CHAPTER 7

762 32 7
                                    

Excited siya para sa kanyang unang araw ng training. Alas-kuwatro ng hapon ang oras na ibinigay sa kanya ng pagpasok. Sapat na oras iyon para mai-train siya bago maging abala ang buong staff ng Eclipse sa pagbubukas ng restobar. Pero pagkatapos pa lang niyang mananghalian sa mansiyon ay sumama na siya kay Baste patungo sa resort.

Sa tattoo shop na lamang siya maghihintay hanggang sa sumapit ang tamang oras. Gusto kasi ni Baste na ihatid pa siya sa Eclipse kahit na alam naman niya ang patungo doon.

Binati niya si Yassi na nasa tanggapan ng tattoo shop. Ang ilang kasamang artists ni Baste doon ay kakilala niya na rin. 'Di hamak na mas matatanda ang mga ito kaysa sa Baste ng ilang taon.

Inabala niya ang sarili sa pagbabasa ng magazine habang hinihintay ang oras. Dapat pala dinala niya ang kanyang sketchpad at sa tabing-dagat naghintay. She'd rather stay outside and draw. Nababagot talaga siya dito.

"Hanggang alas-kuwatro lang po si Sebastian, Ma'am. Kung gusto niyo ay kay Gino na lamang kayo magpa-tattoo?" kausap ni Yassi sa isang binibining kanina pa pilit ng pilit dito na kay Sebastian magpapagawa ng tattoo.

Ilang beses na ding sinabi ni Yassi na marami nang nakapila kay Baste para sa ngayong araw at hanggang alas-kuwatro lang ito.

"'Di mo ba talaga maintindihan? Gusto ko si Sebastian!" hiyaw nito.

"Kung bukas nalang po kaya kayo bumalik?" malumanay na kausap ni Yassi dito sa kabila ng inis na nakikita niya sa mukha nito habang kausap iyong babae.

Bakit kasi kailangang ipilit kay Sebastian gayong may ibang tattoo artist pa naman? Magagaling din naman iyong iba at 'di hamak na mas maraming experience kaysa kay Baste.

"Bukas? Bukas na naman? Bukas na ang uwi namin pa-Maynila, Miss!"

"Wala na po ako'ng magagawa diyan," kibit-balikat ni Yassi. "Magaling naman po si Gino o 'di kaya ay si Ramon. Matagal na po silang mga tattoo artists."

"'Di bale na! Buwisit ka!" umirap ang sexy'ng babae at lumabas ng parlor.

"Buwisit ka din!" sigaw ni Yassi nang makitang wala na iyong babae at hindi na maririnig.

Napa-iling siya, "Bakit ba pinipilit na si Baste?"

Bumuntong-hininga ito ng marahas. "Naku, palaging ganyan Shirley! May magpupuntang babae dito at pipiliting si Baste ang gagawa ng kanilang tattoo! Gusto lang namang lumandi!"

Natawa siya. "Mukhang mabenta talaga si Baste dito."

"Sinabi mo pa! At alam mo ba kung saan nila pinapalagay ang tattooing pinapagawa nila? Sa mismong boobs pa para lang maakit si Baste! Diyos ko, mahabaging langit, ang mga babae nga naman ngayon!"

Napangiwi siya sa sinabi nito. Seriously? Pero mukha namang walang reklamo si Baste doon. Nage-enjoy pa nga. Hindi nga ba't kahalikan pa nito iyong babaeng nagpunta dito kahapon?

"Gustong-gusto kasi ni Baste kaya siguro ganoon. 'Di ba may kahalikan iyong babae dito?" aniya.

Umirap si Yassi. "Minsan pumapatol talaga 'yan. Lalaki, e. Tatanggi ba sa grasya iyan?"

Napa-iling siyang muli sa sinabi nito. Hindi naman imposibleng dumugin talaga si Baste dito. He has the looks, definitely. Idagdag pa ang dark and mysterious aura na ipinapakita nito na talaga namang nakakapukaw ng mata.

Ilang minuto lamang ang lumipas matapos ng nangyaring gulo sa labas ay bumukas ang pintuan sa cubicle kung saan si Sebastian. Lumabas ang huling kliyente nito para sa ngayong araw. Nilingon siya nito. Tumingin siya sa wall clock at nakitang maga-alas kuwatro na.

Pakisabi Na Lang 2 (A JaiLene Fanfiction)Where stories live. Discover now