really insists that she cheated on him with Sebastian years ago and that's the reason why she left and went to Palawan. Hindi rin niya ito masisisi kung bakit gano'n ang paniniwala nito. Naging malapit naman talaga sila ni Baste dito pa lang sa Manila. Hindi rin nakatulong na ilang beses silang naabutan ni Drake na magkasamang umuwi sa kanila.

The last few encounters they had after Allie's accident could've given him that idea too. Lalo na no'ng araw na kastiguhin siya no'ng mga magulang ni Allie at madatnan sila ni Drake na magkayakap ni Baste sa labas ng school. Of course what would he think? Hindi naman niya ito kinausap. Hindi naman siya nagpaliwanag.

At kanina inaamin niyang nagkulang pa rin siya sa mga paliwanag. Like she just denied his accusations without giving a more convincing explanation. It is probably the mocking that she could hear in his tone and that sarcastic look on his eyes. Na parang binibigyan lang siya ng pagkakataong magpaliwanag pero wala naman talagang balak na pakinggan at paniwalaan ang mga sasabihin niya.

Nang tuluyan nang humupa ang kanyang mga luha ay tinampal naman niya ang kanyang noo dahil sa pagka-inis sa sarili. Kung bakit kasi niya ito hinalikan! Iyon naman ang puno't dulo ng lahat ng ito! He only played because she teased her. Hindi naman ito lalapit sa kanya kung hindi siya ang nauna!

"Ate..."

Napalundag siya sa gulat nang may tumapik sa kanya. Binaba niya ang kanyang kamay at tinignan ang isang madungis na batang lalaki na may buhat-buhat na sako sa likuran nito na tingin niya'y kalakal.

"Kakainin mo pa ba 'yan? Puwede akin na lang?" ngisi nito sa kanya.

"Tsk, panira ka naman ng drama." Inabot niya dito ang plastic cup na punong-puno pa ng pagkain. Mula din sa kanyang bulsa ay humugot siya ng bente. "Oh, bili ka ng panulak mo. Pasalamat ka broken hearted ako ngayon kaya mabait ako."

"Salamat, ate ganda!" anito na may malapad na ngisi sa sobrang tuwa.

"Sus. Nambola pa 'to." Kung maganda ako 'di ako iiwanan no'ng ka-date ko. Tumayo siya at tinapik-tapik ang ulo nito. "Umuwi ka na. Gabi na."

Tumango ito sa kanya bago siya naglakad palayo patungo sa terminal kung saan siya sasakay ng jeep pauwi. Nasaan na kaya si Drake? Kasama na kaya nito si Claudia? Alam kaya ni Claudia ang ginawa ng lalaking iyon? Baka pinagku-kuwentuhan siya at pinagtatawanan na ng mga ito ang pagiging uto-uto niya.

Well, at least may mga napapasaya siya.

Umuwi siya sa bahay ng tito niya ng gabing iyon. Nang magising si Nathaniel kinabukasan ay binigay niya na kaagad ang isang bag ng candy na kapalit ng naipon niyang tickets sa arcade kahapon. Pagkatapos ay maaga din siyang nagpaalam para magtungo sa ospital kung saan ang kanyang papa.

Dinala niya ang lahat ng mga gawain niya doon. May tatlong paintings siyang hindi pa natatapos at ngayong parating na linggo na ang submission no'n. Inuna pa kasi niya ang harot kaysa sa projects na kailangang ipasa. Wala naman siyang napala doon.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now