CHAPTER 23

1K 42 22
                                    

"Salamat Tope, ha? Dapat hindi ka na nag-abala, e," pasasalamat at paghingi niya ng pasensiya kay Tope na nagpumilit na ihatid siya sa classroom niya pagka-alis ni Drake.

Ngumiti ito at napakamot ng batok bago nag-iwas ng tingin. Ang singkit nitong mga mata ay lalo lamang nawala dahil sa ginawa, "Wala iyon, ano ka ba. Sige, Shirley. Iwanan na kita."

Ngumiti siya at tumango dito. Ilang sandali pa ito'ng tumayo sa kanyang harapan bago talaga tuluyang umalis. Bumuntong-hininga siya at tinignan ang classroom na hindi pa gaanong puno. Marami pang vacant seats dahil siguro ay medyo maaga pa.

Naupo siya sa bandang likod. Sa ingay ng mga naririto ay nasisiguro niyang blockmates ang mga ito. May ilan namang tulad niya ay tahimik lang.

Ang libreng oras ay nagbigay sa kanya ng pagkakataong isipin ang naganap kanina. Hindi talaga siya pinapansin ni Drake. Hindi man lang siya sinulyapan at tingin niya kung hindi pa ito aksidenteng napalingon sa gawi niya ay hindi pa sila magkaka-titigan.

Claudia. Mercedes. Erin. The one from the College of Nursing. Ang dami namang babae nito. Noon sa St. Thomas ay si Allie lang. Kahit na sikat ito sa mga kababaihan ay wala nang ibang pangalan ang na-link dito bukod kay Allie. Pero ngayon...

Umiling siya para pahintuin ang pag-iisip tungkol doon. Ano naman kung maraming babae ang lalaking iyon? Ano naman kung hindi siya kinakausap at pinapansin? Wala siyang pakealam. Sa ganitong panahon ay hindi dapat pino-problema ang maliit na bagay na tulad no'n.

The professor in that subject didn't show up. Siguro dahil first day pa lang naman ng pasukan. Ang sa sumunod na subject ay ganoon din. Natapos ang araw na iyon na iisang professor lamang ang pumasok upang ipaliwanag ang syllabus ng subject at grading system. Pagkatapos no'n ay na-dismiss din sila.

Nilingon niya ang orasang pambisig at nakitang isang oras na mas maaga siyang makaka-uwi ngayon kaysa sa dapat. Dadaan na muna siguro siya sa ospital bago umuwi sa bahay.

Niligpit niya ang gamit bago lumabas ng classroom. Fifteen students lang sila na painting majors. Hindi niya alam kung ilan sa morning o afternoon shift ngunit tingin niya'y ganoon lang din ang bilang.

Palabas siya sa classroom nang tumunog ang kanyang cellphone. She saw Marj's name on the screen and answered it right away. Nilalakad niya ang hagdanan pababa sa ground floor ng building nila habang nasa kanyang tenga ang cellphone.

"Bakit na naman?" bungad niya rito.

Natawa ito sa kanyang reaksiyon. "What? Kukumustahin lang kita, e. May klase ka pa ba?"

"Wala. Isang prof lang ang pumasok ngayong araw."

"Nako, sa'min din. Ganyan talaga kapag first week. Asahan mo'ng ganyan sa mga susunod na araw. By the way, I'm in a restaurant just outside Castillan. May ipapakilala ako sa'yo."

Kumunot ang noo niya dahil doon. "Ano na naman ba 'yan Marj?" Ang imahe ni Drake ay nakikita niya sa kanyang isip. Kumakalampag ang puso niya sa kaba. Is her friend with him right now? Sine-set up ba siya nito doon?

Nakakabaliw! Kung ano-ano itong iniisip niya at pakiramdam niya isa na siyang praning!

"Ba't ba tunog iritable ka ngayon?" halakhak nito. "Nabanggit mo sa'kin na kailangan mo ng trabaho na hangga't maaari ay hindi mo kailangan pasukan ng araw-araw hindi ba? I have this friend who sells items with printed designs online. She needs a designer with fresh ideas. Naisip kita kaya..."

Napahinto siya at napamulagat dahil sa sinabi nito. "T-Talaga?"

"Oo! Kaya dalian mo puntahan mo kami dito!" sinabi nito sa kanya kung saang restaurant ang mga ito naglalagi bago pinatay ang tawag.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now