CHAPTER 62

966 36 16
                                    

It wasn't a surprise that the College of Engineering effortlessly owned the game. Tinambakan nito sa puntos ang College of Fine Arts nang walang kahirap-hirap. Sa tingin nga niya'y pinagbigyan na lang ang twelve points na tanging nakuha ng college nila sa buong durasyon ng laro.

"This is the freaking reason why you have to win the pageant Shirley! Kung mananalo ka do'n, hindi tayo ang magiging pinaka-kulelat! Oh my God, this is so embarassing! Lagi tayong underdog kapag sports fest" si Marj na halos pagtakpan ang mukha sa kahihiyan.

Napangiwi siya. Grabe naman ito makapang-pressure!

"So, how was the game?" si Paul na naglalakad na palapit sa kanila. Ang gym bag nito ay nakasabit sa isang balikat habang mayabang na naka-ngisi. Kasunod lamang si Drake na abala sa pagpupunas ng pawis nito ngunit ang mga mata ay nakatuon na sa kanya.

"Hindi niyo man lang kami pinagbigyan! Ilang taon na kayong nagcha-champion!" reklamo kaagad ni Marj dito.

"Hey, ano'ng 'di pinagbigyan? Pinalusot na nga namin 'yung twelve points. If we're not being kind enough, 'di na namin pinaghawak ng bola ang mga 'yan. Your players are sp lousy," kibit-balikat ni Paul bago humalik sa noo ni Marj at inangkin ang espasyo sa tabi ng kanyang kaibigan.

"Yabang," irap niya rito. Narinig niya ang tawa ni Drake sa kanyang tabi. Nilingon niya ito. "Isa ka pa."

Itinaas nito ang dalawang kamay na tila tanda ng pagsuko sa kanya, "I'm not saying anything, baby."

Pinaningkitan niya ng mga mata nito. Nanatili ang mapaglaro nitong ngiti bago lumapit at bumulong. "Let's go home? I thought you're going to punish me?"

"Why do you sound so excited? Ano bang iniisip mo?" balik-bulong niya rito. Mapaglarong nilinya ang buto ng panga nito. He's so warm and sweaty but he still smells so damn good. Para ngang gusto na niya ito'ng iuwi ngayon.

Tinbingi nito ang ulo at tinitigan lamang siya. There's this dark expression playing in his eyes that she knew so well. He doesn't need to say anything. Nailing siya ngunit hindi mapigilan ang ngiting kumakawala. "Asa ka."

"Drake!"

Sabay silang napalingon nito kanila Brace na sumigaw. Palabas na ang mga ito ng gym tulad ng ibang naroon at nanood ng game kanina. Nakahinto ang mga ito at naka-tingin sa kanila maliban na lang kanila Chrismille at Cedes na naroon sa bandang likuran at hindi sumusulyap.

"Hindi ka ba sasama? Kahit ngayon lang?" tanong ni Brace.

Umiling si Drake, "Kayo na lang muna."

Brace gave Drake a thumbs-up. Kumaway din ito sa kanyang direksiyon na tinugunan niya rin ng kaway bago sabay-sabay na umalis ang magka-kaibigan.

"What's that?" she asked Drake when his friends were already out of their sight.

Hinubad ni Drake ang suot na jersey shirt bago tumugon. Revealing the firm and lean muscles of his upper body. Hindi niya mapigil ang mga matang mapalingon doon.

"Gusto nilang subukan ang rides at booths." Dinala ni Drake ang daliri sa ilalim ng kanyang baba para isara ang mga labing hindi niya alam ay umaawang na pala.

Tinampal niya ang kamay nito bago ito binigyan ng pinaka-matalim na tingin. Gusto niyang pagtakpan ang kahihiyan dahil sa kanyang naging reaksiyon. Tinawanan lang siya ni Drake bago nag-suot ng malinis na puting t-shirt.

"Oh, bakit hindi ka sumama sa kanila? Nandito naman si Paul. Magpapahatid na lang ako sa kanila pauwi."

"Bakit naman kita ihahatid?" si Paul na mukhang nasa mood mang-asar.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now