CHAPTER 16

953 46 23
                                    

Nairaos ng matiwasay ang kasal. Hindi na napigilan ang mga luha nang magsalitan na ng vows ang kanyang Ate Karen at Sir Neil. Maging siya ay pigil ang iyak. This is supposed to be a happy ceremony. Ngunit hindi mapigil ang ma-touch ang mga bisita sa dalawa.

Minsan nang naghiwalay pero sa huli ay ang dalawa pa rin. Posible pala ito? Kung sabagay. Ang mama at ang Tito Jake niya ay ganoon din ang istorya. Maybe some love is really hard to forget. May mga pagmamahal ang hindi nawawala sa paglipas ng panahon at mas tumatamis lamang sa ikalawang pagkakataon.

Nang matapos ang seremonyas at ang napakaraming picture taking ulit ay nagtuloy na ang mga bisita sa malapad na tent na itinayo sa tabing-dagat para sa reception.

May dalawang mahabang mesa sa harapan. Ang iba ay pawang malalaking bilugang mesa na na may magandang centerpiece. Sa gilid ay nakahilera ang maraming pagkain. Naka-kita pa siya ng limang lechon na naroon para sa mga bisita.

Malaking pamilya kasi sina Ate Karen kaya siguro ganoon. Halos lahat din ng nasa resort ay imbitado para dito sa handaan kaya malaki talaga dapat ang salo-salo.

Sebastian offered a seat for her. Magkatabi sila sa isang bilugang mesa para sa mga taga-Eclipse. Ang mama nila at ang papa nito ay nasa harapan para naman sa mesang nakalaan sa mga ninong at ninang ng bagong kasal.

Naupo siya doon. Tumabi ito sa kanya at inusog ang upuan palapit sa kanya. "Hindi pa ba kayo tutugtog?"

Umiling si Baste. Nananatili ang tingin nito sa harapan. Kanina pa ito ganito. Parang ayaw siyang tignan. "Hindi pa. Gutom ka na ba? Kuha na ako'ng pagkain."

Tumayo na ito bago pa man siya makapagsalita. Pinabayaan niya na sa nais nitong gawin habang siya ay nakikinig sa programme na ginaganap sa harapan. Ang dalawang malapit na kaibigan ni Ate Karen na kapwa beki ang nagsisilbing host doon kaya puro patawa.

Sa mesa nila ay panay ang tinginan sa mga pictures na kinuha kanina. Nakisali siya hanggang sa marinig niya ang paglapag ng plato sa kanyang mesa.

Nag-angat siya ng tingin kay Baste. "Thank you. Kumain ka na rin."

Halos lahat ng bisita ay abala na sa pagkain at kuwentuhan. Nananatili ang tugtog sa harapan. Dumating sila Ate Karen doon na iba na ang suot. Mas maiksing dress upang makagalaw ng mas maayos.

Pumalakpak ang lahat pagpasok ng mga ito. Bumati sa mga naroon at nagpasalamat sa mga nagpunta. Pinutol niya ang pagkain nang lumapit ang Ate Karen niya sa mesa nila. Niyakap at binati niya ito. Sinabi niya na ang regalo niya ay naroon lamang sa mesa kung saan dapat ang mga regalo.

"Salamat Faye!" hinalikan siya nito sa pisngi.

Ang regalo niya ay charcoal painting ng dalawa. Iyon ang pinaghirapan niyang gawin ng halos tatlong linggo. Nasa gintong frame iyon at may kalakihan.

Bumalik siya sa upuan nang matapos sa dalawa.

Nang sumapit na ang gabi at matapos na sa pagkain ang mga bisita ay nagsimula na sa pagbibigay ng mensahe ang mga malalapit kanila Ate Karen at Sir Neil. Natatawa sila tuwing may nakakatawang sasabihin at maiiyak tuwing may nakaka-touch.

"Iyong oras? Distansiya? Wala iyon. Para sa'kin, kapag para kayo sa isa't-isa, maghiwalay man kayo ng sobrang tagal at magkalayo man kayo ng ilang taon, sa huli kayo at kayo pa din talaga. Kaya Neil at Karen, congrats dahil nahanap niyo iyong taong ibinigay para sa isa't-isa."

Pumalakpak silang lahat sa mensaheng iyon ng kaibigan ni Sir Neil.

Tinawag ang pangalan ni Baste pagkatapos para sa huling mensahe. Ang mga babaeng pinsan ni Karen sa kabilang mesa ay impit na napapatili. Kanina niya pa napapansin ang mga ito at mukhang hindi nga nakaligtas sa kamandag ni Sebastian Agoncillo.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now