CHAPTER 42

1.1K 38 43
                                    

Humakbang ang kanyang mga paa upang sana ay sundan si Drake. Ngunit nang mahagip niya ang nagkalat na piraso ng cellphone ay naalala niya ang dahilan ng pagtawag ng kanyang tiyo kanina.

Nagpabalik-balik ang tingin niya sa cellphone at sa pintuang palabas sa kanyang kuwarto. Hindi matanto kung ano ang uunahin. Sa huli ay pinili niyang gawin kung ano ang mas mahalaga sa mga oras na ito.

Mabilisan siyang nagbihis. Sa kanyang bag ay nilagay niya ang iilang gamit. Hindi niya alam kung hanggang kailan ang itatagal ng away nila ni Drake ngunit naisip niya nang ilang araw na naman siyang hindi makakapunta dito dahil doon.

Palalamigin muna niya ang ulo nito. Ang sitwasyon. Or maybe the reason why he's so moody right now is because he's sick. Maybe if she'll wait until he gets better, he'll take back all the stupid things he'd said to her a while ago.

Wala pang labing-limang minuto ay handa na siya sa pag-alis. Binuksan niya ang pintuan at sandaling tinitigan ang pintuan ng kuwarto ni Drake. She wanted to check on him before going to the hospital. But she figured he won't like it now. Hindi, matapos nitong sumabog sa matinding galit kanina.

Ang biyahe patungo sa ospital ay naging malabo para sa kanya. Ang tanging naririnig niya sa kanyang isip ay ang naging pagtatalo nila ni Drake kanina.

Hindi talaga siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na ginawa siya nitong papiliin sa pagitan nito at ni Sebastian. Hindi siya makapaniwalang hiniling nito sa kanya na sa oras na piliin niya ito, kinakailangan niyang putulin ang kahit na ano'ng komunikasyong mayroon sila ni Sebastian.

Hindi ba talaga ito maniniwala sa kanya? Hindi ba ito maniniwala na walang namagitan sa kanila ni Sebastian noon at mas lalong walang namamagitan sa kanila ni Sebastian ngayon? Yes, they're close but that's it.

She doesn't kiss Baste the same way she's kissing Drake. She doesn't let any man touch her the same way she's letting Drake. She never has fallen so deeply in love with anyone except for Drake. But he can't see that. Why can't he see that?

Pero masisisi niya ba si Drake? Gaya nga ng sinabi niya noon ay kasalanan niya kung bakit ganyan ang iniisip nito. Isa pa, hindi ba ang dahilan din ng pagtatalo nila nitong nakaraan ay dahil sa hindi niya magawang paniwalaan ang intensiyon nito?

Parehas lang silang dalawa. They were both haunted by each other's past mistakes that's why it was also hard for them to give their full trust to each other. Mukhang nagkamali sila nang ipilit ang relasyong ito. Hindi puwedeng sa isang iglap ay kakalimutan ang lahat na para bang walang nangyari. Nagkamali sila sa parteng iyon. Sana ay talagang inayos muna nila bago sila sumubok muli.

And now it's all breaking apart again. At maging siya hindi sigurado kung sa pagkakataong ito ay malalampasan pa rin nila ni Drake ito. Kita niya sa mga mata nito ang tuluyang pagsuko. Hiling na lang niya na maging ang pagsukong iyon ay lumipas din. Sana hindi iyon seryoso.

"Ma'am, nasa ospital na po tayo."

Napalundag pa siya sa tinig na iyon ng taxi driver. Matagal-tagal na pala siyang nakatulala. Ibinigay niya dito ang eksaktong bayad sa pamasahe bago bumaba sa sasakyan. Habang naglalakad sa loob ng ospital ay tuluyan na ring bumalik kay Baste ang kanyang isip.

What happened to him? Hindi niya na nalaman ang naging sanhi ng aksidente nang putulin ni Drake ang pag-uusap nila ng kanyang Tiyo kanina. She hopes that he's not critical. Sapat na ang nangyari sa kanila ni Drake at ang panibagong pagkabigo sa pagiging kritikal ni Baste ay hindi niya na kailangan.

Diretso ang pasok niya sa private room ng kanyang ama. He's lying on his bed with an oxygen mask on his face helping him to breathe. His thin and sickly figure broke his heart. Mas lalo lamang siyang na-konsensiya na nitong nakaraan ay mas naging abala pa siya kay Drake kaysa sa sariling ama.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now