CHAPTER 47

1.2K 38 18
                                    

Ilang sandali lang nanatiling mulat ang kanyang ama bago ito muling nahimbing. Hinayaan niya ito sa pag-iisip na iyon ang kinakailangan ng katawan nito para tuluyang makabawi ng lakas.

Though she's still worried about her father's state, kahit paano'y gumaan na ang kanyang dibdib dahil sa muling paggising nito. That alone is a miracle. Sana'y maging tuloy-tuloy iyon hanggang sa muli ay manumbalik ang sigla ng kanyang ama.

Kinuha ni Drake ang atensiyon niya sa marahang halik na ipinatak nito sa ibaba ng kanyang tenga. They were on the seat just outside her father's room. His arm is around her waist while his other hand's busy massaging her palm.

Nilingon niya ito. Halos sa dibdib na siya ni Drake nakasandal. Sa sobrang lapit nila ay naging madali para dito ang bigyan siya ng halik sa kanyang noo. Napa-pikit siya bago ipinahinga ang ulo sa balikat ni Drake.

"You need anything? It's almost lunch. Maybe we should get something to eat?" malambing nitong tanong sa kanya.

Ang Tito Spencer at Tita MJ niya ang nasa loob ng kuwarto habang si Martha ay umuwi para naman asikasuhin ang anak nito. Babalik din ang tiyo niya mamaya sa trabaho. Ganoon din ang Tita niya na mas malago na ngayon ang negosyong salon.

"I'm fine. Why? Are you hungry?" she asked him.

Inabot niya ang leeg ni Drake at hinaplos. The warmth of his skin comforted her heart. Ang pulso nitong nadadama niya sa kanyang daliri ay para bang konektado na sa buhay niya.

Drake will always be her strength; the anchor and the force that always keeps her in place. Her light, her miracle and her life. Ngayon niya napagtanto kung paanong iba ang pakiramdam noong wala ito sa kanyang tabi habang pinagdaanan ito at ngayong nandito ito't hawak-hawak ng mahigpit ang kamay niya.

"I'll eat when you eat," he said with finality.

His voice resonated in his chest. Napa-pikit siyang muli. Dalawang braso na ni Drake ang nakayakap sa bewang niya at naramdaman niya pa ang pagsandal ng ulo nito sa kanya.

"Hindi ako makakapasok ngayon sa school, babe. I can't leave my father now that he's awake. If only I could be with him every hour," kausap niya dito na medyo inaantok na.

"Then I'll stay with you too."

Doon siya muling nagmulat at nag-ayos ng upo. Halos pasalampak na ang upo ni Drake. His legs were spread wide while his thumb was gently caressing her cheek.

"You can't do that," maagap niyang tanggi sa naisip nitong ideya. "You can't skip your classes today just because of me."

Naglaro ang kakaibang emosyon sa mga mata ni Drake. It's like he's in a deep thought. He pursed his lips after a while. Hindi niya alam kung bakit palagi siyang nababagabag dahil sa mga labi nito. How's it possible for lips to be that sexy?

"Ngayong araw lang, Shirley. Please? I can't leave alone here, baby."

"Hindi naman ako mag-isa dito," balik niya.

Pumungay ang mga mata ni Drake. His eyes were so dark that it resembled a coal. They're so deep that she'd probably get lost deciphering all the mysteries that are lurking behind them.

"Please? It's just one day," pakiusap nitong muli sa kanya.

Hindi siya makapaniwalang kayang lumiban ni Drake sa klase nito. Noon pa man ay alam niya na kung gaano kahalaga para dito ang pag-aaral. She could miss a class or two without feeling guilty about it but Drake's not like that. Natatakot siya sa lahat ng mga bagay na posible nitong i-sakripisyo para lang sa kanya.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now