CHAPTER 35

1.2K 45 26
                                    


Hindi siya makapaniwala sa lahat ng nangyari. Na noong magising siya kinabukasan ng Linggo ay kinailangan niya munang balikan ang lahat para lang masigurong hindi siya nananaginip. Everything just felt so good, surreal even, that maybe it was only a nice dream.

Ngunit hindi iyon panaginip. Nagkabalikan na nga sila ni Drake. Ang bagay na inakala niyang imposibleng mangyayari noon ay natupad. Kaya siguro hindi na siya nagtataka kung bakit ganito na lamang ang hirap niya na maniwala.

Naupo siya sa kanyang kama ng alas-diyes ng umaga. Nararamdaman niya pa ang antok dahil sa pagkapuyat kagabi. Paano ay hindi naman siya kaagad na nakatulog. Sa sobrang lutang at saya niya ay paulit-ulit niya pang nire-replay sa kanyang isip ang lahat ng naganap.

Sa kanyang tabi ay wala na si Nathaniel. Siguradong gising na ito at nasa labas na. Masyado na ngang late para sa agahan. Paalis na siya sa kama nang tumunog ang kanyang cellphone sa bedside table. Dinampot niya iyon at agad na binasa ang mensahe mula sa numerong hindi naka-rehistro.

"Good morning, baby. Tulog ka pa rin? Reply to my texts, please. I miss you. :("

Napa-upo siyang muli sa gilid ng kanyang kama. That's Drake. Sa endearment palang ay kilala niya na. Hindi niya pa pala nase-save ang number nito? Wait, wala naman siyang naalalang nagkapalitan sila nito ng numero. They're busy...well, they're so busy yesterday doing other things.

S-in-ave niya ang numero nito sa kanyang contacts. She checked his other messages too. Mayroong text kagabi at ilan ngayong umaga. May nakita rin siyang mensahe na medyo matagal na. Binasa niya na muna iyon.

"Where are you? This is Drake. I'm sorry. Bumalik ako at hinahanap kita sa kung saan kita iniwan. Hindi na kita makita. Nakauwi ka na ba? Please, reply immediately. Pupunta na ako sa inyo ngayon. Let's talk. I'm really sorry, Shirley."

That was sent weeks ago. Noong mismong araw ng kanilang date kung kailan siya nito iniwan! So, he really did come back for her? Nakita niya na ang numerong ito noon na nag-text sa kanya ngunit naiwala na sa kanyang isip kaya hindi niya na binasa. Galing pala ito kay Drake.

"Morning. I just woke up. Ligo at kakain lang ako. I miss you too :)" ngumiti siya at iniwan na ang cellphone sa gilid ng kanyang kama. Inayos niya ang comforter at mga unan bago nagtungo sa kanyang closet upang kumuha ng damit at tuwalya.

Ganitong oras ay nasa ospital na siya tuwing linggo. Magtutungo muna sila ng kanyang tiyo, tiya at ni Nathaniel sa pinaka-maagang mass sa simbahan bago sila tutulak sa ospital. Iiwanan nila si Nathaniel dito sa bahay at sila ang hahalili kay Martha sa pagbabantay para makasama naman nito ang anak.

Hindi niya alam kung natupad pa rin ba iyong samba kahit late na o nasa labas lamang ang tito at tita niya na hinihintay ang kanyang paggising. Her phone beeped again. Ngunit sa halip na pansinin iyon ay naligo muna siya at nagbihis.

Tinutuyo na niya ng tuwalya ang buhok nang muling tignan ang kanyang cellphone. Bihira siya kung mamansin ng text pero, kahit noon, tuwing alam niyang galing iyon kay Drake ay parang may mga nagliliparang paru-paro sa kanyang tiyan at hindi siya mapakali.

"Okay. Eat your breakfast first. What are you going to do today?" reply ni Drake sa kanya.

Sasabihin na sana niya ang kanyang plano nang may mapagtanto. Hindi pa nga pala alam ni Drake ang tungkol sa kondisyon ng kanyang ama. Should she tell him? Why? Does it matter if Drake knows about it or not? It just...it doesn't concern him anymore?

Ngunit sa kabilang banda ng kanyang isip at tinatanong niya ang kanyang sarili. Bakit kanila Marj ay madali niya ito'ng nasabi? Bakit kay Donny ay ganoon din? Marahil ang takot at pag-aalinlangan sa katotohanan ng mga pinapakita ni Drake ang dahilan nito. What if this is all still a show? What if Drake's still after his revenge?

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now