CHAPTER 56

1K 31 9
                                    

Hawak niya ang kandila sa isang kamay habang ang isa'y sakop ng palad ni Drake. Tinatahak nila ang daan patungo sa kung saan nakahimlay ang kanyang ama. Dapat ay siya lang ang bibisita pagkagaling niya sa bahay ng kanyang tito but Drake insisted to come with her.

Mataas ang sikat ng araw. But the trees provided shade and fresh air for them. Huminto siya sa harap ng himlayan ng ama. Drake kissed the back of her palm before letting her hand go. Inilagay nito ang biniling basket ng bulaklak doon. Tinulungan din siya nito sa paglalagay ng kandila at pagsindi sa mga iyon.

She prayed and silently talked to her father. Sa buong oras ay nanatili sa likuran niya si Drake. Nakadistansiya upang bigyan siya ng privacy ngunit hindi rin lubusang lumalayo upang ipaalam na hindi siya mag-isa.

They stayed there for a while. Makalipas ng halos dalawang oras din ng pananatili doon ay saka sila nag-desisyong umuwi. Dahil kararating pa lang, pinayagan siya ng tiyo na sa susunod na Sabado na lamang matulog sa bahay nito at manatili muna kay Drake.

"We'll visit here again next week if you want to," ani Drake habang binubuhay ang makina.

"'We'?" nangunot ang kanyang noo.

"Yes. We. I want to visit papa too."

Lalong naningkit ang kanyang mga mata, "'Papa'?"

Drake's sheepish grin showed, "Your father wants me for you. So I think he likes it when I call him 'papa' too."

Natawa na lamang siya rito. Sa kabila ng lahat, Drake never failed to bring sunshine in her life. Nagpapasalamat siya sa presensiya nito dahil tila ba nagiging madali lang ang lahat ng bagay para sa kanya.

It was a lazy Saturday afternoon. She's just in the mood to lie down and rest. And it looks like Drake is in the same mood as her too.

Inayos niya ang ulo ni Drake sa kanyang balikat. He's peacefully asleep but his arms were secured on her waist and his legs were tangled in hers. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ni Drake na naligaw sa noo nito at pinagsawa ang sariling pagmasdan ang guwapo nitong mukha.

She traced his thick eyebrows and lashes. Tapos ay ang kurba naman ng labi nito ang pinagdiskitahan niya. Kumilos si Drake ngunit hindi naman tuluyang nagising. Ngumiti siya bago pinatakan ng halik ang maganda nitong labi.

The buzz from the doorbell broke the peaceful silence. Umangat ang kanyang ulo nang hindi iyon tumigil. At hindi rin nagtagal ay napamulat si Drake. Pupungas-pungas ito bago muling pumikit at nilubog ang mukha sa kanyang leeg.

"May tao Drake..." she told him. Trying to break away from his limbs but couldn't. Instead, Drake hugged her tighter. Making it hard for her to move even the slightest.

"Hayaan mo," bulong nito at halatang inaantok pa. Lalo nitong siniksik ang mukha sa leeg niya. "Baby, I'm still sleepy."

"Kuya?" tinig iyon ni Belle.

"Drake, I think it's Belle." Inalis niya ang mabigat nitong braso sa ibabaw ng kanyang tiyan at bumangon mula sa kama. She heard him groan in protest but then his footsteps from behind say that he's following her.

Pinadaanan niya ng daliri ang kanyang buhok at inayos ang oversized shirt ni Drake na bahagyang nalukot. Binuksan niya ang pinto. Drake's beautiful little sister was obviously shocked when she saw her.

"Ate Shirley?" bulalas nito.

"Hi, Belle," she gave her a smile.

"Belinda..." si Drake na naramdaman niya sa kanyang likod. "Hindi ka nagsabing pupunta ka dito?"

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ