CHAPTER 38

1.7K 49 16
                                    

New set of toothbrush, towel and other personal necessities. Kumpleto ang lahat ng iyon sa ibabaw ng kanyang kama! Maging ang damit na pamalit at underwear ay mayroon na. Seriously, Drake just went a little overboard. Nilibot niya ang paningin sa kuwartong sinabi nitong ito pa ang personal na nag-ayos at mas lalo lamang nailing.

Hindi niya matanto kung macu-cute-an ba sa lalaking iyon o ano. Ang buong akala niya ay nasa sukdulan na ang maaari nitong gawin nang malaman niyang noon pa palang simula ng pasukan siya nito hinahatid sa kanila at hindi lamang nagpapakita sa kanya hanggang sa nangyari ang lahat ng ito!

Dinampot niya ang mga gamit at lumabas na ng kanyang kuwarto. Tinaboy niya si Drake kanina at ngayon nga ay nasa kuwarto na nito. Tahimik na sa sala dahil sa nakapatay na TV at dim na ang mga ilaw roon.

Pumasok siya sa banyo at nagsimulang maglinis ng katawan.

The thought of living with Drake...excites her. Alam niyang kahit gaano niya itanggi ang katotohanang iyon ay iyon ang kanyang nararamdaman. Pero hindi niya rin maiwasang mabigla at mag-panic. If you decide to move in and live with the person you're dating, hindi ba parang...papunta na iyon sa isang seryosong bagay?

At natatakot siya doon. Hindi niya alam kung bakit ngunit may mga pangamba sa kanya. Ang inisip niya lang noong magkabalikan sila ni Drake ay magiging katulad ng noon ang relasyon nila. She never expected that he wanted them to be this serious.

Kailangan niyang kausapin si Marj tungkol dito. Maybe she's just overthinking? Siguro naman wala talagang masama dito sa nangyayari. Hindi nga ba't nakatira na rin si Marj at si Paul sa iisang bubong? Siguro ay siya lang ang nagpapa-big deal nito. Hindi niya alam na sa kaibuturan pala niya ay medyo may pagka-konserbatibo pa rin siya.

Talaga? Pagkatapos mo'ng halos hipuan 'yung abs ni Drake kanina?

Iniling niya ang ulo at nagpatuloy sa pagsa-shampoo ng kanyang buhok. In-on niya ang shower at hinayaan ang bula na lumagaslas sa kanyang katawan. Napalingon siya sa isang metal rack sa gilid at nakita ang isang mamahaling shower gel. Tingin niya'y iyon ang ginagamit ni Drake.

Isang kabaliwan ang pumasok sa kanyang isip. Pinindot niya ang ulo no'n upang mahulog ang gel sa kanyang palad. Inamoy niya ito at ito nga ang naaamoy niya sa balat ni Drake! Ginamit niya iyon sa kanyang katawan. Sana lang hindi siya singilin nito.

Matapos maligo at nagsipilyo siya at tinuyo ang sarili sa tuwalya. Sinuot niya ang isang dilaw na camisole at pink na cotton shorts. Si Drake kaya ang namili ng lahat ng ito? Bakit kaya puro shorts at sleeveless ang mga damit kung gano'n? Akala niya ba ayaw nitong nagsusuot siya ng mga ganoong klaseng damit?

Pagkalabas niya ay tinuyo niya ang kanyang buhok sa tuwalya. Nilingon niya muli ang kuwarto ni Drake at nakitang patay na ang ilaw nito mula sa maliit na siwang ng pinto. Ngumuso siya at pumasok na din sa kuwartong nakalaan para sa kanya.

Gentleman pa rin pala ng isang iyon. Binigyan siya ng sariling kuwarto sa halip na yayain siyang matulog sa tabi nito. Not that she would mind that part. Conservative pala, Shirley! Napangiti siya sa sariling kabulastugan.

She can't be blamed, though. Kung ang iba ngang babaeng estudyante ng Castillan ay halos magkanda-bali ang leeg sa kakasilay kay Drake, siya pa bang girlfriend na mismo nito? He's just really hot now. Ngayong parang hindi na ito inosente sa bagay-bagay ay masyado lamang nakadagdag sa sex appeal nito.

And, of course, the way he developed physically helped a lot on that part too. He's every inch a man. At babae lang siya na nakaka-appreciate ng regalo ng Diyos sa kababaihan! Tahimik siyang napabungisngis sa linya ng pag-iisip!

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant